AlyDen

1.3K 35 3
                                    

"Makakahanap ka din ng katapat mo." hindi ko napigilang tumawa sa lalaking kaharap ko sa mga oras na 'to.

"Binibiro mo ba ako? Kailan man ay walang makakatapat sa akin." sagot ko sa kanya, pumorma ang mga ngisi sa labi ko saka inutusan yung mga alalay ko na alisin siya sa landas ko.

"You turned them down again, Alyssa." I flip my hair saka ngumiti.

"Of course, ganun lang naman kadaling paikutin ang mga lalaki sa palad mo. Once na nakuha mo na ang gusto mo, pwede mo na silang itapon na parang basura." Umiling naman sila saka sinabayan yung paghalakhak ko.

"Mukhang wala na ngang ibang lalaking makakapagpabago niyang bato mong puso." sambit nung isa, ngumisi naman ako.

"Wala talaga. Nag-iisa lang ako at habang nabubuhay ako, patuloy kong papaikutin sa palad ko ang mga lalaki." Tumayo naman ako saka pumunta sa veranda para pagmasdan ang yaman na meron ako, lahat iyon ay nakuha ko sa lahat ng lalaki na nagpumilit pumasok sa buhay ko. Isa-isa ko silang pinaikot at piniga hanggang sa wala na silang maibigay na kahit anu sa akin.

Inikot ko yung baso ko na naglalaman ng mamahaling alak.

Hinding hindi ako luluhod sa kung sino mang lalaki, mauuna silang magmamakaawa sa akin.

"Lumalala na ata ang pagiging manhater mo, baka hindi ka makahanap ng asawa mo, Alyssa." paglingon ko ay nakita ko si Papa. Napabuntong hininga naman ako.

"Anung ginagawa niyo dito?" tiim bagang kung tanong sa kanya.

"Alam mo naman kung anung kailangan ko, anak." sagot niya, naiyukom ko ang aking mga kamay.

"Bakit hindi mo iyan hingin sa mga babaeng nakakasama mo?!" asik ko, humalakhak naman 'to saka umiling.

"Bakit pa, kung nandyan ka naman. Sayang naman ang pagpapalaki ko sayo kung hindi mo ako pamamahagian ng biyayang natatanggap mo?" Wala akong nakagawa kundi ipatawag ang isa sa mga katiwala ko't ibigay iyong pera na hinihingi niya. Tiyak akong lulustayin niya lang iyon sa babae, alak at sugal.

"Maraming salamat, anak." nakangising sambit niya saka tuluyan nang nawala sa paningin ko.

Isa ang aking ama sa dahilan kung bakit ako naging ganito, Isa siya sa mga halimbawa ng mga lalaki na dapat inililibing sa lupa ng buhay. Ngunit kahit papaano ay dapat ako magpasalamat sa kanya dahil maaga akong namulat kung gaano ka-demonyo ang mga lalaki, sa kanya ko rin nalaman na walang tunay na pag-ibig sa realidad ang kailangan mo lang ay maging malakas para paikutin ang mundo lalo na ang mga lalaki sa palad mo.

"This day was too much for me." naiinis na bulong ko saka inubos na yung alak na nasa baso ko. Pumasok na ako sa loob saka inayos ang aking sarili, pagkatapos noon ay dumiretso na rin ako sa kama ko para matulog. Ipinikit ko ang aking mata at bukas ay panibago na namang pakikipaglaro, pagkukunwari't panloloko sa akin.

Ako si Alyssa Valdez at uubusin ko ang lahat ng mga lalaking manloloko at gago sa mundong 'to.

***********

Hindi ko alam kung bakit ang gumising sa akin ay isang tilaok ng manok sa umagang 'to. Sa aking pagkakatanda ay wala kaming manok at imposibleng magkaroon dahil eksklusibo lamang sa akin ang lugar na 'to.

Napangiwi ako nang maramdaman ko ang matigas na bagay sa aking likuran, nawala iyong malambot na kutson ko na halos bumaon na sa aking likod. Patuloy akong nakiramdam sa paligid ko hanggang sa tuluyan nang pagbabago ang ibinibigay nito sa akin. Mabilis kong idinilat ang aking mata at natagpuan ko ang kawayan at bugkos ng mga dahon ng niyog. Wala na ang elegante na puting kisame ko sa kwarto.

"Anung nangyayari?!" bulalas ko't napabalikwas sa pagkakahiga. Isang maliit na kwartong gawa sa mga kahoy na materyales, ang aking higaan ay gawa sa kawayan na may manipis na banig lamang. Tagpi-tagping kumot at unan na may bakas pa ng pagkakasunog. Isang malaking bintana ang nagsisilibing koneksyon sa labas.

"Nasaan ako?" mahinang bulong ko saka tumayo, nagtataka kong hinila ang telang suot-suot ko. Balot na balot nito ang katawan ko kahit na tirik na tirik ang araw sa labas.

Humahangos akong lumabas ng maliit na kubo na iyon dala-dala ang pagtataka sa aking mukha. Hindi ko alam kung nasaan ako, kung anu ba 'tong nangyayari, kung panaginip lang ba ang pangyayaring 'to pero isa lang ang alam ko. Hindi 'to ang lugar kung saan ako natulog.

Patuloy akong nagtatakbo suot ang bakya na sa nakita ko lang sa may pintuan, tinitignan ko ang mga tao sa paligid at mukhang karaniwan naman sila maliban lang sa suot nilang mga damit. May pagtataka sa mga tingin nila sa akin pero napawi iyon ng takot ng makarinig ako nang ingay at yapak na mula sa mga kabayo.

Hindi ko alam kung saan sila nanggaling pero may mga sakay 'tong mga lalaki na naka-abong uniporme, may mga sumbrerong yari sa bakal na kulay itim at may mga hawak na baril o di kaya ay espada.

"Tumungo ka't lumuhod." iyon ang bulong ng matandang babae sa tabi ko pero hindi ko ginawa, sino ba sila para gawin ko iyon?!

Nagtagis ang ngipin nang isa noong makita ako, nilapitan niya ako saka hinila yung espada't ipinuwesto sa leeg ko. Napalunok naman ako habang nakatingin sa kanya. Galit ang ekpresyong ibinabato ng mapupungay na mata nito, may mala-labanos siyang kutis. Sa tingin ko ay siya ang pinuno dahil kulay luntian ang uniporme nito.

"Sino kang pangahas na sumusuway sa iniatang na kautusan?!" sigaw nito sa akin. Mabilis namang may humila sa akin.

"Lumuhod ka na lang kung gusto mo pang mabuhay." Nagtagis naman ang ngipin ko't tumayo, wala akong pakialam kung sino siya. Isa pa baka panaginip ko lang 'to, hinding-hindi ako masasaktan ng espada niyang iyan.

Umalingawngaw ang sigaw ng mga kababaihan sa paligid. Napangiwi ako nung gumuhit ang hawak niya sa braso ko't napuno ng pulang likido ang aking damit. Mabilis namang may humila sa akin at pinayuko ako, hawak-hawak ko yung iniinda kong sugat sa braso.

Hindi 'to panaginip, nasaan ba talaga ako?!

"Sa sumunod na may sumuway pa sa kautusan ay sisiguraduhin kong dadanak ang dugo sa lugar na 'to. Magtanda sana kayo't huwag gumaya sa pangahas na 'to!" pagbabanta nito. Natiim ko naman ang bagang ko, wala akong naiintindihan sa mga nangyayari. Ang alam ko lang, totoo ang lahat ng 'to.

Gumawa muli ng ingay ang pag-alis ng mga lalaking iyon. Naiwan naman ang buong tao na takot na takot.

"Ayos ka lang ba?" tanong ng isang matandang babae, tumango naman ako. Inalalayan nila akong bumalik doon sa kubong pinagmulan ko, maya-maya ay may dumating na matandang lalaki na may dalang dahon at kapirasong tela. Ginamot nito yung sugat ko't binalutan.

"Sino po ba iyon?" tanong ko sa babaeng tumulong sa akin.

"Si Tenyente Dencio Lazaro at ang mga tauhan niya, sila ang namamahala sa lugar namin." sagot nito, napangiwi naman ako.

"Kung hindi niyo po mamasamain, nasaang lugar po ba ako't anung taon?"

"Sta Ana. 1815." nanlaki naman yung mata ko.

"1815?!" nagtataka naman silang tumango sa akin.

Paano ako napunta sa taong 'to?!

XxxxX

Bored ako tapos tamad. 😐

TANGLED v.2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon