BeaDdie

1.5K 52 3
                                    

3/3

" Welcome home, Wifey! " bulalas niya. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa nakikita ko kahit na napakaliit lang ng unit niyang ito.

" Nagustuhan mo ba? " nakangiting tanong niya, tumango naman ako saka niyakap siya nang mahigpit.

" Gustong gusto ko Hubby. " bulalas ko. Hinalikan naman niya ako sa tuktok ng ulo ko.

" Good, para ito sa atin. Dito natin bubuuin ang buhay at pangarap natin na dalawa. Kapag nakaluwag, palasyo na ang ibibigay ko sayo.  " kinuha niya ang kamay ko saka paulit-ulit na hinagkan.

" Mahal na mahal kita, Madeleine. "

" Mahal na mahal din kita, Beatriz. " sagot ko and we sealed with a kiss.  Ayaw ko naman na doon kami sa bahay nina Bea dahil nakakailang din sa magulang niya we talked on them and this condo unit was a gift from her father, regalo sa amin dahil napagdesisyunan namin na magLive-in na.

" Saan ko ilalagay 'to Wifey? " tanong niya habang hila-hila iyong couch, inaayos namin ito at unti-unting nilalagyan ng mga design na mula sa mga bulsa namin. As we decided na magpaka-Independent ay iniwasan namin na humingi lagi ng tulong sa magulang niya, suportado kami nina Tita at gustong gusto na ibigay ang lahat ng gusto namin pero dapat matuto kaming tumayo sa sarili naming paa, dapat matuto kaming gumalaw sa tunay na mundo ng walang hinihingi at galing lang sa hirap at tiyaga namin na dalawa. I need to prove kay Papa na kaya ko, kaya namin ni Beatriz na pagdaanan ang mga bagay na 'to.

" Alam ko wifey, hindi pa tayo umaabot ng isang tao. Wala pa tayong masyadong napapatunayan sa lahat pero gusto kong malaman mo na Mahal na mahal kita at pang-hahawakan ko na ang kamay mo hanggang sa dulo. Hindi na ako maghahanap ng iba maliban sayo. " masuyong sambit nito habang nakahiga kami sa kama.

" Mahal na mahal din kita at handa akong sumugal sa relasyon na meron tayo. Handa akong ipagtanggol ka sa lahat kahit pa sa magulang ko. " nakaramdam ako ng lungkot nung maalala ko sina Mama. Niyakap naman ako ni Bea't dinamayan.

" Matatanggap din nila tayo, papatunayan natin sa kanila na kaya natin. " tumango ako't ngumiti.

***********

" Ang sarap naman ng halik na iyon. " bulalas niya noong sinalubong ko siya nang matamis na halik bilang pagbati. Kagagaling niya lang mula sa school at alam kong pagod siya kaya pinapagaan ko lang.

Hinapit niya ako palapit sa kanya't niyakap.

" Kiss mo nga ulit ako, Wifey. " bulong niya na ginawa ko naman. I pressed my lips on her dahilan para mas lumawak ang ngiti sa labi niya.

" Mas masarap kung matagal tapos may kasamang ehersisyo. " itinaas baba nito ang kilay niya habang binibitawan ang mga salita. Napahagikhik naman ako saka pinalo ko siya sa braso niya.

" Kumain kaya muna tayo! Kung anu-anu na ang lumalabas sa labi mo. " umiiling na sambit ko, bumulalas lang siya ng tawa saka ako inakbayan.

" Mamaya ikaw ang kakainin ko, Wifey. " Napailing na lang ako dahil sa kapilyuhan niya. Tatlong buwan na rin mula noong tumira kami dito at bumukod, so far wala naman kaming nagiging problema ni Bea bukod sa medyo magastos siya dahil na rin maluho siya pero nagawan naman iyon ng paraan at binibili na lang namin ang kailangan namin. Nabu-budget ko na rin naman ang perang ibinibigay niya para sa pagkain, kuryente at tubig namin. Isama pa yung matrikula ko na sagot niya rin. Bea got a job from the business ng Daddy niya. She insist kasi na gusto niyang pinaghihirapan ang ginagastos namin dito and hinayaan naman siya nina Tita, May ipon naman kami dahil nag-aabot pa din ang magulang niya kahit na ayaw namin. Konting tampuhan lang siguro ang meron kami ni Beatriz kung tungkol naman sa relasyon namin, tampuhan na mabilis naman namin na naayos dahil hindi natatapos ang araw na hindi kami nakakapag-usap.

TANGLED v.2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon