Its already the day before the competition. Tinipon kami ni Ms. Mendoza dito sa clubroom. Magpapractice kami ng buong araw. Excused naman kami sa mga klase namin dahil after all, pangalan ng school ang dala namin. Kaya kapag nanalo kami, sila din makikinabang.
Wala pa si Ms. Mendoza kaya nahpapatugtog muna sila sa speaker. Yung iba nagpophone. Yung iba naman nagkekwentuhan. Ako? Wala akong gana. What do you xzpect sa isang babaeng kakabreak lang diba?
"Yah, Anja." si Mari. Tumabi siya sakin.
"Anong problema? Actually, nung isang araw ko pa napapansin na hindi ka na hinahatid ni Eunwoo. Saka ang tamlay mo din. Nag-away ba kayong dalawa? Baka kailangan mo ng advice." sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako.
"Mari, we broke up." pagkasabi ko niyan, nanlaki yung mata niya.
"What?! How? I mean, okay naman kayo ah? Anong pinag-awayan niyo? Don't tell me its Ju-" hindi na niya natuloy yung sasabihin niya dahil nabasa naman niya yung reaksyon ng mukha ko.
"So siya pa rin?" Hay... Ayoko mang aminin pero...
"Hep! Wag ka na magsalita. Nabasa ko na sa mukha mo yung sagot. Hay... I feel bad for Eunwoo. Pero I think, tama yung desisyon niyong dalawa na magbreak na lang. After all, masasaktan lang kayo lalo kung patatagalin niyo ang isang relationship na yung isa lang yung nagmamahal. Don't worry, Anja. You made the right decision."
"You think so?"
"Yeah. Pero anong plano mo? Are you giving Jungkook another chance?" napaisip naman ako sa tanong niyang yun. Handa na nga ba ko na bigyan si Jungkook ng isa pang chance?
Dumating na si Miss kaya nagsitayo na kami at sinimulang mag stretch. Late din dumating si Jungkook. Alam ko na nakatingin siya sakin pero hindi ako makalingon. Ayokong makipag eye contact sa kanya. Pagkatapos nung nangyari last last week, pinili kong maging civil sa kanya. Kapag nagpapractice kami, practice lang. No small talk. At parang okay lang naman yun sa kanya.
"Okay guys, break muna!" sabi ni Hobi. Pumunta naman siya kagad kay Miss mendoza para kausapin to.
Dahil break nga, pumunta ko sa may sahig at umupo. May mga nauna na kasi sa so- sa sofa.
Uminom ako ng tubig. Habang nagpapahinga ako, napansin ko naman sila Hobi, Taehyung at Jungkook na nag-aasaran. Para talagang mga bata. Hawak ni Taehyung si Jungkook. Nakaback hug siya kay Jungkook. Si Hobi naman tumakbo sa may speaker. Tapos iniba nila yung kanta. Wala na nga pala si Jimin sa bansa. Kakaalis niya lang last week. Naloka nga ako kasi Nung hinatid namin siya nila Nica sa airport, siya yung umiyak. Hindi niya daw kaya malayo kay Nica. Haha. Ang sweet eh.
*Now playing: Sofa- Jungkook cover*
"Ahh, para daw po sa babaeng mahal ni Jungkook. Itago na lang natin siya sa pangalang Letter A. Letter A, bumalik ka na daw sa kanya."
Lahat ng kamembers namin nakatingin sakin. I feel so embarassed right now. Nakita ko naman si Jungkook na nakatungo lang. I know him. Kapag nakatungo siya, nahihiya siya o di kaya kinikilig. I secretly smiled at the thought.
Wait. Lumalambot na ba ko? Ayoko pang pumasok ulit sa isang relationship. Hindi pa ko handa na masaktan ulit.
"Okay guys, tama na ligawan. Balik practice! Mga batang to ang haharot. Hobi, sige na. Pagkatapos nitong group practice na to, yung trio, at solo naman yung titignan ko." sabi ni Ms. Mendoza samin. Tinigil na nga nila yung kanta at nagsimula na kaming magpractice.
-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+--+--+-+--+--+--+--+-+-+-++-+--+-++--+--+--
"Tapos na tayo sa group at sa trio. Sa duo naman tayo. Tingnan natin kung maganda na yung sayaw ng pambato natin. Jungkook and Anja? Please go in front." pagkasabi niyan ni Ms. Mendoza, pumunta na nga kami sa harap.
BINABASA MO ANG
Sofa ✳ j.jk
Short StoryAnja and Jungkook are both members of their school's dance group. Their practice room is where the red sofa stood. The red sofa where they first sat beside each other; where Jungkook first told her he likes her; but also the sofa where Jungkook kiss...