"Pumasok ka na." Binaba ni Mika ang windows niya at pinagmasdan si Ara habang siya ay bumaba sa kotse.
"Salamat po sa paghatid- "
"Ye, hatid mo na papasok!"
Binigyan ni Mika si Jessey ng matalim na tingin, at hindi tumayo sa kinauupuan niya. Huminga ng malalim si Jessey at siniko nito si Mika. “Dali na.”
Sumingit naman agad si Ara, “Okay lang po! Hinatid niyo na nga po ako eh, uhm… Mauna na ako! Thank you ulit!”
Nagmamadaling pumasok si Ara sa gate nila at hindi niya namalayan na may batong nakaharang sa daanan niya. Natalisod siya dito. Dali-daling tumayo si Ara, pinagpag ang kamay niya sa pants niya bago lumingon at kumaway saglit kela Mika at tsaka nagmamadaling pumasok sa bahay nila.
Tinitigan ni Jessey si Mika sa mga mata.
“Bakit hindi mo hinatid papasok?”
--
"What do you think about Ara?"
Sinamid bigla si Alyssa at muntikan niya ng maibuga ang iniinom niyang gatorade.
"Bakit?"
"Nagtatanong lang."
Walang tao sa gym ngayon since weekend naman, pero hindi papapigil tong si Alyssa at niyaya padin niyang maglaro itong si Mika.
Uminom si Mika sa bottled water niya at hindi pinansin ang sinasamid na si Alyssa.
"What do you think about her?"
"Maganda… siya?"
"Eh mukang ikaw pala yung walang kwenta." Bulong ni Mika.
"Huh?"
"Wala. May gusto ka ba sakanya?"
Binaba ni Alyssa yung iniinom niya bago sinagot si Mika,
"No... I don't really know her. Besides may gusto akong iba..."
Tinaas ni Mika ang isang kilay niya at binigay ang buong atensyon kay Alyssa.
"Sino?"
Namula bigla si Alyssa at tumayo ito sa kinauupuan niya.
"Sabihin ko sayo mamaya."
"Ngayon na!"
"Mamaya na- tara, practice pa.”
--
Nasaan na siya?
Naiinip na pinagmamasdan ni Ara ang empty desk ni Mika. Ang tagal mag be-bell na.
“Oy, andito na si class president! Ang aga aah! As always.”
Tumakbo si Cienne sakanya at niyakap siya ng mahigpit. Ang sikip. Cienne please. Di ako makahinga.
"Bitawan mo nga! Nahihirapan si Ara sayo ooh." Si Camille. Tapos nasa likod si Kim.
Umupo na si Kim at Camille at binitawan na ni Cienne si Ara.
“Excited na ako sa upcoming trip! May bagong info na ba, Ara?”
"Mayroon ng place."
“Yes!” Sigaw ni Cienne bago ito umupo sa upuan niya.
"Nga pala, Ara?"
"Oh?"
"Anong meron sainyo ni Mika?"
Biglang nanigas si Ara sa tanong ni Cienne.
"Magkaibigan ba kayo?"
"Di ko sure..."
BINABASA MO ANG
Only (Mika Reyes-Ara Galang)
FanfictionSi Ara Galang ay isang role model na student sa campus nila. Matalino at mabait. Anong mangyayari pag na-meet niya si Mika Reyes na tamad, suplada, at palagi lang natutulog sa klase?