" insan mag usap tayo, may kailangan kang malaman." seryosong sabi sa akin ni gwyn habang nakatingin sa cellphone niya.
Napakunot ang noo ko.
" ano?"
" sumunod ka" sabi niya at tumayo para lumabas.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin pero sumunod ako sa kaniya. Siguro dahil na rin sa iba ang pakiramdam ko sa salita niya.
Pagdating ko sa labas ay agad niya akong hinila at ibinigay niya sa akin ang ceklphine niya.
Napakunot ang noo ko. Aanhin ko naman ito? Grabe ha! May cellphone naman ako sadyang hindi ko lang ginagamit ngayon dahil nga sa alam niyo na...
Tumingin ako sa kaniya at tumango siya. Ano ba naman itong si insan? Pinaglololoko ata ako nito eh! Tiningan ko dahil naghihintay ako ng sasabihin niya tapos tinanguan lang ako? da hell.
"insan nakahithit ka ba?" seryosong tanong ko.
Aba! malay ko ba kung nag aadik to tapos bebentahan pala ako. Huwaa!! ayoko!! hindi ako adik!!
" insan ayoko ha..hindi ako nabili ng droga. Sila kuya na lang alukin mo niyan" sabi ko at umiling iling pa.
Juice ko! ayokong makulong.
Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya. Bigla niya akong binatukan.
" aray naman insan. Oh sige na, sige na bibili na ko wag mo lang ako sasaktan huhuhuhu.." sabi ko na naiiyak na.
"tsk! ikaw talaga nabroken na at lahat di parin nawawala ang katangahan mo. Tumango ako dahil binibigyan kita ng permiso na gamitin ang phone ko...tangjsjs"binulong niya na lang yung pahuli. Pero teka, bakit ko naman gagamitin yun?
" para san insan naku wala naman akong itetext tsaka hindi na ako naglalaro ng games, may orasan naman kami sa bahay-ouch" binatukan niya na naman ako.
huhuhu!! ang brutal niya talaga.
" tss. Tanga talaga amputs. Buksan mo yan at tingnan mo yung fb ko"
sinunod ko na lang yung mga sinasabi niya. BAKA mabatukan pa ulit eh!
napakunot ang noo ko sa nakita ko.
Johann Riley.
view profilebakit? para san pa?
" may gusto ka kay johann?" tanong ko.
" ang tanga tanga mo talaga. Punyeta nakakabobo eh.. ako na nga" kinuha niya yung phone niya at maya maya ay ibinalik sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. Totoo ba to?
Johann Riley: Damn! I love you honey.
john: cheesy man
johann: yeah..anything for heramy:oh my gosh! so sweet of you johann!
johann: you think she'll like this?
amy: of coursekelly: I love you too hon😘
johann: you're crazy couz:)Ibig sabihin.....?
" oo pinsan niya yun. ikaw naman kasi assumera ka talaga" sabi ni finsan.
hanla! lagot na.
" Wala na rin naman. Nangyari na.Paniguradong may iba na siya. Kasalanan ko naman eh" naiiyak na sabi ko habang nakatungo at nilalaro ang kamaay ko.
Niyakap ako ni insan, " its never too late for love cous.." sabi niya at tumingin sa likod ko.
NApatingin din ako sa likod ko at nagulat sa nakita.