7 ❤ IKAW ❤

492 20 18
                                    

7 ❤ IKAW ❤

___ ___ ___ ___ ___

❤ JOAQUIN’S POV ❤

___ ___ ___ ___ ___

 

Friday. Friday the 13th.

Bakit hindi ko gusto ‘yung ihip ng hangin ngayon? Dahil ba ngayon na babalik si ma’am at may klase na kami sa Chemistry? Baka nga bumabalik na naman ‘tong pagiging tamad kong pumasok. O siguro dahil nung isang araw.. nung narinig ko si Cristina na iniiyakan ang isang gagong lalake tas ‘yung nabasa ko ang status niya sa facebook—alam kong masakit  na masakit ‘yon para sa kanya. At kahapon, siya sana ‘yung partner ko sa Philo class kaso nawalan ako ng tapang kaya hindi ko siya nasabihan. And I ended up with Alexa.

Ang torpe ko.

Ngayon na ‘yung reporting naming dalawa. Pero hindi man lang kami nakapagmeet. Ano na kaya? Kumusta na kaya ‘yung inihanda namin nung Lunes? Makakaya pa kaya namin ‘to? Mamaya pa naman ‘yon hapon, pwede ko pang I contact si Cristina.

Naglalakad ako papunta sa pinakaunang klase ko nang harangan ako ng isang pamilyar na lalake. Kaklase ko ‘to sa Philo ah! Kaklase din ‘to ni Cristina at siya ‘yung kayakap ni Cristina habang umiiyak ito.

Napatigil ako at nagkatinginan na lang kami. Alam kong ‘yung tingin niya, may bahid na pagkainis. Ano bang problema nitong nilalang na ‘to? Naiinis nga ako sa kanya kasi siya ‘yung kayakap ni Cristina kahapon. Ako sana ‘yon e, ako sana ‘yung nasa posisyon niya.

“Joaquin Manansala.” aniya pa.

“O? Teka—may kailangan ka?” padiin kong tanong at pumwesto siya eksaktong sa harapan ko. “Pwede ka bang makausap? Lalake sa lalake pare.” sabi nito.

Napatingin muna ako sa magkabilang gilid bago siya sagutin, “O… sige ba.”

//

___ ___ ___ ___ ___

❤ CRISTINA’S POV ❤

___ ___ ___ ___ ___

Lunch time. Mag-isa ako dito sa canteen kasi absent si Patricia. Hindi ko alam ba’t siya hindi pumasok o duda ko, pumasok ‘yon tapos may ipinagawa na naman si Kit sa kanya.

Kasalukuyan kong inaaral ‘yung report namin mamaya para sa chemistry. Hindi na ako aasa pa dun sa Manansala na ‘yon. Ang importante, ‘yung sarili ko, ‘yung grades ko. Bahala na siya’t tumunganga mamaya habang magrereport kami.

“Cristina, ready ka na mamaya?” biglang nagsalita si Editha na nasa kabilang table lang. Nginitian ko lang sila ng mga kaibigan nya, “Oo.” sagot ko. Kahit naman alam kong hindi ako handa na makasama ‘yung lalakeng ‘yon para sa reporting. Tss. Kaasar!

Ikaw na na na na ♫♪♫ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon