Ch. 3: Saviour

565 9 0
                                    

"Sasama ka parin ba saakin miss?" sabay lingon nya saakin. Para akong natanggalan ng tinik sa dibdib at that time. Siguro dahil wala din naman akong alam kung san pupunta, mas maiging sumama nalang muna ako.

Kasalanan nalang ni Drew if may masamang mangyari sakin. Tutal sya naman ang nagsabi sakin na explore the world and meet new people eh.

Sinundan ko lang ng sinundan yung lalaki. It seems to me na kilala sya dito sa lugar na to kac ilang mga tao na ang nangamusta sa kanya.

Pero my gosh! Ano ba ang definition ng lalaking to sa salitang malapit? Kanina pa kami lakad ng lakad pero wala parin kami sa sinasabi nyang palengke.

To top it off, napaka gentleman din nya at hindi man lang ako nagawang tulungan sa maleta ko. Please notice the sarcasm. Mabuti nalang at iisa lang ang dala ko and magaan lang ito. Sobrang hinihingal na ako and nagawa pa nya akong tawanan.

"Wag kang magalala, malapit narin naman tayo." Nginisian lang nya ako at dirediretyo parin sya sa paglalakad.

"Ilang kilometro ba ang malapit sayo? I think we've been walking for like an hour na, and you never asked me if I need a rest." Sobrang naiinis na ako dahil parang pinag tritripan nalang ako ng lalaking to eh. Eh kung nag taxi nalang kaya kami or tricycle? It would be easier and faster.

"Sa tagal nating nakaupo kanina sa bus, sa tingin ko kelangan din natin ng konting exercise. And by the way, you didn't complain at all, so nag assume ako na you were enjoying the walk..... with me." Napaka angas ng tono nya at may kasabay pang pakindat kindat saakin.

Hindi na ako umangal sa sinabi nya kac totoo naman na nag eenjoy ako. Hahaha! Natawa sya sakin dahil hindi ako nag comment sa sinabi nya and napasabay narin ako sa kanya.

Mga limang minuto pa kami nag lakad lakad hanggang sa makarating kami sa palengke.

Napaka crowded ng place and it was so hard na maglakad habang hilahila ko ang luggage ko. I was a bit worried and scared kasi lahat nalang ng malalakaran namin eh taas baba ang tingin saakin.

"Wag kang mag alala. Ganyan lang sila kung makatingin sayo dahil sa suot mo and may dala dala ka kasing maleta sa gitna ng palengke." Pangisi nyang sabi.

"Dahil sa suot ko?" Wala namang problema sa suot ko. In fact, si Drew nga ang nagsabi na simple ang isuot ko dahil magiging okay toh sa paningin ng mga tao dito. Especially daw if I'm planning to experience normal lifestyle.

I'm only wearing a black denim valentino shorts, my olivia Hermes sandals, a beige crop-top from I don't know where I purchased, a simple Chanel sunglasses and a cute little studded cross body from Michael Kors.

"I'm actually wearing the simplest I could think of." Mejo napansin ko na parang naartehan sya sa sinabi ko at tinignan nya ako pataas at pababa.

"Miss... kung ako ang tatanugnin mo, alam kong mamahalin ang mga suot mo. Pero hindi yan ang rason kung bakit sila tumitingin sayo ng ganyan."

Tinignan nya yung mga paa ko and napakabagal nyang tinaas ang tingin nya hanggang sa makaabot eto sa shorts ko "Masyado kasing maiksi yang shorts mo.."

Mas itinaas pa nya ang tingin nya hanggang sa umabot sa dibdib ko. Sobrang nailang ako sa mga tingin nya kaya nagtakip ako ng dibdib. "What do you think you're looking at?!"

"Nakikita na rin kasi yang puson mo.. Nasa palengke kasi tayo at ganyan ang suot mo. Malamang sobra ang atensyon na makukuha mo. Kung hindi ka nalang sana nagdamit diba?"

Nagulat ako sa mga sinabi nya. I felt so humiliated and hurt. Na para bang sobra akong nabastos. Hindi ko namalayan eh nasampal ko na sya sa galit.

Hindi nako nagsalita and I just walked away from him not knowing where I'm going. Dirediretyo lang ang lakad ko hanggang sa I reached an area na may mga tambay. They looked like students based sa uniform nila. Sobra na lang ang gulat ko ng isa sa kanila eh hinarang ako.

"ooooooh! Mga tol, tignan nyo nga naman oh."

"Hanep! San ang punta mo sexy?"

Apat sila na palapit ng palapit saakin and I was so scared for my life. Nung hahawakan na sana ako ng isang lalaki, may biglang humila sakin sa likod ko.

"Babe I've been looking for you! I was just asking for directions eh bigla ka nalang nawala.... Do you know these people?" Nakahinga ako ng maluwag nung nakita kong si Mr. bus ang saviour ko.

"I... I was just looking around." Hindi ako makatingin sa mga lalaki dahil na rin siguro sa takot. Narinig ko nalang sila na mino-mock ang pag eenglish ko. So pathetic and such an as*hole.

Hindi ako gumalaw sa kinakatayuan ko at nakatingin lang ako sa mga paa ko habang hawak hawak ng mahigpit ung luggage ko. Naiiyak na rin ako pero pinipigilan lang dahil ayaw kong mag mukhang weak and katawa tawa sa harap ng lalaking to.

Hindi ko alam kung ilang minuto kami nakatayo lng na magkaharap na walang imik. Brineak nya ang silence ng huminga sya ng malalim at kinamot yung batok nya.

"Let's go." Hinawakan nya ang luggae ko habang ang isa naman eh hinawakan ang kaliwang kamay ko. Naglakad kami pabalik sa kung san ko sya sinampal. Sa saktong pwesto sya tumigil.

"I-rewind natin yung nangyari kanina." Binuhat nya yung kamay na pinansampal ko sa kanya at dinikit nya ito sa pisngi nya. Pagkababa ng kamay ko:

"I'm sorry for what I've said. Wala akong masabing excuse para sa napaka insensitive na comment ko kanina. I'm hoping na you would at least let me make it up to you.... I'm Warren by the way." inextend nya ang kamay nya habang ako eh nakatingin lang sa kanya at hindi nagpapakita ng emotion. 

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon