Ch. 4: Special

777 11 0
                                    

I was hurt by what he said, pero the guy saved me earlier sa mga manyakis. Tinignan ko lang yung kamay nya ng matagal. Napansin yata nyang parang wala akong balak makipag kamay sa kanya. Kaya naman nung ibababa na sana nya yung kamay nya, nagulat sya nung bigla ko syang kinamayan.

"I'm Samantha." Nung nagkahawak yung mga kamay namin, I felt a spark. Hindi spark sa nagkadikit naming kamay kundi spark sa puso ko. Alam ko it sounds so cliché and corny, pero siguro nga totoo yung sinasabi nila. May darating at darating talaga sa buhay mo na hindi mo inaasahan na makakapag pabago ng tibok ng puso mo.

No no no. Umayos ka Sam. This might be some kind of misattribution. Yes, tama. Maybe I was just super scared kanina and hanggang ngayon eh hindi parin kumakalma yung puso ko. Remember what Drew said. This guy means trouble.

I don't know if I'm making funny faces right now dahil natatawa sya saakin.

"I think gutom lang yan kaya lumalaki laki yang mga mata mo... Tara, may masarap na karinderya dito." Hinawakan na naman nya yung kamay ko habang naglalakad kami papunta sa sinasabi nyang karinderya.

Napapansin ko sa lalaking to eh masyado na syang nagiging touchy. Kahit na gaano pa sya kagwapo, hindi ako easy girl ano.

Pumasok kami sa isang bahay made out of bamboo. It looked kind of like those bahay kubo pero malayong mas malaki nga lang ito. Pati mga mesa sa loob is made out of bamboos and may mga plastic chairs around them.

To be honest, this place exceeded my expectations. Yung mga ate sa bahay ang sabi nila may mga langaw and maingay daw at masyadong mainit sa loob ng karinderya. However, this place actually looked beautiful and clean. Wala ding tao.

Pinapwesto ako ni Warren sa isang table sa tabi ng bintana habang may hinahanap syang aleng Elen.

It's lunch hour and I noticed na yung mga nadaanan naming kainan eh busy, pero dito walang costumer kundi kami lang. I wonder why. Hindi siguro masarap ang luto nila dito.

Pagbalik ni Warren, may kasakasama na syang ale na mga nasa 50s na siguro.

"Aleng Elen, eto nga po pala yung bago nyong customer."

Hindi mo maitatanggi sa mukha ng ale yung saya nya dahil abot tenga ang ngiti nito sakin. Sa haba ba naman ng byahe, nakakaramdam nadin naman ako ng gutom kaya why not try their food diba?

"I don't know what you serve here po, pero since I'm hungry, please surprise me." Nginitian ko si aleng Elen at binalik din naman nya ito.

"Aleng Elen, bakit hindi nyo po ihanda yung pinaka special nyong dish. Yung siguradong magugulat sya." Napansin ko na parang mejo mapaglaro yung tingin ni Warren. Isang tingin lang ni Warren kay aleng elen eh parang naintindihan naman nya ito.

Natawa si aleng elen at sinabing "Maswerte kayo at meron akong sahog para jan sa order mo iho." Habang paalis si aleng elen papunta sa kusina, kitang kita na tuwang tuwa ito.

Ng tuluyan ng hindi namin Makita yung ale, umupo si Warren sa katapat kong upuan "Sooo... about what happened kanina.. It was just the old me talking."

I want to tell him it's okay, pero mejo nabastos ako sa mga nabitawan nyang salita. If you ask me, wala naman akong nakikitang mali sa suot ko. My shorts are not that short. It's a loose fitting crop top din naman ang suot kong pang itaas so it's not showing a lot of skin.

I didn't realize na I'm actually checking myself out sa harapan nya. Kahit na nagpipigil sya ng ngiti, halatang halata parin sa mukha nya na natatawa sya.

"Look Samantha, I didn't mean what I said. Umiral lang yung kapilyuhan ko kanina."

Buong buhay ko, punong puno na ng problema. I don't want to add this sa listahan. This guy saved my life and forgiveness is what he desserve.

"Let's just say na patas na tayo... Nalawayan ko yang damit mo, and hindi mo na appreceiate ang suot ko."

I was serious at wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero tawang tawa ang lalaking nasa harapan ko. His laugh is very contagious kaya hindi ko na rin napigilan yung sarili kong mapangiti.

We talked for quite a while bago lumabas si aleng elen sa kusina. I learned that he's not originally from here parang ako lang. Pero he always spends his summer here simula daw nung 16 sya. He was forced to stay here as a punishment pero he fell in love with the place. Biniro ko nga na baka naman he fell in love with a certain person.

"Dalawang ulam ang hinanda ko, kasi ngayon lang nagdala ng babae si Warren dito." Inilapag ni aleng belen ang mga niluto nya at sa itsura't amoy palang eh sobrang sarap na. Sa sobrang gutom ko, hindi na nag register sa utak ko yung sinabi nya.

Yung isang ulam I think is chicken adobo and yung isa is a soup with meat pero hindi ako sigurado kung anong klaseng karne.

Sumenyas si Warren na pwede nakong kumain so I didn't waste anytime. Food is life.

Tama nga ako sa chicken adobo, pero I have no idea what the other one is. Pero I didn't really care kasi sobrang sarap ng luto ni aleng elen. Why the heck is this place empty? I have no idea pero people are crazy para hindi kumain dito.

Sa sobrang napasarap ang kain ko, hindi ko namalayan na pinapanuod lang ako ni Warren. Naiinis ako pag pinapanuod ako while eating lalo na pag gutom. Feeling ko para akong hayop sa zoo na very entertaining panuorin habang kumakain. But since sobrang sarap ng food, it's better na wala akong kahati.

Nung malapit ko ng maubos yung rice ko, napansin ko yung playful smile sa mukha ni Warren. I feel like there's something off. Special dish? Weird looks? Tinignan ko yung pagkain ko at ang nakangising mukha ng lalaking nasa harapan ko. 

Then everything sinks in. They must have put something in the food.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon