Chapter 3 : Spin The Bottle

36 0 0
                                    

"This is it! This is the day Inna" habang kinakausap ko ang sarili ko sa labas ng 7/11 katulad ng usapan namin ni Nathan my loves ko.Kinakabahan parin ako,hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Parang kahapon lang ng makita ko sya at naramdaman ko na ang hirap nya sigurong maabot,kase sya mayaman,sikat,gwapo at habulin ng mga babae.Samantalang ako? Isang Shainnna Mendoza na walang ibang inatupag kundi ang pag aaral para makatulong sa pamilya.That's how my world goes everyday,until I met this darn hot guy.

*Beeeeeep* Busina ng BMW na kotse sa harap ko. Medyo napanganga pa ako nung una, kotse pa lang anak mayaman na. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko ng ibaba na ni Nathan ang bintana ng kotse at nasilayan ko nanaman ang kakisigan nya at ang serious look ng mukha nya.

Langya! Ang lakas ng dating ni Nathan. Naka'gray sya na shirt,black pants and naka shades. Mala artista ang dating ng mahal ko katulad ng inaaasahan ko,o mas higit pa talaga sa dapat kong asahan!

"Inna,tara na" sambit nya,nagising ako sa pagde'daydream ko dahil nasa harapan ko na pala sya ng di ko namamalayan,

"Ahh..O..Osige" lintik! nauutal na lang ako palagi pag sya na ang kaharap ko. Hindi ko alam kung anong problema ng katawan ko at palagi na lang hindi nakikisama.

Pumasok na si Nathan sa kotse,at nabigla ako ng tumingin sya sakin ng diretso bagay na kina'pula naman agad ng mukha ko.

"Ma..May dumi ba..ba sa mukha ko?" tanong ko sa kanya.

Pero hindi sya sumagot,dahan-dahan syang lumapit sakin. Papalapit ng papalapit hanggang sa maamoy ko ang hininga nya.

Ang init ng pagbuga ng hininga nya at mabango din,syempre matik na yun. Nathan Fonde ata yan. Pero ano ba itong pinag iisip ko! Ang lapit nya ngayon sakin kaya naipikit ko ang mga mata ko ....

Papalapit sya ng papalapit .....

*CLICK* at naramdaman ko na may nag-lock sa gilid ng bewang ko.

"Safety first" narinig na sinabe ni Nathan,pagkadilat ko ay nakita ko na nakiti nanaman sya,bagay na madalang kong makita pag nasa school kami.Pinaandar nya na ang kotse papunta sa Galaxy entertainment kung saan naghihintay sa kanila ang magiging manager nila. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa ginawa nya.

Nang makarating kami sa pupuntahan namin ay napanganga ako sa napakalawak na building G.Entertainment. Alam ko na sikat yun dahil sa mga iba't-ibang mga tao na napasikat na nila,pero hindi ko naman akalain na ganun yun kalawak.

"Come on,papakilala kita sa kanila" sinabe nya sakin ng walang bahid na expression sa mukha nya. Kahit na ganun sya I still love him padin naman haha,wala eh. Ganyan ang epekto nya sakin.

Mas nakita ko pa kung gaano kalawak ng building pagpasok namin, andami kong nakakasalubong na mga artista. My ghad! Kung pwede lang magpa'picture sakanila isa-isa,kaso nakakahiya naman sa Nathan ko kaya nanahimik na lang ako.

"Guys,I want you to meet someone" sabe ni Nathan na ngayon ay kaharap ko na ang mga ka'bandmates nya.

"You can call her Inna,she will stand as our lyricists" and as always, in a cold way nya yun sinabe.

"Hey dude,sya yung funny girl sa room natin na may gusto kay Nathan diba?" nakangiting sabe ni Joshua kay Harry.

"Sya ba yun?" sabay titig ng mabuti sa mukha ko. Ako naman ay walang nagawa kundi ang yumuko na lang dahil sa hiya.

"Ahh! Oo nga,sya nga yun. So you are Inna? Nice to meet you. Im Harry by the way" sabay abot nya ng kamay nya para makipag shake hands ng bigla akong hinila ni Nathan.

Ikaw Lang At AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon