Shainna's POV:
"Haaay,kamusta naman kaya ako sa bagong school ko mamaya" para akong ewan habang kinakausap ko yung sarili ko habang nasa jeep papuntang school.Masyado akong kinakabahan dahil private school na ako ngayon,kakalipat lang din kasi namin ng bahay dahil sa work ng parent's ko.Inaalala ko na baka ma'OP ako dun.Ang gara naman siguro kung first day of class nganga mode ako diba?
Nga pala,ako si Shainna Mendez. Im 20 years old and 1year na lang graduating student na ko sa college. I love cat stuffs.Kung idedes'cribe ko naman ang sarili ko ay straight ang buhok ko,maputi,hindi ganun kataba at di rin ganun kapayat,mahaba ang pilik mata at brownish ang mata. Mahilig din akong kumanta pero hindi ko yun masyadong pinapaalam kase im a bit shy,but what i love the most is composing the lyrics of a song.
*riiiiiiing* buti at nasaktuhan ko pa ang bell,ayoko naman na sa first day of class ma'lelate ako.
Pagtapos ng 2 subject,nakahinga ako ng maluwag kase may naka'close ako na kahit isa,sya si Stephanie.Simple lang sya pero ang lakas ng dating nya.Yinaya nya ko sumabay sa kanya mag'lunch.Syempre pumayag ako.
"Kyaaaaaa,andyan na sila!!!! nagulat ako ng bigla kong marinig yung sigawan ng mga babae.
"Ang gwapo talaga nilaaa!!! Akin ka na lang Nathan!" sigaw nung isang babae dun sa gilid namin.
"Anong meron?May artista bang nag-aaral dito?" tanong ko kay Stephanie.
"Wala,pero merong Mala'Artista ang dating". Sagot sakin ni Steph.
Nagtaka tuloy ako.Ganun ba kalakas yung dating ng mga yun kaya halos lahat ng mga babae dito sa school grabe kung kiligin na kulang na lang maihi sila sa kinatatayuan nila?
"Ayan na sila" sabay siko sakin ni Steph. Pagkakita ko pa lang sakanila ay may nakaagaw na agad ng pansin ko.
"Hey steph,sino yung guy na may gitara sa likod?" tanong ko sknya.
"Ahh,si Nathaniel Fonde,sya yung leader ng banda nila. Ka'year din natin sya but sa music department nga lang siya" sabe nya sakin .
Natulala lang ako habang naglalakad si Nathan,Sino ba namang hindi? Ang gwapo nya,matangkad,matangos ilong,pataas ang style ng buhok nya na bumagay naman talaga saknya,maputi at maganda ang pangangatawan.Pero seryoso ang mukha nya kanina.
"Masungit siguro yun no?Para kasing ang cold nya sa unang tingin" pagtatanong ko naman kay Steph.
"Cool lang talaga sya tingnan,pero hindi sya masyadong nakikipagkaibigan kung kani-kanino maliban sa mga ka'bandmates nya,bakit mo natanong? Love at first sight ba?." nakangiting tanong nya sakin sabay siniko ako na nangaasar.
"Ako ? Hindi ahh,curious lang" , palusot ko na lang sa kanya.
"Sus! Kulang na nga lang mag hugis puso yang mata mo habang nakatingin sa kanya,haha" pang aasar nanaman nya sakin.
Buti na lang at save by the bell ako dahil natapos na ang time para sa lunch,so we headed back na sa room,Nagulat ako ng makita ko sa room yung 3 na kasama ni Nathan na lalake kanina ,sya lang ang wala.Halos sila yung pinagtitinginan ng mga babae sa room namin.
Dumiretso na kami ni Steph sa upuan namin.Maya-maya,kinausap ako ni Steph.
"Yung isa na yun,si Ynan Montecilla, drummer ng banda nila, yung isa naman si Harry Ponsas guitarist din, and yung isa si Joshua Barron sa base naman sya pero may kulang ata" pagtatakang tanong nya.
"Ahhh! Si nathan my loves mo!" napalakas yung pagsabe nya at ang mas nakakahiya pa dun,napalingon yung mga ka'bandmates ni Nathan samin tapos ngumiti yung drummer nila na si Ynan.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang At Ako
RomanceNaranasan nyo na ba yung sinasabi nilang "Unexpected Love" ? Yung tipong bigla na lang syang susulpot sa buhay mo at papaibigin ka ng walang kahirap-hirap.You fall because of his charms pero natatakot ka sa sasabihin ng iba. Well,Advice lang sa naka...
