CLAUDETTE's P.O.V.
"Ma'am Claudette, pwede po bang ikaw na po ang magpasa neto kay Sir? Nagle-labor na daw po kasi ang asawa ko." Tiningnan ko si david. Mukhang nag-aalala na sa mag-ina nya.
Napangiti naman ako, "Sige, ilagay mo nalang diyan. isasabay ko nalang mamaya."
"Salamat po talaga, Ma'am." tumango lamang ako sakanya.
Tinatapos ko nalang ngayon ang document na hinihingi ng boss namin. Ngayon palang ako unang beses na makakapunta doon dahil isang linggo pa lang naman ako dito.
Walter's ang pangalan ng kompanyang ito. Di tulad ng kompanya namin, isa lang ang focus ng kompanya. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman napatingin ako dito, wala naman akong inaasahan na tatawag sa akin ngayon ah?
"Daddy calling...."
Huh? Bakit naman tatawag si Dad sakin ngayon? Alam naman nyang nasa trabaho ako. Sinagot ko na ang tawag,
"Hello Da--"
"Claudette, baby!" Napakunot naman ang noo ko.
"Wha---Mom?"
"Do you have a lot of work today, baby?" Tanong ni Mommy.
"Wala naman po. Why?"
"We have to attend a lunch meeting today. Ipapakilala ka namin sa anak ng business partner namin."
'WHAT?!"
"Are you shouting at me, Claudette Maurinne?" Nagbabanta na saad ni Mommy.
Tumikhim ako, "I'm sorry, Mom. But why?"
"We need to close the deal because they will be a big help to our company." bumuntong hininga si Mommy.
"And why does it have to include me?" Napataas ang kilay ko.
"Naikwe-kwento ka daw kasi ng anak nya sa kaniya kaya gusto kang makita." Pagpapaliwanag ni mommy sa akin.
Ano pa nga ba? "Okay, Mom."
"Thank you, baby. I'll just text you the info's."
"Okay po. Bye Mom."
Binaba ko na ang tawag. Tumayo na rin ako at inayos ang desk ko, kinuha ko na rin ang mga documents na pinapakuha ni Sir Walters.
Lumabas na ako ng opisina ko. Yes, syempre may sarili akong opisina. Ang trabaho ko? Madami. Hinahandle ko and attendance, works, pati mga bagong applicants at minsan naga-advice din para mas maganda ang ipinapasa nila design. Clothing line kasi itong Walter's, madami na ring branch ito.
Habang naglalakad ako papuntang opisina ni Sir Walters. Nasa iisang floor lang kami, ewan ko ba. Ang alam ko ay may sariling floor dapat ang CEO eh. Kaming dalawa lang ang may opisina dito sa 24th floor.
Ang secretary nya ay nasa ibabang floor, sa 23rd. Hindi ko alam kung bakit ayaw nya magpalagay nalang ng cubicle sa loob ng opisia nya para sa secretary nya.
Nang nasa tapat na ako ng opisina nya, kumatok muna ako sa pinto. Naghintay ako saglit, nang wala pa ring sumagot ay pumasok na lang ako.
Pero laking gulat ko nang may makitang babae na naka-upo sa hita nya at minamasahe ang batok nya. Habang sya naman ay nakatutok sa kanyang laptop. Tss, ano pa bang inaasahan mo sa mga lalaki, Claudette? Hahaha.
Peke akong umubo para makuha ang atensyon nya. Nakatingin lang ako glass sa harap ng table nya na may nakalagay na Andrew Blake D.G. Walters at nakalagay sa baba na CEO.
YOU ARE READING
Inescapable Love
RomanceMadaming tao ang umaasa sa "Happily Ever After" Ano ba kasing meron sa pag-ibig at napakadaming nahuhumaling dito? Hindi ba nila naiiisip kung papaano nalang ang sarili nila kung masaktan sila? Kasi ako, hindi ko na susubukan pang mahulog sa patibon...