Chapter One

2 0 0
                                    


"Sweetie, pakitingnan naman kung sino yung nagdo-doorbell." Utos ng mommy ni Aeon sa kanya. 

"Yes, ma." 

Tatlong araw na ang nakalilipas simula nang lumipat sila sa bago nilang bahay at patapos na rin ang pag-aayos nila. Hindi kalakihan ang bago nilang bahay kumapara sa dati pero mas gusto iyon ng daddy ni Aeon dahil tatlo lang naman sila. 

"Hello!" Bungad sa kanya ng isang napakagandang babae na may edad na. May hawak-hawak itong isang tupperware. 

"Ah, hello po?" 

"I'm Marga Matsuno. I live next door. I'm here to welcome you." 

"I'm Aeon Perisse." She said. "Come in, Miss Matsuno." She opened the door wider. 

"Aeon, who's that?" Tanong ng mommy nya. 

"It's Miss Matsuno from the other house." 

"Matsuno? Marga Walker?!" Sigaw ng mommy nya pagkakita sa babaeng nasa tabi ni Aeon. 

"I'm Matsuno now." She giggled. 

"You know her?" Aeon asked. 

"She was an international model, right? She's my favorite." 

"Oh, that's great!" Miss Matsuno said. "I made lasagna for your family." 

"Thank you, Miss Matsuno." 

"Just call me Marga." 

"Okay. I'm Clara Perisse and this is my daughter Aeon. My husband is not around. He's gone for work." 

Napakamot nalang si Aeon sa batok. Mukhang may ka-close na agad ang mommy nya. Dating isang international model? No wonder she's beautiful. Her mom was a fashion designer kaya siguro agad nagkasundo ang dalawa.

 "Ang sarap nitong lasagna mo." Clara said. 

Nasa recieving area sila ngayon at nakikipag-kwentuhan kay Marga. Inilapag ni Aeon ang juice sa center table at umupo. 

"Sobrang excited ako nang malaman kong may kapit-bahay na kami. Lagi akong naiiwan sa bahay kaya bored na bored na ako. Actually, nung unang araw palang na lumipat kayo dito gusto ko na kayo i-welcome kaso naisip ko na kakalipat nyo lang at baka nag-aayos kayo ng mga gamit." 

"Me, too. Nasa bahay nalang din ako lagi. Dito ko nalang ginagawa yung mga designs ko. Ginagawa ko nalang kasing past time. George doesn't want me to work anymore."

"Parang ang hinhin naman ng anak mo." Marga said. "You should meet my son, Akito. Sa tingin ko magkakasundo kayo." 

"You have a son?" Tanong ng mommy ni Aeon. 

"I have two, Akino and Akito. Akito is already in college, soon he will be working with his father while Akino is incoming first year high school." 

"Oh, same age with Aeon." 

"Really?" Habang nagkwe-kwentuhan ang mommy nya at si Marga ay tahimik lang si Aeon. 

Nalaman nyang sobrang yaman ni Miss Matsuno. Sila pala ang may ari ng MTN, isang TV network at pinapatakbo iyon ng asawa niya. Kaya pala ganun nalang kalaki ang bahay nila. Nalaman nya ding parehas sila ng papasukang school ng bunsong anak nito na si Akino. 


"I'm home." Aeon's father said. Lumapit agad si Aeon para halikan ito sa pisngi. Ganun din si Clara. 

"How's work?" Her mother asked. 

Manager sa isang napakalaking bangko ang daddy ni Aeon. 

"Stress, of course." 

"May ibabalita ako sayo." Sabi ng mommy nya. At ayun nga, kinuwento nito ang nangyari kanina. 

"That's great. Edi hindi mo na ako kukulitin na nabo-bored ka sa bahay?" Natatawang sabi ng daddy nya. "By the way, Aeon. When is your first day of school?" 

"This Monday, pa." She answered. "Ready na ba yung gamit mo?" 

"Yes, pa." 

"Oo nga pala, Sweetie, maaga kang magising bukas." 

"Bakit po?" 

"Mag-jogging ka." 

"But, ma." 

"Look at yourself, you're gaining weight." 

"Just let her be, Honey." Her dad said. 

"I'm just worried. Kapag nagka-edad ka mahihirapan ka magpapayat." 

"I'm fine, ma." 

"Aeon will be fine." Her dad smiled at her. 

Minsan nahihirapan si Aeon sa pagkakaroon ng ina na fashion designer. Her mom is too concious about her body. Idagdag pa ang expectations ng mga taong nakapalibot sa kanya. Palibhasa fashion designer ang mommy nya ay inaasahang magaling din syang magdala ng damit at may magandang pangangatawan. Pero hindi. Chubby si Aeon at hindi nya nakuha ang talento ng mommy nya pagdating sa fashion. Hindi rin katalinuhan si Aeon, o sabihin na nating bobo talaga sya. 

"Maganda ka sana, chubby ka lang." 

"Maganda ka sana, ayusin mo lang yung pananamit mo." 

"Maganda ka sana, wala ka lang utak."

 Iyan ang mga sinasabi sa kanya ng tao. 

Simula nun ay nawalan na sya ng self-confidence.


"How's your new house?" Evie, her bestfriend, ask from the other line. 

"Okay naman. Mas comfortable."

 "Excited na ko this Monday!" 

"Kasi makikita mo mga pinsan ko?" 

"H-Ha? Hindi ah!" 

"Maang-maagan pa, Evie. Alam kong crush mo lahat ng pinsan ko. Sino ba talaga sa kanila?" 

"Tseh!" 

"Ah, I know. Si Kuya Bash, no?" 

"Ha?! Hindi! Huwag ka ngang mangbintang." 

"Oo na. Oo na." She laughed at her bestfriend. 

"I'll call you later." 


 "Hi!" Bati sa kanila ni Marga pagkabukas nito ng gate. "Come in, come in." 

Inimbita kasi sila nito na magdinner sa kanilang bahay. 

"Who's this cute little girl?" Tanong ng isang gwapong lalaki pagpasok nila sa bahay ng mga Matsuno.

 "Oh, this is my son Akito. Akito, this is your Tita Marga and Tito George. This is Aeon, their daughter." Pakilala ni Clara. 

"Good evening." