Chapter VIII (Departure)

708 20 14
                                        

Ara's POV

"Mom,aanhin po natin ang plane tickets?" Tanong ko kay mommy.Nag-aalinlangan na ako,pero ayokong isipin ang iniisip ko!Noooo!

"Anak,tickets natin yan.Pupunta tayong London." Masayang pahayag parin ni Mommy.Excited talaga siya.

"Ma,kelan po?" Tanong ko ulit habang pinipigilan ang pagpatak ng aking luha.Minsan ko lang makita si Mommy na masaya.Ayaw ko namang sirain yun.

"Umm,April pa naman anak,after your graduation day." Sabi niya ng magiliw.

"Ganun po ba?Mom,ilang weeks po tayo doon?" Tanong ko.

"Anong weeks?Magtatagal tayo doon victonara." Sabi ni mommy.

Hindi ko na napigilang umiyak.

"Arent you happy?" Nagtatakang tanong saakin ni Mommy.

"Mommy paano na po ang mga kaibigan ko dito?Si kim?" Tanong ko at humikbi ng ilang ulit.Yup,may side rin akong ganito,Iyakin.

"Si kim lang ba?O balak mong palitan ng 'B' ang 'M'?" Tanong niya nang nakangisi.Hindi ko magets ang gusto niyang sabihin..Kim?Palitan ng B?Ki..KIB?

"Mommm!Matagal na po yunnn!"Sabi ko nang nakapout.

"Hahaha!Nakita ko kayo nung Prom!Akala mo ah!"Sabi niya ng nakangisi parin.Oo nga pala,alam rin ni Mommy na boyfriend ko DATI si Kib.Tanggap niya ito.Mas tinatrato pa nga niyang anak si Kib kapag pumupunta yun dito.Pero,ayun nga..malaking dilubyo yun para kay Daddy.

"H-huh?Hindi naman po siya ang partner ko eh.Si Jed po." Tanggi ko.

"Anak talaga!Ang sweet niyo nga eh.Sumasayaw kayo noon sa park na unexpectedly,nadaanan ko.Hahaha." Feeling bagets na pahayag ni Mommy na kung tutuusin mo ay naghuhugis puso na ang mga mata.

"Oo na nga lang daw.So,paano na sila mom?Si kim siguradong babaha ang lugar natin kapag nalaman niya ito."Mangiyak ngiyak kong pahayag sakanya.Nakakahawa talaga si Kimmy.

"Wag mo nalang muna sabihin.February pa lang naman."Sabi niya.

"Okay po."

***

"Kim,food trip tayo."Sabi ko kay Kim.Super busy sa cellphone ang bakla.Monday pero walang pasok.Idk?

"Saan?"Matipid niyang sagot.Aba!Iniignore na ang beauty ko.Kung alam mo lang kim!

"Kung saan mo gusto.Libre ko na."Sabi ko nang napakasaya.Di niya to matatanggihan.

"Sure ka ah?Sige,tara sa parking lot."Ay tarayy!Nakayuko parin ang loka.

"PARKING LOT?May CAR ka?Hanep!Di ako updated!"Biro ko sakanya.

"Oo,meron.Gusto mo makita?May driver pa nga ako eh.Super gwapo pa!"Tarayyy talaga ng lola niyo!Lumelevel up!

"Sige tara..bilisan mo."Sabi ko at hinila na siya doon.

***

"Asan na yung kotse mo?Anong kulay?Yung driver?"Sunod-dunod kong tanong sakanya ng makarating kami sa parking lot ng school.

"Saan ka ba interesado?Sa kotse o sa DRIVER?"Diin niya sa salitang driver.

"Pwedeng both?hihi."Sabi ko ulit sakanya.

"Ehem!" Sabi ng......WTH?!!!

Kim's POV

Ilang araw na akong kinukulit ni Torres about kay Victonara.Daig pa nga ang pag-iinterview ng mga pulis sa isang kriminal eh.Halos tanungin na niya lahat tungkol kay Victonara.KUlang na lang pati kulay ng panty niya eh.Jusme!Pero siempre ilang detalye lang ang sinabi ko.Yung mga paborito lang ng bruha ang sinabi ko.Mostly sa pagkain,para maambunan ako.hihi.At isa na rin tong pabor niya ngayon ang makasama kaming maglunch ni Vic.Pinagbigyan ko na.Nakakapagod din kayang magkipagtext.NAKAKAGUTOM.

Virtuous Hoyden (ThomAra FF)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon