It's Saturday.Ibig sabihin sana nasa labas kami ni Kim,naglalaro ng basketball.Kaya lang umaambon sa labas ditto nalang ako sa kwarto,may naaamoy kasi ako galling sa kabilang bahay.Siguradong ditto yun dadalhin.Maglalaro na lang ako ng Dota o GTA o di kaya ay Counterstrike nalang.Para malibang nalang ng konte.
Grabe miss ko na si kuya Jun,Nasa Manila kasi siya eh,wala tuloy akong kalaro ng ganito.No choice!Hay,ano ba pwedeng gawin.
*KNOCK* *KNOCK*
"Ara,Bumaba ka na nga diyan!Hinihintay ka ni Cindy dito sa labas At nagdala ang tita Elvi mo nang Cupcakes.C'mon baby." Sigaw ni mommy sa labas ng room ko.
"Okay mom.Susunod na po ako." Sagot ko naman.
Ahh sina Tita Elvi at Cindy Romero pala,mga kapit bahay naming na ubod ng WEIRD.Paano ba naman kasi.12midnight nagpapaMusic sila ng kung ano-ano.Hindi naman kami nainform ni Mommy na disco bar pala yang bahay nila.Minsan naiirita narin ako dahil yung Room ko ang malapit na side sa bahay nila.Naku!Kung nandito lang siguro si Daddy,matagal na silang wala sa Subdivision na 'to.Kaso nasa UK si Daddy.Dahil good neighbor naman kami ni mommy,Ehem si mommy lang pala,Friend parin niya si Tita Elvi.
Pababa na ako ng hagdan nang...
"Hi Ara,C'mon lets chika chika about things naman oh.We need to catch up na.You're so busy na kasi eh.Nawawalan ka na ng time sakin." Sabi ni Cindy na halos di na makadaloy ang dugo ko sa braso dahil sa higpit ng pulupot niya,Crush siguro ako.YUCK!She's not my type noh!
"Ah-eh..Mom!!!Lalabas po ako.May usapan po kasi kami ni Kimmy today eh.Bye mom!" Sigaw ko from living room to kitchen.Kailangan kong takasan ang babaeng toh!Nakakarindi eh.Dali-dali na akong tumakbo palabas.Medyo wala naring Ambon eh.
***
Pasipol-sipol pa akong naglalakad papunta kina kim.Isang kanto lang naman ang pagitan ng bahay namin.
*VROOMM* *VROOMM* (XD)
Liningon ko kung ano yung maingay na yun.WOW!Napatigil ako dahil ang GANDA GANDA GANDA ng RED CAR na ito.HUHU.Namiss ko tuloy si Rafa.Yung car namin ni kuya.Ang astig swerte naman ng may-ari niyan.Hay..tara na nga kina Kim.
*SPLASSSSSSSSHHHHHHH*
WHAT THE HECK!!!!!
"HUY!BUMALIK KA DITO.WALANG HIYA KA!!!ANG GANDA NGA NG KOTSE MO ANG PANGIT NAMAN NG UGALI MO.HINDI KA BA TINURUAN NG MGA MAGULANG MO NG MAGANDANG ASAL!HOOYYYY!TUMIGIL KA SABI!MAGTUTUO---"
Jusme!Nagtaka pa ako kung bakit ang bastos ng driver.Si Thomas naman pala.Syempre wala talagang alam na mabuti ang taong to!
"Huy,MR.Torres!Wala ka bang utak?O sadyang BOBo ka lang talaga!" Ayun nasabi ko na ang mga WORDS na nakakapagsumpa!Grrr!
"Sorry huh!*smirks*Oh" May dinudukot siya sa bulsa niya."Ayan!Pambili mo nang mas magandang damit,wala nam kasi akong panahon sayo eh.BYEE!" Sabi niya.
"Teka lang naman." Kalmadong tinig ko siyang pinatigil sa pag-alis at mejo hinila ang laylayan ng T-shirt niya.Dahilan naman ng pagtigil at paglingon niya saakin.
"Bakit?Kulang pa ba?Wait dada----"
Isinampal ko sa kanya ang pera niya at Sadyang itinulak sa may putikan.Bwahahah.
"Next time wag kang mag kang magbabayad ng pera.Sorry at kunting tulong lang naman eh.At instead na pambayad yang pera mo,mag-enroll ka sa isang paaralan na natuturuan ka ng magandang asal huh!Dapat nasa ZOO ka eh.Asal HAYOP ka kasi eh." Panleleksyon ko sakanya.Buti nga sayo.
