Thiana's POV: .
Sinimulan na namin yung Game at ang dami ko ng nalalaman kay Tristan. Sya lang naman kasi ang kwento ng kwento. Ako nakikinig lang. Minsan nga nangongontra pa ko sa mga sinasabi nya. Masarap rin pala sya kausap kahit na sobrang kapal ng muka nya.
"Thiana! Magkwento ka naman, kanina pa ko nagkekwento ng information tungkol sa sarili ko. Samantalang ako wala pa kong alam tungkol sayo. Except sa maarte ka. Hahaha" Sabi ni Tristan. 15 mins na kasi syang nagkekwento at wala pa syang alam tungkol sakin
"Ayokong magkwento. Nakakatamad eh. Hahaha" Biro ko. Sumandal na lang sya sa puno at pumikit
"Thiana! For the sake of myself magkwento ka na! nang manalo tayo para maging kaibigan na kita!" Hahaha Ganon ba talaga ka Big deal sakanya ang pagiging magkaibigan namin?
"Sige na nga. Magkekwento na ko." Sabi ko kaya napadilat sya at tumingin sakin.
"That's my Girl!" Sabi nya nang nakasandal parin sa puno at Pinat ang ulo ko
"Magtanong ka na lang, hindi ko alam ikekwento ko eh" Sabi ko at sumandal na rin sa puno
"Sige, Favorite Color?" Tristan. "Pink. Hindi ba Obvious?" Sagot ko.
"Obvious nga eh. Alam mo, eto na lang kulang sayo" Pumitas sya ng pink flower sa tabi namin at nilagay sa tenga ko. Teka? Bakit nya ginawa yun?
"Yan almost perfect na. Ngiti na lang kulang, perfect ka na" Then he smiled at me. Teka? Anong nangyayari? Imbis na ngumiti Umiling iling ako sabay smirk "Bolero!" sabi ko sabay irap. Hayy, Wag kang magpadala Thianna, pare parehas lang mga lalake, Magaling manlinlang
"Hahahaha! Okay Favorite Food?" tumawa na lang sya at nagtanong ulit "Pasta! Kahit anong pasta" Sabi ko. Tuloy tuloy lang yung tanong sya sakin tungkol sa mga favorite ko. Hangang napunta na sa life ko yung tanong
"Sister's name? Tristan. "Taylor Sydney Schinnitka" Sagot ko "Taylor Sydney pala. Tas ikaw, Thiana Samantha. Nice names! Hahaha" Sabi nya. Ngumiti na lang ako. Nakakapagod din magsalita. Hahaha
"Age?" Tristan. "18 years old" Sagot ko. "So 3 years pala ang pagitan nating dalawa." Sabi ni Tristan.
"Birthday?" Tristan."March 19 1995" sagot ko. "Parehas pala tayong march! Nice, pansin ko dami nating similarities. Meant to be tawag dito diba?" Ang corny talaga nito! Kahapon Destiny tas ngayon Meant to Be. Naniniwala talaga sya dun?
"Pansin ko rin, Sa bawat sagot ko may comment ka!" Sabi ko. Eh sa totoo naman!
"Eh ikaw nga sa bawat kwento ko sayo kanina puro ka kontra! Parang ayaw mo pa maniwala! Tsaka ayaw mo nun? Nag cocoment ng magagandang salita ang isang Tristan Jacob Gil sayo!" Kapal muks alert.
"Kapal talaga ng muka mo!" Sabay hampas ng bag ko sa kanya kaya ayun sya tawa ng tawa kaya napatawa na rin ako.
"Ang ganda mo pala pag tumatawa at ngumingiti. Lagi ka na lang kasi naka poker face. Laging hindi maipinta muka mo. You look good when you simle. " O-kay? Compliment ba yun o part nanaman ng pangbobola nya? Ngingiti ba ako at magpapasalamat o maasar at maiinis? Ewaaan ko! Bat ganito nararamdaman ko? Hindi ko alam gagawin ko!
BINABASA MO ANG
My Boyfriend was a PLAYBOY (JulQuen)
FanfictionPLAYBOY? Porket ba Playboy Casanova Womanizer at Manloloko kaagad? Kasi ako hinde eh iba ang tingin ko sakanya! Pero dati Ganun na ganun ang Tingin ko Pero binago nya...binago nya ang ikot ng Mundo ko Pinalambot nya ang Matigas kong Puso! Nangako sy...