Chapter 4

6 0 0
                                        

            CLAUDETTE's P.O.V.

"Maurinne..." Malambing nyang sabi.


Hay nako, Blake! Kung hindi ko lang alam na babaero ka, baka nahulog na ako sa mabulaklak mong salita! Pwede ka nang mag-artista, tsk.


"Oh?" Mataray kong tanong.

"Can I borrow your phone?" Nilahad nya ang kamay nya sa harap ko.


Nandito kami ngayon sa mall, we're about to watch a movie of a tragic love story. Syempre, ako ang masusunod mwahahaha.


"What? Anong gagawin mo sa phone ko?" May cellphone naman siguro sya diba? Tsk.

"Please?" Nakanguso nyang saad.


Napa-buntong hininga nalang ako. Eh ano pa nga ba? Tsk. Pasalamat sya at gwapo sya! Hay, oo. Gwapo sya. Mahirap mang aminin para sakin, pero mas mahirap i-deny. Nilagay ko sa kamay nya ang cellphone ko.


Malapit na mag-start ang movie kaya medyo napapadami na ang tao na pumapasok dito sa loob ng cinema. Impit pa nga ang mga tili ng babaeng tumabi sa kanya.


"Pumwesto ka dyan dahil gusto mong makipag-landian, ano?" Panghuhusga ko sakanya.

"What?" Inosente nyang tanong.

"Kailangan ko pa bang ulitin?" Mataray kong saad.

Napahalakhak sya kaya kumunot ang noo ko. "Are you jealous, baby?"

"Wha---No! Ofcourse, i'm not!" Tanggi ko.

Eh hindi naman kasi talaga ako nagseselos! Wag nga syang assuming.

"I wish you are jealous." Bulong nya sa tenga ko.

Bumibilis ang tibok ng puso ko sa mga sinasabi nya. Nararamdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang inakbayan nya ako. Mabuti nalang at medyo madilim dito sa loob kaya hindi masyadong halata.


"Oh shut up, Blake!" Hinampas ko ang braso nya.


Humalakhak ulit sya. Natutuwa sa inaasta ko tss. Inayos ko naman ang dress ko dahil nararamdaman kong medyo tumataas iyon. Kumunot naman ang noo nya, pinasadahan ng tingin ang suot ko.


"Here's your phone." Malamig nyang saad.


Tinanggap ko naman ang phone ko. Nang nagsimula na ang palabas, tahimik lang kaming nanunuod.


Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang mood niya. Wala naman akong ginagawang masama ah? Hanggang matapos ang movie at nakarating na kami sa sasakyan nya ay hindi sya nagsasalita kaya naman ako na ang kumausap sa kanya.


"Blake, are you okay?" Nag-aalala kong tanong.


Naisip kong baka may sakit sya kaya naman nilagay ko ang likod ng palad ko sa noo nya. Hindi naman mainit, ah? Inalis ko din ang kamay ko ng umiwas sya.


"Yeah." Medyo lumambot ang ekspresyon ng mukha nya.


Inescapable LoveWhere stories live. Discover now