Hay naku.Hiram nalang ako ng Damit kay Kimmy.Kapag umuwi ako lagot ako kay Mommy at malapit na ako sakanila eh.Actually nasa tapat na ako ng pinto nila.Nakakahiya naman magdorbell ang dumi ng kamay ko.
*TINGDONG* *TINGDONG* (XD)
"Sandali lang!Nanjan na..." Sabi nung boses.Malamang si kim to!
"Ano ka---AHHHHHHHHHH!!!!"
*BLAGGGGG!!* Impuritang babae talaga ito.Sinarahan ba naman ako.At ibinalibag pa talaga ha!HUmmp!BRuha!
"KIMM!Ako ito oh.Si Vic To!BUksan mo na please!!" Sigaw ko.
Bumukas naman yung pinto at....
*SPLASSSSHHHH*
"WAHHH!KIM NAMAN!BAKIT MO AKO BINUHUSAN ANG LAMIG KAYA!" Sabi ko sakanya,
"Bawal pumasok ang madumi dito.In short:"NO ZOMBIES ALLOWED HERE". Sabi niya.
"Oh ngayon?Bakit mo nga ako binasa?" Tanong ko sakanya.
"Shunga!Basa ka naman talaga eh!At ano bang naisip mo at triny mong maligo sa putek?" Tanong niya,Oh make sense,basa nga pala ako.
"Papasukin mo nga muna ako!" Sabi ko sakanya.
"Oh sabihin mo na!" Sabi niya ulit.
"Kim,pwede bang maligo muna ako?Magkaka-Pulmonia ako oh!" Sabi ko ulit.nyenye!
"Sige na bilisan mo!,kumuha ka na ng kung anong damit ang gusto mo diyan!" Sabi niya.
Pagkatapos ko maligo sa Room ni Kim.Nakita ko yung mga collection niyang mga Barilbarilan noong Bata pa kami..hmmm *evil grin*
"So?Kwento na!Ang chagal heh!" SAbi ni kim na may hawak panh popcorn at juice.Ginawa na akong pang-aliw neto!So kinwento ko na sakanya lahat.Hehe
"Talaga?!Syang naman yung pera Vic.Tara balikan natin,bili tayo foods.haha" Pahayag niya saakin.
"Edi balikan mo kung gusto mo!..Hindi ako tatanggap ng pera ng demonyo!" sagot ko sakanya.
"Ayoko nang putchik!" Sabi niya with matching hand gesture effects pa.
"Itigil mo nga iyan!Hindi bagay.Mukha kang si sisa!" KOmento ko.Bwhahah."Ahhh,,.Kim." Dagdag ko pa sa malambing na boses.
"OH?Alam ko may kailangan ka eh!Sorry hindi ako makakalabas.Strict ang parents ko.hehe." Sabi ng bruha.
"Ganun ba?Pero pwede bang hiramin yun." Turo ko sa M16 na baril-barilan niya.
"Okay,basta ingatan mo ah.AT HUY VICTONARA SALAS GALANG..GAMITIN MO YAN NG MATINO!!" Bilin ng nanay Kim ko saakin.So Sweet kimmy but sorry *evil grin*
"Oo naman.Thank you kim.*muah**muah*" Pinaghahalikan ko siya sa pisngi habang nakayakap sa leeg niya,
"Ara ano ba!Nasasakal na ako.And eww yuck!Nakakabakla ka bro.Umalis kana nga bro!" sabi niya habang hinampas at itinutulak ako palabas ng bahay nila.
"Bye kimmy." Pagpapaalam ko sakanya.
Bumalik naman ako sa lugar kong saan ako naligo nang putik kanina.Bwahahah *evil grin*
Sinundan ko yung marka ng gulong ng kotse.Syempre halata dahil sa putik.AHA!Stop muna ako dito sa isang bakanteng lote.Kinuha ko yung lata tsaka pinagbabaril.bwahaha.Humanda ka ngayon Torres.nahanap ko na ang lungga mo.
___________________________________________________________________________________
What will happen next?Ano ang gagawin ni ara.
abangan sa next UD XD.
hala pasensyahan niyo na yung mga sound effects ko kong epic ! bwahaha
-AshleighJahz
BINABASA MO ANG
Virtuous Hoyden (ThomAra FF)
FanficAttracting the average girl seems to be a skill known by many, but how do you attract a girl who is determined to remain just one of the guys? Paano kung malaman mong,nagpe- PRETEND lang siya to hide pain from her past relationship with a guy.Paano...
