2: johann

2 0 0
                                    

"ok"

" really?"

"oo kuya basta libre mo"

" stop calling me kuya, we're the same age"

" eh kuya anong itatawag ko sa iyo, hindi ko naman alam pangalan mo"

"johann"

(a/n: yohan po Ang basa dun ha)

" johann nagtatagalog ka ba?"

" konti" natawa ako kasi ang slang nung pagkakasabi.

"ah..pero bakit naiintindihan mo ako?"

"i studied"

So ayun nagkuwentuhan kami ng nagkuwentuhan ni johann hanggang sa naging close na kami. Kinuha nya number ko at ibinigay ko naman sa kaniya .

Masaya siyang kasama. Walang dull moment saming dalawa. Bawat kuwento niya ay pinapakinggan ko at ganon din naman siya.Ang hirap iexplain yung feeling pero alam mo yun..parang ano..

ah basta!

Masaya ako ngayon.

Alasais na ata ng umaga ng makauwi ako sa amin. Pagkaupo ko pa lang ay naramdaman ko na ang antok. Matutulog na sana ako ng biglang nagvibrate ang cellphone ko.

beep~~beep

From: 09*********

Good morning. I had a great time. Thanks for your time :)

-johann

Humaygad! bakit may smiley face? ginawa niya ba yun para di ako agad makatulog?
tsk! kenekeleg eke.

Halos hindi ako magkaintindihan kung paano at ano ang irereply ko sa kaniya. Isabay mo pa na nangangatal ang kamay ko si di malamang dahilan.

Teka! bakit ba ko nangangatal? Kaye, kalma. Friendly text lang yan ok?

eh kese nemen..beket kese mey smeley fece.

ok..ito nalang.

i saved his number as johann <3 bago nagtype ng reply.

bakit ba? inlove eh.

To: Johann <3

Good morning din. Nag enjoy din ako :)

oh ayan smiley din para kwits.

Lumipas ang ilang linggo na magkatext kami lagi. Kung ano ano lang ang topic namin. Gaya ng; school, anong ginagawa namin, opinion sa ganito ganyan. Hanggang sa hindi ko namamalayan na naiinlove na pala ako sa kaniya.

Isang araw nagising na lang ako na nagpapalitan na kami ng sweet messages. Kilig na kilig ako nun lalo na nung tinext niya to sakin.

From:Johann

I think i am falling, will i be catched?

hanla! super kilig talaga ako nun. Imagine, yung mahal ko mahal din ako. Sobrang saya ko nun. Sa sobrang saya ko nga nung sinabi niya na babalik na siya ng australia, hindi manlang ako nagalit. Kasi naman diba, ikaw ba naman ang pangakuan ng ganito: "I need to go back to australia, but i promise we will communicate every day, evey hour if you want just don't get mad ok?" di ka pa kikiligin.

ese nemen! haba ng hair ng lola niyo.

o juice ko! lahat na yata ng pwedeng kiligin sakin kinilig na. Pati nga yata yung singit ko bwahahaha.

Dumating yung araw ng pag alis niya at talaga namang nalungkot ako. Siyempre diba, kahit sino naman siguro.

Tinupad naman niya yung pangako niya. Araw araw ay magkatext kami o di kaya ay magkatawagan. DAhil dun, kahit papano, ay nabawasan ang pagkamiss ko sakanya. Lalo ko lang napatunayan na mahal ko siya.

Pero, isang araw hindi na siya nagrereply s mga text ko. KAHit tawag ko hindi na niya sinasagot. Sa fb ay nakablock na din ako sa kaniya.

Bakit?

may nagawa ba kong masama?

ano bang problema?

ano nang nangyari satin?

Tinry kong gumawa ng ibang account at tsaka ko siya inistalk....na sana ay hindi ko nalang ginawa.Halos gumuho ang mundo ko sa mga nakita ko.

Johann Riley: Damn! i love you honey

like       comment       share

Nakita kong post niya.Nagscroll pa ko pababa para tingnan yung mga comments.

john: cheesy man!
like   reply

amy: oh my gosh! so sweet of you johann!
like   reply

kelly: i love you too hon 😘
like    reply

kaya pala. MAy iba pala. Ang sakit. Ang sakit sakit. Ano bang naging kasalanan ko? bakit niya ko pinaasa? Ang sakit lang dahil first time ko magmahal ng ganito, umasa ako na ang lovestory ko ay magiging katulad ng mga nababasa ko sa libro yung tipong mahal nila ang isat isa at walang makakapigil sa kanila. Yung tipong may HAPPY ENDING.

Pero p*tang in*ng happy ending na yan. Wala yang ibang gagawin kundi ang paasahin tayo. Kundi ang paniwalain tayo kahit panadalian na merong ganon kahit ang totoo, wala.

Life is really full of sh*t.

Binalikan ko ang mga text messages namin at doon ko lang narealize. Ako lang pala yung tanga na umasa.

'im so inlove' sabi sa isang text niya. OO nga naman. Ang sabi niya inlove siya pero never niyang sinabi na sa akin. BAKit ba kasi ang hilig kong umasa. Dinelete ko ang convo namin at dinelete ang number niya nagpalit na rin ako ng sim bago dineactivate ang lahat ng social media accounts ko. Wala ng dahilan para gamitin ko pa ang mga yun. Dahil pinuputol ko na ang lahat sa amin. Ay oo nga pala, WALA NGA PALANG KAMI.

Wala akong ginawa buong gabi kundi ang umiyak ng umiyak. Halos isang buwan rin akong naging ganoon hanggang sa pinuntahan na ko ng nanay ko.

"anak tama na yan ha. Prinsesa ka ng pamilya natin at hindi mo deserve ang masaktan ng ganyan. Kung ayaw sa iyo hayaan mo na. Marami ka pang makikilalang higit sa kaniya"

" pero ma hindi mo naiintindihan. I will never met  someone better than him because he is the best" totoo naman eh. Hindi niya ko maiintindihan kasi hindi siya ang nasa kalagayan mo.

" sinasabi mo lang yan dahil nasasaktan ka. Pero anak, tanong ko lang sigurado ka ba na naging closee kayo nun. Parang hinsi kasi kapani paniwala" sabi ni mama at tumawa pa.

" ma naman eh!" kainis naman kasi. Broken na nga yung tao nilalait pa.

=_=

" pinapatawa lang kita anak. Pero seriously, bumaba ka na diyan dahil miss ka na ng mga pinsan mo. Hindi ko naman sila masisisi dahil halis isang buwan mo rin silang hinsi pinansin. Pero maligo ka ha, baho mo na eh" biro ni mama at nagtatakbo pababa.

NAPAtawa ako kay mama. tsk! minsan talaga hindi ko maintindihan kung sino ang mas matanda saming dalawa.

TUmayo ako napagdesisyunan ng bumaba. siyempre naligo din ako at nagbihis. Tama naman si mama. Hindi tama na idamay ko sila sa problema ko.

PAbaba pa lang ako ay sinalubong na agd nila ako ng yakap. Namiss ko talaga sila. Inulan agad nila ako ng tanong at seemon pero sa lahat ng sinasabi nila isa lang ang nakaagaw ng atensyon ko.

" insan, mag usap tayo may kailangan kang malaman" seryosong sabi ni gwyn habang nakatingin sa cellphone niya.

Honey, I Fart YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon