This feels comfortable. Mabango, and warm. "Miss... Miss. Gising." Tumingala ako sa pinanggalingan ng boses and biglang nanlaki ang mga mata ko at uminit ang mukha ko dahil sa hiya.
"I'm so sorry!" Nakakahiya ka Sam. Nakakahiya. Sana lamunin ka na lang ng lupa.
Napangisi yung lalaki sa reaksyon ko. "Okay lang. kahit na basang basa na tong balikat ko sa laway mo."
Nagdadasal akong nagbibiro lang sya. Pag tingin ko sa balikat nya, mejo dark na nga yung gray na T-shirt nya kung san nakasandal kanina yung ulo ko. Eeew ang kadiri ko talaga.
"Oh my gosh! I'm really sorry." Shocks! Anong klaseng kababuyan ang nagawa ko. To top it off, sa gwapong lalaki pa.
Oooy hindi ko naman sinasabi na it's okay na lawayan ang mga hindi masyadong alam nyo na huh.
"Madaming babae ang naglalaway sa tuwing nakikita ako, pero ikaw palang ang babaeng literal na naglaway saakin." Tumawa sya ng mahina sa sinabi nya.
Masasabi mo ngang madaming babae ang naglalaway pag nakita sya. Kahit na nakaupo lang kami, I can see that he's tall. Halata ding nag gygym to dahil sa build ng katawan nya.
And ang face nya? Never question me when I say ang gwapo! I've never seen someone this gorgeous in my life.
Oh my god! Itigil nyo na ang bus na to. What have I done? Gusto ko sanang tumakbo palayo, pero we're inside a moving bus. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil sa kahihiyang nagawa ko kaya napatingin nalang ako sa bintana.
"Pasalamat ka maganda ka, at mukhang nag brabrush din naman. Kaya wag ka ng mag alala." Pansin kong pinipigilan lang nya ang tawa nya habang sinasabi nya yun. Pinagtritripan na yata ako ng lalaking to.
"Pasensya na talaga. I know na what I've done is disgusting, pero hindi talaga ako normally naglalaway sa pag tulog."
"Wag kang masyadong defensive. Pwede naman akong maglakad lang na shirtless. Souvenir mo nalang sakin toh." Pangisi pa nyang sinabi sakin.
He's really having the best time making fun of me. Or maybe nakikipag flirt sya?
"I'm sorry pero masyadong precious ang laway ko para maging souvenir lang. Why don't we go somewhere I can buy you a new shirt?" Now it looks like I'm the one asking him out. Ang landi mo Samantha!
"Well, if you insist, hindi na ako tatanggi pa. Malapit lang naman sa bus terminal yung palengke. Pwede mo narin ako bilhan ng damit dun." Hindi ko alam ang mararamdaman ko nung sinabi nyang palengke.
Yung kaibigan ko kasing si Drew, puro negative ang mga naririnig ko sakanya about sa pilipinas. Something traumatic ang nangyari sa kanya in this country so I can't blame him. Pero that's him. I wanna learn from my own experience.
I've seen a lot of videos ng mga foreigners sa pilipinas and it always trigger something within me. Nakakainggit kasi to watch them getting lost and rediscovering such a beautiful place. May napanuod akong isang youtuber na pinakita ang good and ugly side ng pilipinas and I wanna see that myself.
"That would be awesome." Pangiti kong sabi sa kanya.
After ilang minutes, I noticed na nakatulog na sya. Sinuri ko ng maigi yung features ng mystery guy na katabi ko. I've been around many models na, pero iba talaga ang kagwapuhan nya. His face looked very chiseled. Napaka prominent ng jawline nya. Napakatangos ng ilong, mahaba ang mga pilik mata, at higit sa lahat, mukhang napaka soft ng lips nya.
I don't know pero ngayon lang ako na attract sa isang tao dahil sa physical appearance nito.
"Don't you think napapasobra na yata yung mga titig mo sakin miss?" Halos lumuwa ang mga mata ko ng marinig ko syang magsalita na nakapikit.
"I'm n-not staring at you. Tinitignan ko.... yung window sa kabila." Smooth. Very smooth Sam. I'm even learning how to be a good liar. Iba na yata talaga ang epekto ng lalaking to saakin.
Ngumisi lang sya saakin and after waiting for like an hour, huminto na rin ang bus.
"Hey, wake up! I think we've arrived na." hinawakan ko yung braso nya para mas magising sya. Pano ba naman kasi, ayaw parin gumising.
Pero grabe, malaki talaga ang braso nya.
Tumawa sya ng mahina sabay sabi ng "Gusto mo lang yata talagang hawakan yung braso ko ano?"
Gwapo nga itong lalaking eto but I think umaapaw ang pagka over confident nya.
Napaikot ang mga mata ko sa pagkaloka ko sa kanya. "Say whatever makes you sleep at night."
Napansin kong nagpipigil sya ng tawa habang tumatayo. Sumunod ako sa kanya palabas ng bus at kinuha ko yung maleta ko.
"Miss, okay lang ba sayo na maglakad nalang tayo papuntang palengke?" I looked around and madami namang taxi and tricycle. May mga jeepney pa nga akong nakikitang dumadaan. Maybe wala syang pamasahe?
"Why? I can pay for it. Okay lang." He frowned at me nung sinabi ko yun. Pero nawala din naman kaagad and pinalitan nya ng ngiti.
"Hindi naman sa wala akong pamasahe. Sayang sa pera, and besides, malapit lang naman din kasi." I don't even know the place so magtitiwala nalang ako sa kanya.
Should I really trust him? I've heard a lot of stories from Drew na madaming mga technique ang mga magnanakaw and kidnappers ngayon dito sa pilipinas.
Napansin yata nya na napaisip ako ng malalim at nagka idea rin yata sya kung ano ang iniisip ko.
"If you're thinking na may masamang balak akong gagawin sayo, itigil mo nalang yan miss. Hindi kasi kita type."
Ouch naman. Hindi dapat ako mainsulto dun sa sinabi nya pero mejo na disappoint lang ako ng kaunti. Hindi ko din naman sinasabing napakaganda ko para hindi nya maging type pero never pa akong sinabihan na hindi ako type.
Hay naku Sam just get over it. Yung ex mo nga hindi nga sinabing hindi ka gusto, pero pinakita at pinaramdam naman nya sayo. Life motto yata nya is action speaks louder than words.
"I'm sorry. It's just that I've heard a lot of bad things from my friend tungkol sa pilipinas." Tinignan nya ako pataas pababa and tinitigan ng mejo matagal. Nag buntong hininga sya at kinamot nya ang batok nya.
"Then bakit ka nandito?.... You know what, never mind." Tumalikod sya bigla at naglakad nalang sya papalayo.
Habang naglalakad sya papalayo, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Feeling ko para akong aso na iniwan ng amo ng biglang:
BINABASA MO ANG
What If
RomanceSamantha Ramirez: I fell in love with this guy who brings out the real me. With him, madaming bagay akong na discover sa sarili ko. He showered me with love I never had before. He gave a meaning to my monotonous life. Pero ang problema nga lang, I f...