Chapter VII

9 1 0
                                    

Cleo's POV

Patuloy ako sa pagtakbo at inaasahang matatakasan lahat ng sakit ng nakaraan na patuloy na bumabalik sa aking mga ala-ala. Over Acting na kung sabihin sa mga ikinikilos ko ngayon pero kung kayo rin ang nasa sitwasyon ko ay ganito rin ang mararamdaman niyo.

Sa bawat paghakbang ng aking mga paa ay mga ala-alang gusto ko ng ibaon sa limot.

Kasabay ng aking mga luha ay ang pagpatak ng ulan na akala mo'y nakiksabay sa aking mga luha. Simoy ng hangin na kay lamig.

"Anak bumaba ka na diyan aalis na kami ng papa mo." Ani ni mama habang inaayos ang mga natitirang gamit na dadalhin.

"Eto na po!" Masiglang sigaw mo pabalik

May ngiting mababakas sa aking muka habang pababa ng hagdan.

"Ma magiingat kayo ni papa ha? Kung pwede lang sana akong sumama sa inyo." Kunwaring nagtatampong anas ko

"Hahaha ano kaba anak, kailangan ka dito sa bahay tsaka nagpromise naman kami ng papa mo na isasama ka namin sa susunod na punta natin sa Korea diba?" Nanunuyong sabi ni mama

"Hmp sige na nga, basta ma magiingat kayo huh? Saranghaeyo" mahigpit kong niyakap si mama.

"Lagi kang magiingat anak, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng papa mo." Anas ni mama na wari mo'y nagpapaalam

"Ma! Ano ka ba, hmp para tuloy feeling ko nagpapaalam ka" pagalit kong Anas kay mama

Why I have this strange feeling na may mangyayaring masama.

"Wag na lang kaya kayong umalis ni papa." Pangungulit ko kay mama

"Ano kaba anak, sige na at mal-late na kami sa flight."

Sabay kaming naglakad ni mama papunta sa labas dahil naghihintay na rin si papa.

"Ma, Pa magiingat kayo huh? Dapat pagbalik niyo marami akong chocolates" masayang ani ko kina papa

"Hahaha oo naman anak." Sabi ni papa

Masaya akong kumakaway habang papaalis na ang kanilang sinasakyan.

*30 mins. Later*

Nakikinig ako ng New release na kanta ng BTS na So Far Away. I don't know why pero ang sarap pakinggan at nakakagaan ng loob ang boses nila.

Habang taimtim akong nakikinig ay biglang nagring ang phone ko.

I look at my phone to see who's the caller, It's Dara.

"C-cleo" humihikbing boses ni Dara ang narinig ko

"Ne Dara, May problema ba? Bakit ka umiiyak?" Nagaalalang Anas ko

"C-cleo sila Tito at Tita" basag ang boses na ani ni Dara sa kabilang linya

Biglang sumabog ng mabilis ang aking puso.

"A-anong nangyari? Anong nangyari sa kanila!?" Medyo tumaas na ang boses ko dahil sa kaba

Naghuhuramentado ang pagtibok ng aking puso habang hinihintay ang kanyang sunod na sasabihin.

"W-wala na sila Cleo" at doon na malakas na umiyak si Dara.

Huminto ang pagtibok ng aking puso at sabay sabay na nagunahan sa pagpatak ang aking mga luha.

"No! No Dara, hindi totoo yan! Hindi magandang biro yan!"

Hindi ko na alam ang aking mararamdaman. Tila parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. Hindi, hindi maaari.

Patuloy sa pagbuhos ang aking mga luha. Hindi ko kaya, bakit? Bakit sila mama? Masaya pa kami kanina ah. Nangako silang sabay uli kaming babalik papunta Korea.

"Paanong nangyaring wala na sila Dara!"

"Naaksidente ang sinasakyan nila, mayroon silang nakabanggang isa pang sasakyan at patay rin ang nasa loob niyon" wala ring tigil sa pagiyak si Dara.

"B-bakit Dara, Nangako sila. Nangako pa sila sakin na sabay pa kaming pupunta sa korea. Paano ako?" Mas lalong lumakas ang aking pagiyak.

Tila hindi magproseso sa aking utak ang mga nalaman ko. Hindi ko matanggap. Sila nalang ang natitira sakin bakit sila pa ang mawawala.

Kasabay ng kanta ang aking pagdadalamhati, kanina ay tila hindi ko mawari ang punto ng kanta at ngayon ay unti- unti kong nalalaman ang tunay na kahulugan ng kanta.

*End of flashback

That day I wish I am with my Parent. I wish I am with that accident. Sana kasama nalang nila akong namatay. At sa araw na rin na yun ay binaon ko na sa limot ang kantang nagpapaalala sa kanila, ngunit ngayon...

Bakit biglang bumalik...Those horrible memories.

Why do I end up like this?

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Hello guys, I'm sorry for the late updation. I hope you'll like this, it's kinda lame tho.

Please leave a comment of your thoughts and kindly press the star button. I highly appreciate it. Till the next updation. Ciao

*Jen-obody the nobody author 💕

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

So Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon