PART 5

204 22 0
                                    

Ramdam na ramdam ko ang pagkataranta ni Andrew. 

"Nandito ako sa may tapat mo. Tumingin ka. " Hindi ko na napigilan ang mga luha na tumulo sa mata ko. Ung kasama nya. Un ung ex nya na minahal na ng sobra bago ako. Kaya sila naghiwalay nun dahil mag-aaral si Hannah sa America. Ewan ko kung bakit bumalik pa. Ang alam ko kasi eh dun na mamamalagi. Kaya nga nag hiwalay sila eh. Asaaaar! Ano ba ginagawa nila at nagkita sila? Bakit bumalik pa ang Hannah na ito? Kelan pa sila nagkikita? Ano na ngayon ang status ng relasyon nila? Hindi pwede toh! 

Paglingon ni Andrew halatang gulat na gulat sya. Hindi nya inaasahan na magkikita kame sa lugar na iyon. Pano ba naman ang tagal ko na din kasi huli nagpunta don. Naalala ko bigla ung bestfriend ko. Ung sinabi nya. Kelan pa nga ba un? Limot ko na. Basta alam ko matagal na un. So it means noon pa nagkita na sila? 

Hindi ko na natapos ung kinakain ko. Sayang ang sarap pa naman. (Joke lang syempre nag eemote na ako . Di na ako nanghihinayang dun.) Pinunasan ko luha ko . Syempre ayoko makita ng mga tao na umiiyak ako. Pigil na pigil. At si Drei? Ewan ko ano next na ginawa nya after nya ako makita. Sumakay  ako ng jeep. Uuwi na ako . Gusto ko sa kwarto lang. Walang ibang tao. Ang sakit sakit. Parang dinudurog ung puso ko . Parang mahapdi. Parang makirot. Parang nangingilo. Basta ang sakit. Di ko maexplain.

Pagkauwi ko sa bahay diretso agad ako sa kwarto. Kasi pagtuntong palang ng paa ko sa bahay namen wala na. Tumulo na talaga luha ko . Alam ko may something kaya nagkikita sila . Sigurado madalas un. Kaya pala hindi nagtetext na madalas si Drei. Kaya pala ayaw nya lumabas kame ngayon. At for the first time. Nagsinungaling sya nung tinanong ko kung nasaan sya. Client daw. E si Hannah un eh. Di ako maaring magkamali. 

"Anak, andito si Andrew. Hinahanap ka. Labasin mo muna" Kumatok si mama. Aba ang walang hiya. Talagang pumunta pa. Para ano para magsinungaling? 

"Wala akong gana mama makipag usap. Kamo napapagod ako . Balik nalang sya." Pagkasabi ko non may pumasok na sa kwarto. Si Andrew. Ang engot ko naman di ko pala nailock ung pinto. Diretso kasi ako sa kama eh. Aysus. Epic fail. 

"Belle...."

You said it's Forever (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon