Cleo's POV
Maaga akong nagising para narin makapaghanda ng maaga. Pababa na ako ng tawagin ako nila tita para mag umagahan.
"Cleo tara na dito sa baba at kumain kana" Sabi ni tita
"Pababa na po tita"
Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko si Drew na pababa na rin pala. Ayan nanaman siya at baka guluhin nanaman ang buhok ko kaya pinosition ko na ang sarili ko na parang makikipagbakbakan ano mang oras.
"Yahh! Andyan ka nanaman Drew! Subukan mo lang guluhin uli buhok ko at malilintikan ka na talaga." pagbabanta ko sa kanya pero ang mokong nakangisi lang "Binabalaan na kita Drew isang maling galaw mo lang makakatikim ka!" Pagbabanta ko.
"Arasso..arasso..titigil na po 'Dongsae' " abat nang aasar pa ang mokong.
"Aish tigilan mo ako sa Dongsae dongsae na yan at pareho lang tayong 17!" Sabi ko na masama ang titig sa kanya at sabay na kaming bumaba para kumain. Ewan ko ba at ang hilig hilig niyang mang asar. Ako lagi ang nakikita.
~~~~~*******~~~~~
"Dara Una na kami ni Drew huh? Sige Ingat ka sa klase niyo. Makinig ka huh! Pag ikaw talaga nalaman kong hindi nanaman nakikinig tatamaan ka rin sakin!" Paalala ko kay Dara. Magkaiba kasi kami ng Grade. Grade 11 na siya and 12 naman kami ni Drew and magka-klase rin kami ni Drew Parehas kami na Culinary ang kinuha na kurso. Ewan ko ba dito kung bakit nakigaya ng kurso eh mas magaling siya sa Technologies pero mas pinili ang Culinary. Well bahala siya *shrug*
"Oo na po 'Eomma Cleo'." Abat sarkastikong bata.
"Yahh!! Dara stop Calling me Eomma!! Alam mo parehas lang kayo nitong si Drew eh. Ang lakas mang asar. Ne, palli punta na Room at mag aral ng mabuti" sermon ko sa kanya sabay turo sa magaling niyang kuya na nakangisi lang. Tsk.
"Ne unnie,oppa annyeong. Saranghaeyo❤" sabi niya sabay bato ng heart sign gamit ang kamay.
"Nado Saranghae.❤" sabi ko sabay kinawayan siya at tumalikod na para pumasok na rin sa sariling Classroom.
"Drew tara na at marami pa akong gagawin!" Tawag pansin ko kay Drew na nakatulala lang dun. Anyare sa kumag na yun.
Nang makarating kami sa Room ay agad kaming pinaghanda para sa gagawin naming Practicum. Last week ay nagluto kami ngayong week naman ang pag b-bake. Ka-team mate ko si Drew.
" ang gagawin natin ngayong is magb-bake ng cupcakes or cake whatever you want from the two. Ang pagbibigyan ninyo ng output niyo ay ang taong pinaka espesyal sa inyo. Kung ilang ang taong pagbibigyan niyo ay ganoon din ang bilang ng gagawin niyo. Okay let's start after ninyong Matapos ay pwede na kayong umuwi." Ani ng Professor namin then lumabas na siya ng Room.
Sinimulan ko na ang pagm-mix ng mga Ingredients.
After an Hour~~~~
Pagkatapos kong ibake ay designing na. Apat ang ginawa ko para sa aming apat nila Drew,Dara at Tita. Yung design na ginawa ko ay pinalibutan ko ng icing tapos pinatungan ko ng malaking heart sa ibabaw. Tinignan ko si Drew kung tapos na siya.
"Drew!! Tapos kana?"
"Uhmm yeah tapos naman na." Sabi niya na inaayos nalang yung ibang ginamit niya sa pag b-bake. "So ano tara na?" Tanong ko sa kanya, tumango lang siya at umalis na kami para makauwi na rin.
Habang naglalakad kami ay inilabas ko na yung ginawa ko for him. "Oh cupcake mo!" Sabi ko in mataray tone para hindi halata yung feelings ko for him.
Nabigla naman siya. 'Luh may nakakabigla ba doon?' "Omo akin talaga yan!?" Tignan mo to parang bata. Napangiti nalang ako sa loob ko. (I mean deep inside napangiti ako) "oo nga! Ayaw mo?" Akmang babawiin ko ng agad niyang kinuha sakin. "Hehe Syempre gusto ko!" Ngiting asong sabi niya then tinikman na yung cupcake.
"Hmm ang sarap talaga pag ikaw ang gumagawa ng pagkain" sabi niya na nakapikit habang ninanamnam yung cupcake. Kinilig naman ako sa loob loob ko. Putspa Heart kalma lang mahahalata ka eh. Nilagyan ko kasi ng maraming nutella sa loob kaya siguro sarap na sarap siya. "So special pala ako sayo kasi binigyan moko neto" nang aasar na sabi niya. Shit heart kalma. Isip ng palusot..isip. "A-ah o-oo naman special ka. I mean kayo nila Tita sakin. Huwag ka ngang assuming!!" Kanda utal-utal kong sabi. AISH!! "Weeh!? Parang hindi eh. Parang may ibang dahilan. Tignan mo may heart pa sa ibabaw." nang aasar pang sabi niya. Aigoo nakakahalata na ba siya!? I need to do somehing!
"Bahala ka na nga dyan!!" Sabi ko nalang sa kanya at iniwan para hindi na rin siya makahalata. Kailangan ko muna ata umiwas sa kanya. Shit. "Yahh!! Cleo!! joke lang naman yun. Wait lang!" Hindi ko na siya pinansin and naglakad nalang ako ng mabilis pauwi ng bahay.
*********
Korean word meaning: (for those readers hindi nakaka alam)*Unnie- nakakatandang kapatid (for girls)
*Eomma- mama/mommy etc. Basta tawag sa mama.
*Yah/Yahh- parang 'hey' or hoy sa ating mga filipino pero mas kagalang galang yung Yah.
*Aish- aish is an expression pag galit ka for example. 'Aish! Bakit ba ang gulo mo' like that.
*Aigoo- is an expression too pag naf-frustate ka or what basta yun.
*Arasso/Arasseo- means okay/ok
*Ne- means 'Yes'
*Oppa- means Big brother (for girls only)
*Saranghaeyo- Mean I love you
*Annyeong- good bye/bye
*Dongsae/Dongsaeng- little sis or nakababatang kapatid na babae and maybe pati lalaki i think
*Nado Saranghae- means I love you tooXxLevi_KunxX
-MISS_EMOJI
BINABASA MO ANG
So Far Away
عشوائيTwo different hearts and Two different worlds na pinagtagpo ngunit sa maikling panahon pinaghiwalay din sila ng Tadhana. Magkita pa kaya silang muli? Mabigyan pa kaya sila ng pagkakataong magkasama muli ng mas matagal? Made by my own imagination. If...