Ninth Chapter

2.4K 56 7
                                    

HINDI KO PAG AARI YUNG KANTA.

IT'S 'BEAUTIFUL EYES' BY TAYLOR SWIFT.

THE BADASS Princess LAUREN MICHELLE JAUREGUI --->>>

LAUREN

Nakasandal ang likod ko sa headboard ng malambot na kama ni Camila, habang kinakain niya yung pizzang binigay ko sakanya. Hindi na nga niya ko pinapansin. Parang nakalimutan na niyang nandito ako. Nakakaselos yang pizza na yan.

I crossed my arms and stared at the angel in front of me.

Nag angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Nakasubo yung pizza sa bunganga niya. Mukhang narealize niya na nandito ako.

Kumuha siya ng isang slice sa box at nahihiyang inabot sakin. "Gusto mo?"

I gave her a sweet smile. Yung hindi kita ang ngipin. "It is all yours, Camz."

She pursed her lips bago sumubo ulit ng pizza. "I love pizza," Camila said.

I chuckled. "Oh really?" I asked innocently.

She pouted her pink lips. I groaned. "Will you stop doing that."

"Doing what?" nakanguso niyang tanong.

"That!" I said. I leaned closer. At pinitik ng mahina ang labi niya. She chuckled.

"Kiss me, Lo?" she said, her eyes twinkling. Then I feel it again, this 'fluttery' feeling in my stomach. Weird.

"Lasang pizza ka niyan," nakasimangot kong sabi.

Sumimangot din siya. "So you won't kiss me if I taste bad, huh?"

Nagtampo na.

Lumapit ako tapos kiniss siya sa lips. Smack. "There."

She rolled her eyes. Bigla namang nagring yung phone niya.

Tinignan ni Camila yung screen pagkatapos ay tumingin sakin, bago sinagot.

"Hey," she greeted. "Austin."

Kumunot ang noo ko. That Austin again, huh? Kumuha ako ng slice ng pizza at sumubo habang nakatingin ng masama kay Camila.

"Saturday? Ok." I heard Camila said.

Napailing ako tapos tumayo sa kama at naglakad papunta sa pinto.

Bago ko pa mabuksan yung pinto ay may humawak sa braso ko.

"Uwi ka na?" Camila asked. May hawak siyang dalawang slize ng pizza, hindi na niya hawak yung phone niya.

I shrugged.

Inabot niya sakin yung pizza. "Bigay mo kay Sophie. Sa kabilang room. Tapos balik ka dito. Ok?"

I looked at her for a second bago kinuha yung pizza na hawak niya. Lumabas ang ng kwarto niya at hinanap ang kwarto ni Sophie. Hindi naman ako nahirapan kasi sa kabilang pintuan ay nakadikit ang mga drawings ni Sophie.

Kumatok ako bago pumasok.

"Oh hey, princess," she greeted. Nakaupo siya sa sahig ng kwarto niya habang naglalaro. Naupo ako sa harap niya. Indian sit. Inabot ko sakanya yung pizza.

Umupo siya sa lap ko habang kinakain yung bigay ko sakanya.

"Er.. Sophie,"

"Hmm?" Sophie hummed while eating.

"May boyfriend ba si Camz?"

Sophie giggled. "I don't know. Pero dati may laging nagpupuntang lalaki dito. Gustong gusto siya nila mama. Parati niyang sinusundo si ate dati."

Love Is An Open Door (CAMREN) (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon