4 ❤ IKAW AT AKO ❤

847 19 11
                                    

4  ❤ IKAW AT AKO ❤

___ ___ ___ ___ ___

❤ CRISTINA’S POV ❤

___ ___ ___ ___ ___

Sa halip na sumagot ako ay agad na lang akong bumaba ng hagdanan. Hindi ko na siya pinansin. Date gusto niya? Bahala siya. Hindi ako interesado at kahit kailan, hindi ako makikipag date sa Manansala na ‘to. Tss.

Nasa labas na ako ng library ngayon, nag aabang ng masasakyan papunta sa labasang ng school. E sa sobrang laki nitong university namin, kailangan pang sumakay ng tricycle papunta sa ibang classroom o ibang lugar. Ang layo kasi. At medyo tinatamad akong maglakad ngayon kasi ang pinaka ayaw ko naman talaga ay ang maglakad ng mag-isa o kumain ng mag-isa. Ayaw na ayaw ko talagang mag-isa lang ako.

“Cristina..” napansin kong may nagsalita mula sa likuran ko. Hay nyeta. Alam ko kung kanino ang boses na ‘to. Boses ‘to ni Manansala e.

Nakasimangot akong liningon siya, “Cristina..” sabi pa ulit at ngumiti.

“Ano?”

Lumapit siya sa akin, “Ito oh..”  at inabot ang isang supot na may nakatatak na ‘minute burger’. Alam kong burger ang laman nito at milkshake pero bakit niya ba ito ginagawa?

“Ano ‘yan? Para san ‘yan?” gulat na gulat kong tanong habang tinitignan ang hawak hawak niya pa rin. Leche! E sa nagugutom na ako kanina, mas nagugutom pa ako ngayon kasi naaamoy ko ang burger na hawak hawak niya. Ugh.

Tinignan ko lang siya at hinintay ang sagot niya, “Alam kong ilang oras ka nang nag aaral, kaya gutom ka na.” aniya pa at ipinahawak na sa akin ang supot na dala dala niya. Hindi ko rin naman kayang bitawan kasi nga gutom na ako. Pero, ayokong tumanggap ng ganito sa kanya.

“Di ko naman hiningi ‘to ah?”

“Kaya nga binibigay ko.”

“Magkano ba ‘to?” tinignan ko na ang laman at tama nga ako. Dalawang burger ang nasa loob nito at dalawang milk shake din. Aba, akala niya siguro—dala dalawa ang kinakain ko? Hindi naman ako ganon kalakas kumain e.

“Bakit?” naguguluhan niyang tanong.

Kinuha ko ang wallet ko sa bag ko, “Babayaran kita. Ayokong magka utang sa’yo Manansala.”

Pero pinigilan naman niya akong buksan ang wallet ko, “’Wag na! Libre ko na ‘yan sa partner ko.” at ngumiti siya ulit.

Medyo naguluhan nga ako sa narinig ko, “Partner?” tanong ko sabay poker face.

“Partner panghabang buhay.” ngumiti ulit siya. This time, ‘yung nakakalokong ngiti niya.

“Ano?” tanong ko ulit sa kanya. Sira talaga ‘tong Manansalang ‘to kahit kailan. Hay nako. Sa halip na sumagot siya ay nginitian niya lang ako. Hindi ko alam kung bakit napangiti na rin ako dun.

“Partner panghabang buhay.”

___ ___ ___ ___ ___

❤ JOAQUIN’S POV ❤

___ ___ ___ ___ ___

Tsong! Ang galing ko talagang dumiskarte mga brad! Grabe, napangiti ko siya. Hahaha. E sa sinabi ko lang na partner kami pang habang buhay, parang umepekto ata ‘yung ganon. Masubukan ko rin ‘to mamaya.

Ikaw na na na na ♫♪♫ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon