~♥~ Sofa ~♥~

70 4 0
                                    

Six months na din. Six months nadin ang nakakalipas simula ng magbreak kami ni Jungkook.

"Anja!" paglingon ko, nakita ko si Eunwoo. My present boyfriend. Actually, bestfriend ko siya. But he likes me. Alam kong masama yung tingin niyo sakin dahil ang tingin niyo ginawa ko siyang rebound. Na dapat kahit anong pilit niya, hindi ko siya pinagbigyan.

Pero siya kasi yung laging nasa tabi ko. And I wanted to give him a chance to prove himself to me. Na siya yung karapat dapat sa pagmamahal ko. Na sinayang ko lang yung oras at panahon ko kay jungkook.

"Wala ka ng klase?" tanong niya. Andito kasi kami sa may corridor ng University. Agad naman niyang kinuha yung bag ko at mga gamit ko. Gentleman, as always.

"Wala na. Bakit?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin at kinamot yung batok niya.

"Gusto mong kumain sa labas? My treat. Pwede ka?" tanong niya. Ang cute talaga nitong lalaking to kapag nahihiya.

"Sorry, Eun. Hindi ako pwede eh. Alam mo naman, kasali ako sa Dance troupe ng University. Ikaw kasi! Bakit kasi hindi ka sumali." sinabi ko habang nakapout.

"Alam mo namang hindi ako mahilig sumali sa mga club na gimagamitan ng so much physical movements. Mas gusto ko yung ginagamitan ng utak." sabi naman niya.

"Ikaw na matalino. Psh." pagkasabi ko niyan, tumawa na lang siya.

"Anyway, I understand naman na you're not available. Sunduin na lang kita mamaya?" tanong niya.

"Wag na." sagot ko.

"Susunduin pa rin kita. Anyway, andito na tayo sa harap ng club room niyo. Pumasok ka na. Ihahatid ko na kela tita tong iba mong gamit para hindi ka na magbitbit ng marami mamaya pag uwi." sabi niya. Napangiti na lang ako.

"Thank you, Eun." sabi ko at hinalikan siya sa pisnge. Namula naman siya. Psh. Ang cute niya. Haha.

"Sige. Una na ko ha?"

"Bye, Eun! Ingat!" nakangiti pa ko habang nagwewave ako. Pero nawala yung ngiti kong yun ng mapansin ko si jungkook sa isang tabi na nakatingin sakin. Tinanguan ko na lang siya. As much as possible, gusto kong maging civil with him. After all, nasa iisang dance troupe kami.

"Oh Anja! Andito ka na rin pala! Bakit ayaw mo pa pumasok? Are you waiting for someone?" sabi naman ni Taehyung na kakarating lang din. Kasali din siya sa dance troupe.

"Nah. Anyway, sabay na tayo pumasok?" tanong ko sa kanya.

"Oka-" bago pa matapos ni Taehyung yung sasabihin niya, dumating na din at sumabit sa braso niya yung clingy GF niya. Hahaha.

"Babeh! Akala ko ba no more flavor of the day na? Sino tong bab- Oh! Hi, Anja! Akala ko ibang babae eh. Tara pasok na tayo sa loob! Lets go Babeh!" sabi niya sabay hila sa boyfriend niya. Napatingin na lang sakin si Taehyung at binigyan ako ng apologetic smile. Ang cute lang nilang dalawa. Sana magtagal sila.

Pumasok na rin ako sa loob. Pagpasok ko, nakita ko yung adviser ng club namin, si Ms. Mendoza.

"Okay Hobi, gather everyone and let's proceed with the practice for the group competition. Syempre mag stretching muna kayo. Ayaw nating sumakit ang katawan natin right?" sabi ni Miss habang nakaupo sa may monoblock habang kami sa sahig nakaupo. Hindi naman sa nagrereklamo. Haha.

"Yes Miss! Okay guys, stretching tayo. Stand up everyone!" pagkasabi niyan ni Hobi, yung main choreographer ng grupo namin, nagsimula na kami.

+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-++-+++-+-+-++-++--+--+--+--++-+-+

Binigyan kami ng 5 minutes para magpahinga. Kaya umupo muna ko sa sahig at uminom ng tubig. Naghanap din ako ng towel sa bag pero wala. Ano ba yan. Nakalimutan ko na naman. Nasanay kasi akong may nagbibigay sakin ng towel kapag may practice. Kaso lang, hindi na naman mangyayari yun. And if ever na mangyari, ako mismo ang tatanggi.

Sofa ✳ j.jkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon