AlyDen

1.4K 45 9
                                    

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto, bawat yapak ay may dala-dalang kaba. Nakahinga ako nang maluwag noong nakapatay yung ilaw sa sala namin.

"A...Aly." nauutal kong sambit noong makita siyang nakatayo sa di kalayuan, nakacrossed arm siya at nakatingin lang sa akin.

Ngumiti ako saka lumapit sa kanya't hinalikan siya sa labi.

"Hindi ko alam na maaga ka pala uuwi." nagkibit balikat naman siya.

"Natapos ko ng maaga yung mga documents ko." ngumiti naman ako saka hinubad yung coat ko.

"Kumain ka na?" tanong ko dahil nararamdaman ko yung tension sa mga titig niya sa akin, hindi pa rin nagbabago yung emosyon sa mukha niya.

"Gusto mo bang kumain sa labas?" sunod kong tanong, napabuntong hininga naman siya saka umiling.

"Sino siya?" nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Sino?" Tumaas naman ang sulok ng labi niya.

"Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko, Dennise. I saw it kanina, hinatid ka niya." Napalunok naman ako saka umiwas ng tingin sa kanya.

"Katrabaho ko lang siya."

"Katrabaho?" naniniguradong tanong nito, tinaasan niya pa ako ng kilay. Mabilis naman akong tumango.

"Wala kasi akong masakyan kanina pag-uwi kaya sumabay na ako sa kanya." Natatawa naman 'tong umiling.

"Huwag mo akong ginagago, alam ko kung anung nakita ko kanina. Katrabaho mo lang ba talaga siya?!" singhal niya, nanginginig naman akong umiling.

"Katrabaho ko nga lang iyon, bakit ba ayaw mong maniwala?!" sigaw ko. She gritted her teeth and darted a deadly glare on me.

"Katrabaho but you shared a fcking kiss, ganyan ka ba magpaalam sa mga kakilala mo?!" Asik niya, napangiwi ako nang hilain niya yung braso ko.

"Nasasaktan ako, Alyssa. Katrabaho ko nga lang siya."

"Sinungaling, sinungaling ka Dennise!" mariin na sigaw nito saka tinulak ako palayo.

"Kailan pa?"

"Anu-"

"Putangina, huwag mo akong ginagago! Kailan pa Dennise, kailan ka pa may relasyon sa kanya?!"

"Wala kaming relasyon!" sigaw ko. Iniyukom naman niya yung kamay ko't matalas pa rin ang tingin sa akin.

"Huwag na tayo maggaguhan dito! Kailan pa, kailan mo pa nakakasama yung lalaking yun?!" Wala naman akong nagawa kundi ang sabihin sa kanya ang totoo.

"Three months ago." mas lalong dumiin ang pagtagis ng mga bagang nito.

"Three months mo na akong ginagago?!"

"Wala nga kaming relasyon, hinahatid niya lang ako't nagkakausap kami." Napahilamos naman siya, frustration was written in her eyes. I looked away dahil nakakaramdam ako ng matinding guilt.

"Liar, A fcking liar!" sigaw niya.

"Aly, please believe me. Wala kaming relasyo-"

"But you kissed, right?" natigilan naman ako sa sinabi niya.

"Oo." hindi ko naman mahanap ang mga tamang paliwanag sa kanya.

"Tangina, then you kissed me after mong halikan yung gagong yun." Nagpumilit naman akong lumapit sa kanya.

"Aly, please."

"What?! You fcking kissed, nagkikita din kayo. Tell me may nangyayari ba sa inyo?" sigaw niya, anger and frustration was written on her face.

TANGLED v.2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon