A/N: First time kong magsulat ng KaRa. So please, be gentle sa criticisms. May FilleGretch at AlyDen din to. Pero focus tayo sa KaRa. Love ko sila eeh. Haha, nainspire ako sa mga nabasa ko. Cute nilaa! (PS: This is a girlxgirl story so kung ayaw niyo po nun, pwede na kayong umalis XO)
Chapter 1
"We need to discuss something."
Si Ara Galang ay isang role model na student.
Top - notch.
The best in her class.
The top in her school.
The class president.
So bakit siya nandito?
Nakatitig si Ara sa nakasaradong pinto, at sinusubukang magmukang hindi kinakabahan sa harap ng principal nila.
"May nagawa po ba akong mali?”
Alam niyang hindi iyon ang tamang tanong para ma-maintain ang imahe ng pagiging isang inosente ngunit wala siyang magawa. Eh sa sobrang kinakabahan siya eh!
"No! Not at all!"
Sabi naman ng principal nila. Nakahinga ng maluwag si Ara.
Eh bakit siya andito?
"It's just that there will be a new student coming tomorrow in the afternoon, and napag desisyunan ng council na tutal ikaw naman ang class president eh you should take up the duty of showing her around. Malaki-laki rin kasi tong campus."
"Oh - Sige po."
Relief.
A girl. As expected, since this is an all-girls private school. Marami-rami rin yung hahabulin niyang subjects since second week na to ng school, pero tutulungan ko nalang siya. Bulong ni Ara sa isip niya.
Ngumiti ang principal sakanya at sabay sabing, "Well, that is all for now. Get back to your lunch and friends!"
"Sige po. Bye, Mrs. Vasquez."
---
"Ano daw meron?”
Bungad agad sakanya ni Fille. Binaba niya yung lunch box niya at umusog ng konti para may maupuan si Ara.
"Wala. Nagpapatulong lang si Mrs. Vasquez with something – someone.”
"Someone? Gretch! Wag mo kong ubusan! Kanin nalang tuloy natira."
Dinilaan lang siya ni Gretchen, sabay lunok dun sa kinakain niyang sausage. Ngumuya siya habang sinabi kay Fille na, "Ganto nalang isipin mo – kunwari, I'm taking your weight for you."
Umirap nalang si Fille sabay binalik ang atensyon niya kay Ara.
"Psh. Dami mong alam - anyway, someone?"
Dahan dahang tinatanggal ni Ara sa pagkakabalot yung lunch box niya, pagkatapos ay kinuha niya na ang spoon and fork niya bago niya sinagot si Fille.
"Meron daw new student na darating bukas. I'm supposed to show her around - "
"NEW GIRL?"
Tumalsik yung mga kanin dahil sa biglang pagsalita ni Gretchen sa left cheek ni Fille, galit namang pinunasan ni Fille ang pisnge niya. Nandidiri pa ito. Pumikit siya at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili niya.
"Kung kakainin mo lang rin yung pagkain KO... wag mo ng ibalik sakin."
"Sorry."
Nagmamadali namang pinunasan ni Gretchen si Fille, ngunit mas lalo lang nainis ito. Natawa nalang si Ara sa pinaggagawa ng dalawang kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
Only (Mika Reyes-Ara Galang)
FanfictionSi Ara Galang ay isang role model na student sa campus nila. Matalino at mabait. Anong mangyayari pag na-meet niya si Mika Reyes na tamad, suplada, at palagi lang natutulog sa klase?