5 ❤ SILA ❤
___ ___ ___ ___ ___
❤ CRISTINA’S POV ❤
___ ___ ___ ___ ___
Tuesday na. Ang bilis talaga ng oras! Malapit na Friday tapos reporting na namin sa Chemistry. Ewan ko ba ba’t masyado akong natataranta para dun. Natatakot talaga ako.
Kakatapos lang ng klase namin sa major at ang susunod ay ‘yung Philosophy na—kung saan makikita ko siya. Hindi ko naman siya gusto pero bakit parang excited akong makita si Joaquin? Tss. Manansala pala, ay ‘wag na nga lang! Joaquin na lang, ‘yan na lang itawag ko sa kanya tutal naman ‘yan din ang pangalan niya.
Palakad lakad ako sa hallway nang makatanggap ako ng isang bouquet ng bulaklak. Isang lalake ang lumapit sa akin at inabot ito. Hindi ko alam kung kanino galing ‘to pero parang may naiisip na ako. Ngumiti na lang ako at pumasok na sa classroom namin.
“Cristina! Dito ka umupo!” sigaw ni Patricia, kaya dumiretso na ako sa gilid ng inuupuan niya.
“Hi Patricia!” masiglang bati ko sa kanya.
“Sorry ha, natagalan ako. Di na tuloy ako nakapasok sa major class natin kaya ‘tong second class na lang ang pinasukan ko.”
“Bakit?”
“E kasi si Kit, may pinapagawa pa sa aking report—alam mo naman ‘yon. Hindi ko matanggihan kasi binablack mail na naman ako.”
“Hay, isumbong mo na kasi ‘yan sa dean!”
Napailing siya, “’Wag na! Uy teka—kanino galing ‘yan? Ha?” napansin niya naman ang bulaklak na daladala ko.
“Ewan.” tinginan ko ito saglit. Kahit na hindi ako sigurado kung sino nagbigay nito, parang meron talagang pangalan na bumabalik sa isipan ko. At ‘yan ay ang pangalan ni-- J.
Kinuha niya ito mula sa pagkakahawak ko, “Teka—tignan nga natin.” at tinignan ang card na naka insert sa may dulo. Meron naman palang card e, di ko namalayan kanina.
“Kay Joaq---“
“Kay Dominic pala ‘to galing e! Eeiiht.” pangiti ngiti niyang sabi habang tinitignan ang card. Teka, kay Dominic?
“Ha? Ah—teka, patingin nga.”
“Roses are red. I love you. –Dominic” ‘yan na ang nakasulat dun sa card.
“Ahh—“ napatango na lang ako.
Akala ko sa kanya galing. Hindi pala. Medyo na disappoint ako dun ng konti.
Nakikita ko na lang siya ngayon. Eksaktong nasa harapan kasi siya nakaupo at kitang kita ko lahat ng galaw niya. Ni hindi nga lang niya ako pinansin kanina nang masulyapan niya ako. Nagtataka na tuloy ako kung totoo ba ‘yung mga nangyari kagabi o kahapon. Hindi kaya nananaginip lang ako? O hindi kaya, sadyang manloloko at mapaglaro lang talaga ‘yang Manansala na ‘yan. Pssh. Kaka badtrip!
“Uy Cris, okay ka lang?” aniya pa Patricia ulit.
“Ahh—oo.” ngumiti ako sa kanya.
“Bakit sa kanila ka lang tingin ng tingin?”
“’Yang babaeng katabi ni Joaquin—‘yang adding rin sa section natin, parang close na close sila noh?”
BINABASA MO ANG
Ikaw na na na na ♫♪♫ [Completed]
FanficTeka lang te-te-teka lang, mayron akong nakita. Pare ko pa-pare ko oh kay gandang dalaga. Sa sa-sandali at akin lalapitan ..♫♪♫ Na LSS ba kayo sa kantang 'yan?