mga pahabol na story sa buhay ko. at nabasa ko tong diary ko. muntanga lang pala ako sa mga pinagsusulat ko. natatawa nga ko habang binabasa ko ulit. ang gulo kong mag sulat. daming typo. nag succeed ako sa pag give up. kasi naman muka talaga akong baliw sa mga pinaggagagawa ko. at girls, warning!!! wag akong gagayahin. masama ang umasa sa wala. marami lang talagang mababait na tao sa mundo. minsan namimisunderstood natin yun. tulad na lang ako. alam kong gentle man siya pero muka akong baliw na umaasa. diba? isa yan sa mga lesson na dapat niyong tatandaan!
ito ang update ng buhay ko.
i met him at my worst! worst look.
inutusan ako ni mama na bumili sa labas. eh ako naman walang pake sa itsura ko. ang panget pa naman ng damit ko. sando na spaghetti strap tapos maiksing short. nasa bahay lang naman kasi ako ehh mainit kaya. di naman ako malandi na nagpapakita ng kaluluwa. ayaw kasi sumunod ng kapatid ko ehh. ako na lang bumili. nung papunta na ko sa bahay. malapit lang naman kasi yung tindahan sa bahay. nung papunta na ko sa bahay nakasalubong ko si santi. grabe, nakakahiya yung suot ko!! pero ano bang pake niya diba. eehh tumingin siya sakin ehh!!!
may tindahan na kami, pero bihira lang akong magbantay dun. nakakatamad ehh, tsaka di ko alam yung mga price. kaya lagi akong pinapagalitan ni mama. bagong gising ako nun at naka cycling at oversize t-shirt lang ang suot ko. kasi galing kami sa simba nung gabi kaya natamad na kong magpalit pa ng damit. nag suot na lang ako ng iversize na t-shirt na bigay ng school tapos yung cycling na suot ko kasi nga naka dress ako nun. tapos pag baba ko may bumili edi ako na yung nagbenta. pagtingin ko sa nabili si santi pala. di ko kabisado boses niya kasi nga di kami nag uusap diba. pero alam nyo yung astig. i can keep my poker face. siguro kasi di ako naglabas ng kahit anong expression.
kagigising ko lang ulit at tanghali na naman. pagkatapos kumain naghugas ako ng plato. di pa nga ko nakakapag suklay at hilamos ehh. at ayun. may bumili na naman. at si santi naman!! waah ilang beses mo ba kong kailangang makita ng ganto!!!
pero alam niyo yung masaya. di na ako katulad ng dati na lahat aalamin para lang sa kanya. masaya na ko na nakikita ko lang siya. at di na siya ang laging laman ng isip ko.
pero alam niyo yung wierd,
nagbabadminton kami ng kapatid ko tapos dumaan siya. di ko mapigilan sa sarili ko ang mag smile. kasi yung kapatid ko abot tenga rin yung pag smile na parang nangaasar. pero pag ako lang naman mag isa kayang kaya kong mag poker face. haayyy.
at oonga pala si santi ang wallpaper at screen saver ng cellphone ko ngayon. alam din ni mama yun. alam niyo yung parang naglagay ka lang ng picture ng artista sa cellphone niyo?
kaya siguro success na nga ang pag give up ko! astig diba. kasi napapasmile ka niya at nagiging masaya ka na ng di nagmumukang baliw.
thank you santi, for making me realize ang mali ko.
basta alam ko give up na yun para sa akin. kasi di mo naman kailangang kalimutan lahat ng nakasakit sayo. kasi isang way yun para malaman na di na dapat ulitin sa future ^_^