Chapter III

12 2 0
                                    

Author's POV

Nakatulalang nakatitig si Sebastian sa baba ng kanilang Veranda habang malalim na pinagiisipan kung susundin niya ba ang gusto ng kanyang ama na bumalik sa lugar na ang nagagawa lang ay ipaalala sa kanya ang mapait na memorya ng pagkamatay ng kanyang ina.

Hindi kailanman maalis sa kanyang isipan ang trahedyang dahilan ng pagkawala ng kanyang pinakamamahal na Ina.

Hindi niya lubos maisip na ganun na lamang kadali para sa kanyang ama na makalimutan iyon samantalang siya ay laging malungkot at umiiyak sa tuwing ma aalala ang trahedyang nangyari.

Hindi siya ganoon kabato dati bagkos siya ay masayahin at palatawang tao dahil na rin sa pangaral ng kanyang pinakamamahal na ina.

Lagi netong sinasabi na huwag dapat silang laging nakasibangot at huwag silang laging malungkot bagkos ay dapat palaging may ngiti sa kanilang labi. Huwag hahayaang paapekto sa mga problema na ang lagi lang namang ginagawa ay pasakitin ang ulo at pababain ang pagtitiwala ng isang tao sa kanilang sarili.

Ang kanyang ina ay palangiti at mabait na tao kayat hindi niya lubos maisip na bakit ang kanyang Ina pa, na bakit kung sino pa ang taong may mabuting puso pa ang kailangang maunang kuhain ng panginoon.

Masyado siyang malapit sa kanyang Ina kaya ganito na lamang siya kung magluksa. Alam niya na kung nabubuhay pa ang kanyang Ina ay matagal na siyang pinagkukurot dahil sa expresyon ng kanyang muka dahil ayaw na ayaw talaga nito ang nakasibangot.

Miss na miss na niya ang kanyang ina. Sobra na siyang nangungulila dito. Lagi niyang hinihiling na sana nandito pa at buhay na kasama niya ang kanyang Ina.

"Bogo shipda Eomma" lumuluhang aniya at bahagyang pinunasan ang kanyang lumuluhang mata.

Naputol ang kanyang pagiyak nang tawagin siya ng kanyang nakababatang kapatid na babae.

Tulad niya ay lubos din itong nangungulila sa kanyang Ina. Ito ang minsang karamay niya sa pagiyak kapag hindi na niya kaya pang pigilan ang kanyang emosyon.

"Oppa" malungkot na tawag sa kanya ng kanyang kapatid.

Nginitian niya ang kanyang kapatid at nilapitan upang akbayan. Ayaw niya na ipahalata dito ang kanyang lungkot. Ayaw niya mahawa ito dahil hindi ito maganda para sa kanyang kapatid.

"Bakit hindi ka pa natutulog? Malalim na ang gabi dapat ay natutulog kana" sabi niya sa kapatid habang sinusuklay ang buhok neto gamit ang kanyang daliri.

"Naisip ko lang si mommy." Malungkot na sabi ng kanyang kapatid na nagsisimula nang maiyak.

"Kuya miss na miss ko na siya, pwede ba natin siyang bisitahin bukas" umiiyak na sabi ng kanyang kapatid. Kinabig niya ito para bigyan ng mahigpit na yakap.

"Sige pupunta tayo bukas. Sige na at matulog kana maaga pa tayo bukas." Sabi niya sa kanyang kapatid na  hinahagod ang likod neto.

"Kuya babalik ka na ba sa pilipinas?" Tanong ng kanyang kapatid na bahagyang humiwalay sa pagkakayakap sa kanya at saka siya tiningala.

Hindi agad siya nakasagot. Hindi pa niya lubos napagdesisyunan ang bagay na yan. Handa na ba siyang balikan ulit ang alaala na yun? Handa na ba siyang kalimutan ang madilim na alaalang yun?

Hindi niya pa alam. Hindi niya pa sigurado. Kailangan niya pang mag isip.

"Hindi ko pa alam Trixie. Hindi ko pa nagpagiisipan ang tungkol dyan sa ngayon matulog ka na at maaga pa tayong aalis bukas." Pagpapaliwanag niya sa kanyang kapatid.

Hinalikan niya ito sa noo at saka iginaya sa kwarto neto para masiguradong matutulog na ito.

"Good night oppa, saranghaeyo" sabi ng kapatid niya at saka na sinarado ang pinto.

Naglalakad na siya papunta sa kanyang kwarto para makapagpahinga na rin ng bigla siyang tinawag ng kanyang ama.

"Sebastian, Can we talk?" Anas ng kanyang ama na mataman lang na nakatitig sa kanya.

"Im tired father." Walang ganang sagot niya sa kanyang ama.

"You need to go back son. Kailangan ka nila sa pilipinas." Nagsusumamong anas ng kanyang ama.

"I'll think about it" huli niyang sabi at saka tuluyan ng pumasok sa kanyang kwarto.

***********

XxLevi_KunxX
Miss_Emoji

So Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon