CLAUDETTE's P.O.V.
Nang dumating ako sa restaurant na tinext sa akin ni Mommy, nakita ko agad sila. Nakatalikod sa akin ang lalaking kasosyo nila at nakaharap sila Mommy sa direksyon ko kaya naman madali nila akong nakita.
Itinaas ni mommy ang kamay nya at iwinawagayway. I'm wearing a black flowing dress and black killer heels. Mas madali akong makita dahil tumitingkad ang aking kulay sa suot kong ito. Besides, hindi madaling balewalain ang ganda kong ito. *evil laugh*
Confident akong naglakad papunta sa table nila Mommy. Tumayo naman sila at hinalikan ako sa cheeks.
"Hi, honey." Saad ni daddy bago ako halikan sa cheeks.
"Hi, Dad!" Masigla kong bati.
Nagulat ako ng may tumayo sa gilid ko, whoops, muntik ko nang makalimutan na may ka-meeting pala sila Daddy hehe.
"Oh! Honey, this is Mr. Alfonso Walters." Itinuro ni Daddy ang kanyang kasosyo.
"This is our Daughter, Claudette Maurinne Zaragosa."
Ngumiti naman ako at naglahad ng kamay, "Nice to meet you, Mr. Walters."
Hehehe ang gwapo naman ni Mister Walte----WAIT WHAT?! My jaw dropped. Mukhang napansin iyon ni Mr. Walters, kaya naman ng bitawan ang kamay ko ay napahalakhak sya.
"Your daughter is pretty, Mr Zaragosa." Ngumiti naman ako nang lumingon sya sa akin, "You look elegant, hija."
Namula naman ang pisngi ko, nakakahiya na mukhang nagulat pa ako na sya ang may-ari ng company kung saan ako nagtra-trabaho.
"Thank you po" Ngumiti ulit ako.
"Please take a seat, hija." Umupo naman ako sa tabi ni Mommy.
6-seater ang table namin. Bale ganito ang pwesto namin,
-empty seat-ako-
Mr. Walters Daddy
-empty seat-mommy
Umorder na kami ng food, si Mr. Walters naman ay umorder na rin para sa kasama nya.
"My son will be here after a few minutes. He's on the way." Tumango naman ako at umupo nalang ng maayos.
"On the meantime, can we start the meeting, Mr. Walters?" tanong ni Daddy.
"Yes, sure." Ngumiti naman si Mr. Walters.
Habang nag-uusap sila ay nakikinig lang ako, minsan ay nagsasalita kapag tinatanong. Tumawag si Audrey so I excused myself.
"Yes, Audrey?" tanong ko.
"Dette, mag-bar tayo later. Nag-aaya kasi si Scarlette at mukhang broken hearted."
Napailing na lamang ako, "Sinabihan ko naman na kasing wag agad magpapadala sa matamis na salita ng manliligaw eh. Tsk tsk."
"Are you coming?"
"Ano pa nga ba? San tayo magkikita?"
"I'll be at your house by 7:30. Where are you right now ba?"
"I'm with mom and dad. Currently on a meeting."
"Oh! Sige, i'll just text you later if i'm on my way."
"Yeah, sure. See you!" pagkasabi ko noon ay binaba ko na ang tawag.
Nang pabalik na ako sa table, napatigil ako dahil nakita ko si Blake papunta sa table din namin.
YOU ARE READING
Inescapable Love
RomanceMadaming tao ang umaasa sa "Happily Ever After" Ano ba kasing meron sa pag-ibig at napakadaming nahuhumaling dito? Hindi ba nila naiiisip kung papaano nalang ang sarili nila kung masaktan sila? Kasi ako, hindi ko na susubukan pang mahulog sa patibon...