Chapter 2

771 24 2
                                    

Comments and votes are appreciated!

Chapter 2

"Bakit ka tumatakas?"

"Bakit mo tinitignan yung papel ko?"

Napatahimik si Ara sa sinabi ni Mika, at nakarating na sila sa classroom nila.

“Kailangan kong pumunta sa roof.”

Ngunit binitawan na siya ni Mika at papaalis na agad ito.

“Pano – Di ko kayang maglakad papunta dun!”

"Gumulong ka."

Oh, so not charming.

"Hoy! Na-sprain ako dahil sayo!"

Napatigil naman si Mika sa kinatatayuan niya. Huminga ng malalim si Ara, as if na konting maling galaw niya lang ay iiwanan siya at mawawala si Mika.

Medyo kinakabahan na si Ara ng may narinig siyang tumatakbong footsteps sa labas.

Ngumisi si Mika "No."

ANO – SINUSUBUKAN TALAGA AKO NG KAPRENG TO.

"BUMALIK KA DITO, HOY - "

"Mika!"

"Mika!"

Alyssa?

At si Alyssa nga. Hinihingal habang nakatayo sa door frame, hinabol niya ang hininga niya bago tumingin kay Mika. Agad naman itong tumingin kay Ara at napansin na parang may mali sakanya, tinignan siya nito ng may pag-aalala sa mga mata niya.

"Sorry, may naistorbo ba ako?" Sabi ni Alyssa.

Bigla namang namula si Ara at todo deny ."H-hindi! Ano kasi, may pinaguusapan lang-- "

"Na sprain niya yung ankle niya kakasunod saakin."

Nanlaki naman ang mga mata ni Alyssa.

"Eh bakit wala pa siya sa nurse office? Tara na dalhin natin siya!"

"Pano yung - "

"Makakapaghintay yun."

Pumunta si Alyssa sa harap ni Ara. "Tara Aalalayan kita."

--

"Well?"

"Well ano?"

"Hinatid ka ni Alyssa Valdez sa rooftop at wala ka man lang masasabi?!"

Tinignan siya ni Gretchen na parang siyang baliw, although tahimik lang si Fille, tinititigan niya din si Ara ng parang na cu-curious din siya. Hinawakan ni Ara yung bandage niya sa ankle, nakasimangot habang nag e-explain.

"May kinuha lang akong mga gamit tapos..."

Sasabihin niya ba yung tungkol kay Mika? Eh parang obvious naman na ayaw ipaalam ni Mika na tatakas siya.

"Natapilok lang ako sa hagdan tapos sakto napadaan siya.”

"At tinulungan ka niya papuntang nurse office?"

"Oo – Hindi ba kayo nag-alala sakin? Eh halos half an hour akong nawala!"

"Syempre nagalala! Bilis kwentuhan mo pa kami tungkol kay Alyssa!"

Napabuntong hininga nalang si Ara at tinuloy ang pag e-explain niya.

"Sabi ko okay na. Kaya ko na ng magisa - "

"Pero pinilit ka niyang buhatin?"

"Oo..."

Katahimikan. Dahan dahang tumingin si Gretchen kay Fille.

Only (Mika Reyes-Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon