Last

68 4 0
                                    

Nandito na kami sa University. Dun kami sa may Multi purpose hall pumunta and nagulat kami nung biglang bumukas yung ilaw.

"CONGRATULATIONS!"

Sigaw ng staff ng university. May surprise party pala para sa group namin. May hawak pa silang banner na nakalagay, 'We're proud of you! ❤'

"Sorry guys, hindi ako manlilibre sa inyo dahil yung university ang magpapaparty!" sabi ni Miss. Kaloka to si miss. Kasabwat din pala.

Bago nagsimula yung party, nagpicture-picture muna kami. Yung buong group, yung trio, kami ni Jungkook, pati yung Solo. Ipopost siguro sa page ng school. Malamang ilalagay din yung sa school newspaper.

"Okay everyone, Let's get this party started!" sabi ni Ms. Mendoza. At yun na nga ang cignal ng start ng party.

Habang sumasayaw sila sa gitna, ako nakaupo lang sa gilid. Iniisip ko kasi si Eunwoo. Hanggang ngayon di ko pa siya nakakausap. Gusto ko siyang kausapin. Ayoko siyang mawala sakin. Ayokong mawala yung bestfriend ko.

Habang naka upo ako, nakita ko siyang nakatayo sa may pinto ng hall. Nung nakita ko siya, tumayo ako kagad at linapitan siya.

"Eun-"

"Let's talk outside." at lumabas nga siya. Bumuntong hininga muna ko bago lumabas.

Pumunta kami sa may garden. Malapit lang naman kasi yun sa Hall.

"Anja, hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. I came here to say goodbye." sabi ni Eunwoo habang nakangiti.

"W-what do you mean?" nalilitong tanong ko.

"Sabi ni mama, gusto niya daw akong pag-aralin sa US. Dati pa lang pinipilit na niya ko. Pero I chose to stay dahil sayo. Dahil... I don't know, I can't stand being away from you. Ang kaso, iba na ngayon." lumunok muna siya bago magsalita ulit. "Kapag nakikita kita, kumikirot yung puso ko."

And with that, tumulo na yung luha ko.

"Eunwoo I'm-"

"You don't need to say sorry. Nagmahal ka lang naman. And nagmahal lang din ako. Pero... I think its better for me na magpakalayo-layo muna. Wag kang mag-alala Anj, pagbalik ko, I promise to be a better bestfriend to you. When that day comes, I will always be there for you. Not as a guy who hopes to be loved by you. But your forever bestfriend." sabi niya habang nakangiti.

"Come on, wag kang iiyak. Matatagalan ako sa pagbalik kaya wala munang papahid sa luha mo." sabi niya habang pinapahid yung luha ko. Umiiyak din siya pero mas inuna niya pa rin ako.

Wala na kong pake kaya niyakap ko siya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

Naramdaman ko na lang na niyakap niya rin ako pabalik.

"Anj, I love you." and with that, mas lalo akong naiyak.

Mas hinigpitan niya yung yakap niya sakin na para bang he doesn't want to let go.

"And kung ito yung plan mo para di ako umalis, I must say its working." sabi niya na-parang natatawa.

Humiwalay na siya sa yakap. "Joke lang. I'm still leaving. Depende na lang kung sasabihin mong mahal mo ko." sabi niya and I can see the hope in his eyes.

"Joke lang ulit." sabi niya while faking a laugh. I know his hurting. And I hate myself for that.

"Anj, can I ask you a favor?" sabi niya habang nakatingin sakin ang malamlam niyang mga mata. "Tell me you don't love me. So that I can stop. Kasi kung ako lang, hindi kita isusuko eh. But I want you to be happy without thinking of me hurting. So please... Say you don't love me."

Sofa ✳ j.jkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon