CLAUDETTE's P.O.V.
"Anak hindi na ba talaga mababago ang isip mo?"
Paulit-ulit na ang tanong ni Daddy sa akin. Pinipilit nya kasi akong doon na lamang magtrabaho sa kompanya namin.
"Dad.." Wala na akong ibang masabi. Iba na naman ang iniisip nyan.
"Anak, galit ka pa rin ba sa akin?" Nag-aalalang tanong nya.
Napabuntong hininga ako. Hindi naman kasi eto tungkol sa nangyari sa nakaraan.
"Tapos na po iyon Daddy, kung ano man ang nagawa mo sa nakaraan, doon na po yun sa nakaraan. Ako rin naman po ang magha-handle ng kompanya dahil sa akin mo ipinamana iyan.Gusto ko lang po kasi na gumawa ng sarili kong pangalan. Iyong makikilala po ako dahil sa sarili ako at hindi dahil anak nyo ako ni Mommy." mahaba kong saad.
"Naiintindihan ko naman iyon, Anak. Pero kaya mo naman gumawa ng sarili mong pangalan sa kompanya natin." Paulit ulit na pinapaintindi sa akin iyon ni Daddy.
"Dad, I'm going to be fine. Okay?" Ngumiti ako kay Daddy at niyakap na lamang sya.
"Siguraduhin lang nila na maayos ang turing nila sa prinsesa ko kundi ako talaga ang makakalaban ng kompanyang iyan!" Natatawa akong tumango kay Daddy.
Kahit kailan talaga, etong si Daddy. Hahaha. Nagpapasalamat ako kay Daddy dahil lagi syang nandyan para sa akin. Oo, nahuli namin sya ni Mommy noon na may ibang babae. Mabuti na lamang at wala silang ibang ginawa. Besides, alam ko namang loyal si Daddy kay Mommy. At mabuti nang nangyare iyon dahil natuto syang pahalagahan ang pamilya.
Nasaktan ako noon, oo. Akala ko mawawalan na ako ng pamilya, akala ko iiwan na kami ni Daddy. Mabuti na lamang at ayos na sila.
Doon nagsimula ang lahat. Doon ko na-realize na kahit mag asawa, hindi pa rin nakukuntento ang mga lalaki. Hindi naman ako Man Hater, pero alam at kilala ko kung ano ang ugali ng mga manloloko.
"Claudette! Warren! Kumain na tayo! Tama na ang drama nyo diyan!" Sigaw ni Mommy galing sa baba.
Nagkatinginan kami ni Dad at sabay na tumawa.
"Yes, Mommy! Coming!"
Lumingon ako kay Dad. "Una na po kayo, I'll just take a bath."
"Okay, make it fast, dette. We'll wait for you."
"Yes, Dad." ngumiti ako at sinara na ang pinto ng kwarto ko.
Habang nakababad ako sa bath tub ay nagmuni-muni muna ako.
Bukas, maga-apply palang ako. Sigurado naman akong matatanggap ako dahil nga sa last name ko.
It will be there pleasure to have an applicant like me. I'm not bragging about it though. Just stating the fact. Bukod kasi sa last name ko, I graduated as Summa Cum Laude from a famous college school.
Nag-research din ako kung sino ang magiging boss ko. As sa kamalas-malasan, isa iyong lalaki. Galing din sya sa school na pinanggalingan ko at 2 years palang nagha-handle ng business nila.
Mukhang senior ko sya pero hindi ko naman kilala at wala akong balak kilalanin. Pupunta naman ako doon para magtrabaho.
Nagbihis na ako at bumaba na para kumain. Pinag-usapan namin ang tungkol sa kompanya, wala namang problema. Pagkatapos kumain ay tumingin muna ako sa facebook ko. As usual, madami na namang notifications. Nireplyan ko lang iyong mga kaibigan ko na nangangamusta. Binalewala ko lang ang mga lalaking nagme-message sa akin.

YOU ARE READING
Inescapable Love
RomanceMadaming tao ang umaasa sa "Happily Ever After" Ano ba kasing meron sa pag-ibig at napakadaming nahuhumaling dito? Hindi ba nila naiiisip kung papaano nalang ang sarili nila kung masaktan sila? Kasi ako, hindi ko na susubukan pang mahulog sa patibon...