marami nang nangyari after kong sabihin na nag give up na ko, pero nag give up na ba talaga ako?
dec 18, christmas party, that night was the first and last time that i'd feel special for him.
nasa concert ako ngayon, at sabi ni mama umuwi ng maaga, syempre babae kaya dapat umuwi agad. so nung nagyaya si steven (classmate ko) umuwi na rin kami agad. halfway na ko papunta sa bahay nung natanggap ko gm nya, sign yun na may load sya at pde syang maka text. :D
so nag text din ako, parang half gm pero nde.
"i hate curfew, sayang di ko natapos ang concert" walang gm sa dulo, o anu mang pala tandaan na gm sya, kaya siguro pm sya para mag start ng conversation,
nagulat ako kase am bilis nyang mag reply, pero lagi naman syang mabilis mag reply, pero minsan kasi umaabot ng ilang decada bago sya sumagot.
"curfew? malamang babae ka, ganun talaga un"
i replied
"eh bat ung iba kong class mate, haha pero ok lang"
him..
'eh iba ka eh, ganun talaga"
me..
"haha special kasi ako, special child"
him
"pwede rin"
me..
"geh pababa na ko ng jeep, mamaya na lang" i was ready for it, alam ko namang di magtatagal ang conversation namin.
him..
"cge, ingat special"
that was the greatest words i have ever read from him.
dec i forgot
the most beautiful spam message ever.
from him,
"i just had an x-ray, and they saw you inside my heart, they say they can't get you out, cause i cant live with such good person ... pass this blah blah blah'"
sobrang saya ko nun kasi , i've been part of his 2011
meron pang maraming message pero di ko na maalala, na delete ko na lahat ehh..
dec ewan ulit
nasalabas ako ng bahay ngayon at tinatapos ang song ko para sa kanya habang tinitignan si orion, favorite constellation ko.
at nakita ko sya, galing sa tindahan, siguro nag pa load.
inunahan ko na sya bago pa sya mag gm.
"an lameeg, andito sa labas at pinapanood si orion" katulad ng dati, mukang gm pero no signs of gm sya.
'wala kaya jan si orion, ung belt nya lang.^_^" yes that was from him.
"anjan kaya, tignan mo pa'" me...
"nakahiga na ko ehh" bye bye?
"ahh, geh goodnyt na lang" ayaw kong sya pa ang mag end ng conversation, kaya inunahan ko na sya
"bakit good night eh nanunood pa ko? ^_^"
"edi happy watching na lang'
"bakit happy, eh drama pinapanuod ko?"
"leshee, ganun na din un" medyo inis -_-
"bakit leshe ediba letche un? at bakit happy eh drama nga diba? ^_^V"
oo, nangaasar sya, ang kulit noh? half of me masaya, and half of me naiinis, nakaka inis din kaya
hanggang paulit ulit na bakit na lang ang tinatanong nya, parang di na matatapos ang conversation na toh ehh..
hanggang sa di na sya nag reply, so nag txt ako, wapak ,... di na send.. so tinignan ko ung out box ko, di pala na send kaya di na sya nag reply,
o well, marami pang times para sa ganyan, ayoko namang mag pa load pa para lang sa kanya, d ako ganun ka adik.
new year na, namalayan ko na lang na tapos na pala ang 2011, di nga ako nakapag cout down ehh, malungkot, sobra.. parang ung mga paputok naging mute, at hinihiling ko na sana katulad na lang ito nung last year, na nakatingin ako sa kanya.. siguro nga ito na talaga ang end..
nakaka text ko pa rin sya, were friends, pero siguro hanggang dun na lang..
and this, january 8 2011.
i already forgot him,
i deleted all his messages, his pictures, everthing that reminded me of him,
pero ang mahirap..
is to delete him permanently on my heart.
he has been a part of me, and i'm thankful for that,
goodbye ^_^