PART 2

194 21 0
                                    

"Babe, alam mo ba may nakita ako kausap ng jowa mo dun sa resto malapit sa SM." Sabi ng kaibigan kong mas babae pa sakin. Meaning, jokla. Babe kasi tawagan namen. 

"Ha? ano kamo?" May nakapasak kasing headset sa tenga ko. Nanonood kasi ako ng favorite kong anime na fushigi yuugi sa cp ko. 

"Ang sabi ko nakita ko si Drei kahapon may kausap na girlalou." Sabi nya pagkatanggal ng nasa tenga ko.

"Ah, baka naman officemate nya. " Walang ganang sagot.

Hindi naman kasi ako selosa. May tiwala kasi ako kay Andrew. Alam kong hinding hindi ako pagtataksilan nun. Love na love kaya ako non. 

"Officemate????" Sigaw nyang halos maalis na ata ung tutuli ko sa tenga. Pano ba naman magkalapit lang kame magsasalita ng ganun?

"Hey babe! Andito lang ako oh. oh. Pakihinaan mo naman please."

"Eh kasi naman babe. Meron bang officemate na habang umiiyak ung girl hawak ng jowa mo ung kamay? with matching punas punas ng panyo sa face? Watcha think??"

Sa totoo lang napipikon ako pagkasabi ni Jenny ( Jose po ang real name nya. Maarte lang talaga sya.). Eh kasi ba naman, ayaw kong pinagiisipan ng ganun si Drei. Di nya deserve. Super bait kasi nya diba? Super understanding? kaya never ako nag isip ng masama sa kanya. 

"Babe, ito na naman ba ang topic naten? I told you before na hindi tulad ng iniisip mo si Drei." Sabay buntong hininga. Un kasi ang way ko para mawala ang inis.

"I swear belle. Iba ito. Ibang-iba sa naikwento ko." Seryoso ang mukha nya sa pagkasabi non. 

You said it's Forever (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon