"Sarap na sarap ka aah."
Hindi pinansin ni Mika ang nagsalita at patuloy lang ito sa pagkain. Nakatingin lang si Alyssa na parang namamangha ito bago binaling ang atensyon kela Cienne at Camille.
"Sorry, di talaga mahilig magsalita tong si Mika.."
Umiling naman agad si Cienne. “Okay lang! Oh, andito na pala si Ara!"
Kakapasok lang ni Ara sa rooftop at tumabi siya kela Cienne bago inilabas ang sarili niyang lunch.
"Sorry, late ako. May pinagawa sakin si Mrs. Diaz."
Tinignan niya si Mika at nakita niyang ubos na ang kinakain neto.
"Tapos na." Wika ni Mika bago ito tumayo at iniabot ang lunch box kay Ara.“Bakit lagi ka na lang umaalis?”
Hindi siya pinansin ni Mika at tuluyan na itong bumaba.
“Walang kwenta.” Nakasimangot na wika ni Ara.Tinago na niya yung lunch box ni Mika at tsaka siyang nagsimulang kumain. Ngumiti si Alyssa bago ito nagsalita
“Mahirap siguro maging class president no? Palaging may pinapagawa sayo.”
Inubos ni Ara ang nginuguya niya bago ito sumagot, “Hindi naman. Sanayan lang.”
Tumango si Alyssa at saka tinuro yung lunch box. "Araw araw mo siya ginagawan ng lunch?""Oo.. inuuwi ko tas bibigay ko sakanya every morning." Mahinang sambit ni Ara, at halata mong nahihiya ito.
Napangiti si Alyssa sa simot na lunch box. "Muka namang worth it."
Bumulong naman si Cienne at parang natatampo pa ang tono ito. "Ginagawan pa nga niya ng mga dessert - "
"Cienne!"
“Ano? Totoo naman ah!"
Sumandok si Camille sa kinakainan niya at pinilit na sinubo ito kay Cienne para mapatahimik ang bibig nito.
"Nagseselos lang yang si Cienne kasi never mo siyang ginawan ng ganyan."
Nilunok ni Cienne ang buong kanin bago sumangayon sa sinabi ni Camille. Nagulat naman si Ara.
"Dapat nagsasabi ka! Dadalhan kita bukas."
"Talaga?" Biglang nagningning ang mga mata ni Cienne at ngumiti ito.
“Oo naman!”Liningon ni Ara ang walang laman na lunch box at ngumiti.
"Di ko pa din natitikman yung mga dessert eh."--
“Okay lang ba ang pagpunta mo dito ineng?"
"Okay lang po."
Binuhat ni Mika ang isang mabigat na kahon at inilagay ito sa isang shelf.
Lumapit ang matanda kay Mika.“Palagi kitang kinekwento sa apo ko. Mabait din siya, katulad mo. Sana magkita kayo minsan.”
"Hm."
Nagbuhat pa si Mika ng isang kahon.
Tahimik na pinapanuod ng matanda si Mika habang ito ay may ngiti sa mga labi niya.“Parang iba ang aura mo ngayong mga nakaraang araw. Siguro… nagiiba na ang pagtingin mo sakanya.”
Nabitawan ni Mika ang buhat-buhat niyang kahon resulta ng pagkalagabog nito sa sahig. Tinignan niya ng walang reaksyon ang nahulog na kahon.
"Nagtataka ka kung anong ibig sabihin ko?"Kinuha ng matanda ang kahon bago iniayos sa isang lalagyanan.
“Ibig sabihin ay hindi nalang kaibigan ang pagtingin mo sakanya."
Ngumiti yung matanda bago ito nagsalita.
"May gusto ka na sakanya, tama ba?"--
"May tanong ako." Wika ni Ara habang pinapanuod niya si Mika na nagsisintas ng sapatos.
"Ask."
"Kamusta yung grades mo?"
BINABASA MO ANG
Only (Mika Reyes-Ara Galang)
FanficSi Ara Galang ay isang role model na student sa campus nila. Matalino at mabait. Anong mangyayari pag na-meet niya si Mika Reyes na tamad, suplada, at palagi lang natutulog sa klase?