So

54 4 0
                                    

Matapos ko ngang sabihin yun, tumulo na yung mga luha ko. Naalala ko na naman kasi yung mga bagay na ayoko ng maalala.

*flashback*

6 months ago

"Hoy, Anja! Sinasabi ko sayo, magtatampo yung si Jungkook sayo." sabi ni Mari. Andito kasi kami ngayon sa bahay ko. Kakatapos lang ng klase namin. Hindi na nga kami umattend ng club eh.

"Oo nga. Tama si Marirot. Alam mo namang seloso yun. Lalo na pagdating kay Eunwoo." sabi naman ni Nica. Kakatapos lang naman ng trabaho niya sa pizza place.

Yes kasama ko silang dalawa. Matagal ko ng kilala si Mari dahil pareho naman kami ng University. Saka sikat yan bilang special someone at babaeng baliw kay Taehyung. Di nagtagal, naging sila. Naging ka-close naman namin si Nica nung nakilala namin siya nung nagtapat sa kanya si Jimin. Nagkausap kami tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa naging close kaming tatlo. Isa pa, magkakaibigan yung mga boyfriend namin.

"Yun nga yung plano right? At isa pa, mas maganda yun para mas ramdam niya yung surprise ko for our 2nd anniversary." sabi ko habang inaayos yung mga balloons na binili ko. Ang sweet kong GF no? Ako yung naghahanda ng ganito. Well, I want him to feel na hindi lang siya yung kayang gumawa ng mga nakakakilig na bagay. Siya naman papakiligin ko. Muahahaha!

"Pero Anj, sana hindi mo na lang sinabi na si Eunwoo yung dahilan kung bakit hindi ka kunwari pwede. I feel bad about this eh..." parang di sure na sabi ni Nica. Tumingin naman ako sa kanya at hinawakan yung magkabilang braso niya.

"Look Nica, everything will work out okay? Stop being paranoid. Ano ba. Haha." sabi ko habang natatawa pa.

"You don't understand, Anja..." sabi niya habang hindi makatingin sakin.

"Ano bang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

"Diba nagdeliver ako kanina sa club room? Nakita ko sila ni Tzuyu..." ano ba tong sinasabi ni Nica?

"Ano ka ba, Nica. Whatever your planning on saying, wag mo na ituloy kasi hindi naman ako maniniwala." sabi ko at pinatuloy yung pag aayos ko ng pangsurprise ko kay Jungkook.

"You don't understand, Anja. I think kinain na ng selos si Jungkook. I saw him and tzuyu talking in private. They were so close and-" hindi ko na pinatapos si Nica magsalita.

"Nica. Stop. Kung ayaw mong mag-away tayo." pagkasabi ko niyan, tumigil na siya. Ayokong mag-away kaming dalawa.

"Guys! Chill lang kayo. Kailangan pa natin tapusin yung surprise okay? Stop the fight na." sabi ni Mari. Para talagang ewan tong babaeng to. Haha.

"Sorry, Anja ah?" napangiti na lang ako kay Nica.

"Okay lang. Tapusin na lang natin to." pagkasabi ko niyan, tinuloy na lang namin yung ginagawa namin. Ayoko sanang isipin yung sinabi ni Nica pero hindi siya mawala sa utak ko. I just hope na mali siya. Hindi ko ata kakayanin pag nalaman kong niloloko ko ni Jungkook.

+-+-+-+-++--+--+-+-+-+++--++-++--+--+-+-+-+-+--+-++-+-++-++-+-+-+

"Guys! Natapos din tayo! Tawagan mo na si Jungkook!" sabi ni Mari sabay higa sa kama ko.

"Ito na." sabi ko. I fished my phone in my pocket. Pagkakuha ko, tinawagan ko na si Jungkook.

[Hello, Baby?]

"Hello, Baby! Tumawag lang ako para kamustahin ka. Sorry talaga kung hindi ako pwede ngayon. Promise ko naman na babawi ako. Si Eun kasi eh, alam mo naman na may sakit siya ngayon. By the way, asan ka ngayon?" sabi ko habang nakangiti. Excited na ko na masurprise siya.

Sofa ✳ j.jkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon