Cleo's POV
"Ano ba 'tong pakana mo Dara at bakit kailangan pa akong piringan?" Naiiritang anas ko.
Pagkarating kasi namin dito sa Café, eh bigla akong piniringan ni Dara. Kanina pa ako naguguluhan sa babaeng 'to at kung anu-anong pinaggagawa sakin. Tumira nanaman ata 'to ng katol kaya ganito ito ngayon.
"Basta sumunod ka nalang sakin at magtiwala!" Sabi niya na animoy siyang siya pa sa pinaggagawa niya.
"Paano ako magtitiwala sayo eh parang nakasinghot ka nanaman ng katol sa inaakto m-ayy ano ba yan!" Muntik na akong matapilok ng dahil sa sobrang bilis ng paglalakad ni Dara.
"Dahan dahan naman Dara! Gusto mo bang matapilok ako. Jusko kang babae ka ah!"
"Mianhe Unnie" tatawa tawang hinging paumanhin pa ni Dara.
"Aigoo. Ano ba kasi talagang gagawin natin dito?" Kanina pa ako nagtataka kung bakit ako dinala ni Dara dito sa Cafe namin ni Drew. Si tita kasi ang madalas taga bantay dito sa Cafe namin and pumupunta lang kami dito kapag may problem or kapag binibisita namin 'tong Café.
"Hindi na 'to surprise kapag sinabi ko sayo. Tsaka maghintay ka nalang dyan!" Parang ewan na sabi ni Dara.
Habang naglalakad, nakaramdam ako ng tuwa at kaba.
Tuwa dahil naisip ng kung sino man ang may pakana nito na surpresahin ako, bihira lang kasi akong surpresahin sa buong buhay ko. Noong Graduation namin ni Drew at noong Ika labing apat na taong gulang ako.
Kaba dahil baka hindi ko magustuhan ang kalalabasan.
"Nandito na tayo!"
"Huwag kang aalis dyan ha? Babalik ako."
"Dara! Wait, saan ka pupunta? Huwag mo 'kong iwan dito uy!"natataranta nako dahil hindi ko naman alam kung bakit ako nandito. Hindi ko naman alam kung anong ginagawa ko dito.
"Basta huwag kang aalis dyan."
Pagkatapos nun ay wala na akong narinig. Ano ba talaga ang gagawin ko dito? Ano tatayo nalang ba ako?
Aalisin ko na sana ang piring ng marinig ko ang kantang maraming naibigay sakin mg ala-ala. Musikang nakakagaan ng pakiramdam.
Hago shipeun ge eoptdaneun ge jinjja mwot gateunde
Heunhan kkum jocha eoptdaneun ge
Hanshimhan geo areo da aneunde
Haran daeroman hamyeon deomdamyeo
Daehakhamyeon da gwaenchanha
Gueron maldareulGusto kong maiyak dahil sa mga binaon ko ng ala-ala na unti-unting bumabalik.
So far away naegedo kkumu itdamyeon naraganeun kkumi itdamyeon
Don't fall away naegedo kkumi itdamyeon naraganeun kkumi itdamyeonHabang unti-unting bumabalik ang aking ala-ala ay ang pagsabay ng mga luhang walang tigil na pumapatak sa aking mga mata.
Dream geudaeye changjowa
Salmui kkeute hamkke hari
Dream geudaeye jariga eodiljirado gwandae hari
Dream gyeolguk shiryeonui kkeute mangaehariAno nga ba ang rason kung bakit ako nandito? Bakit sa dinami daming kanta ay yan pa ang napili nila? Totoo ngang masu-surpresa ako dito sa pakana nilang 'to.
Kasabay ng aking walang tigil na pagluha ay ang patuloy na pagtunog ng awitin.
So far away naegedo kkumi itdamyeon naraganeun kkumi itdamyeon
Don't far away naegedo kkumi itdamyeon naraganeun kkumi itdamyeonSo far away
(First love)
So far away
(First love)
So far away
(First love)
So far away
(First love)So far away
Don't fall away
So far away
Don't fall awayHanggang sa natapos ang kanta ay patuloy parin ako sa pagiyak.
Sa pagpikit ko ng aking mata ay may isang kamay na nagtanggal sa aking piring.
Minulat ko ang aking mata at isang lalaking nanlalaki ang mata ang aking nasilayan. Marahil nakita nito ang aking luhaang mata.
Tinitigan ko siya gamit ang aking mata na puno ng hinanakit. Nang masilayan ko ang kanyang napaka gwapong muka ay ang pagbalik ng aking ala-ala na kahit kailan man ay hindi niya ako magugustuhan.
Hindi ko na kinaya ang sakit na aking nararamdaman. Hahaplusin sana ng kanyang kamay ang aking muka ng bigla akong yumuko at sabay takbo palayo katulad ng pagtakbo at pagiwan sa mga ala-alang kailanman any di ko na nanaisin pang balikan.
"Cleo! Cleo sandali!"
Tinatawag ako ng lahat ng tao na naroon sa lugar na iyon ngunit kahit nino man ay wala akong nilingon. Nagpatuloy ako sa pagtakbo, kasabay ng aking pagtakbo ay ang paglisan ng lahat ng ala-ala.... kasama narin ang aking nararamdaman para sa kanya.
BINABASA MO ANG
So Far Away
RandomTwo different hearts and Two different worlds na pinagtagpo ngunit sa maikling panahon pinaghiwalay din sila ng Tadhana. Magkita pa kaya silang muli? Mabigyan pa kaya sila ng pagkakataong magkasama muli ng mas matagal? Made by my own imagination. If...