Chapter 2 : Am I Inlove?

43 1 0
                                        

Pagdating ko sa bahay ay hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari kanina sa gymn.

*Flashback*

Pagtapos nyang paghiwalayin ang mga labi naming dalawa ay tila natauhan na ako,kaya nagkaroon na ako ng lakas para ilayo sya.

"Excuse Me" ang sinabe ko sa kanya pagkatulak ko at saka nagmadaling tumakbo palabas ng gymn.

"Wait miss!May naiwan ka!" narinig kong sigaw nya pero hindi ko na iyon pinansin sa sobrang hiya,pakiramdam ko pulang-pula ang mukha ko ngayon dahil sa mga nangyari.

* End of the flashback *

"Nakakahiya talagaaaa!" bigla akong napasigaw sa kwarto ko ng wala sa oras. Siguro ay dahil narin yun sa kilig? Ikaw ba naman mahalikan ng isang Nathaniel Fonde! nako talaga ! >/////<

"Inna,anong nangyayare bat sumisigaw ka?" sabe ng mama ko ng kumatok sya sa pinto ng kwarto ko.

"Wala po Ma,May nahulog lang na gamit ko" pagpapalusot ko na lang.

"Ganun ba.Sige mamaya,bumaba ka na at kakain na ha."

malumanay na sabi ni mama.

"Opo Ma,susunod na lang ako", sagot ko saknya.

Hangang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala,sinampal sampal ko na ang sarili ko ng parang baliw, baka panaginip lang kasi yun pero hindi talaga. Napangiti na lang ako ng wala sa oras, inayos ang gamit ko at bumaba na para kumain.

Kinabukasan,pag pasok ko sa school ay medyo kinakabahan pa ako dahil sa mga nangyari kahapon.

"Inna!" pagulat na sigaw ni Steph sabay hawak sa balikat ko. Nahalata siguro nya na parang may kakaiba sa kilos ko.

"Oh? Anong problema Inna? Masama palang nagugulat ka,haha" pang aasar sakin ni Steph.

"Ha? wala ah . Ganto talaga ako, nga pala eto na yung requirements mo." sabay abot ko nung envelope at pilit na ngumiti sa kanya.

"Yuuun! Thank you! tara na sa room!" sabe nya.

Sobra yung pagtibok ng puso ko,sobrang kaba. Parang gusto manigas ng mga tuhod ko habang papalapit kami sa classroom.

"Hey Steph! Need ka ni Sir Jo asap daw sa faculty! " sigaw nung isang kaklase namin at napalingon naman ako kay Steph.

"Tsk,Sige Inna mauna ka na lang sa room. Tawag daw ako eh" nainis nyang sabe.

"Ss...Steph,Di ba pwe..pwedeng sumama na lang ako sayo?" nauutal kong tanong sa kanya.

"Huh? Hindi sa ayaw ko kaso baka mapagalitan ka ni Sir. Bakit? may problema ba? pag-aalala nyang tanong sakin.

"Wa..wala naman" sagot ko.

"Ayy nako Inna , halata namang meron. Sabihin mo sakin yan mamayang lunch ha,kaya mauna ka na sa room." sabay tumakbo na syang papuntang  faculty.

Nagpapanic na ako,pero parang bumibigat bawat hakbang ko patungo sa room namin, pero wala naman akong choice kasi baka maabutan pa ako ng prof. namin sa labas.

Ng nasa tapat na ako ng pinto,Lumunok at huminga na lang ako ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob. Sa backdoor na ako dumaan,naalala ko kasi na nasa unahan mga ka'bandmates nya kaya baka pag dun ako dumaan,di nya ko mapansin.

"Ssshhhkkk" pagbukas ko sa sliding door.

Nanlaki ang mga mata ko ng bumungad sakin si Nathan!

Ikaw Lang At AkoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon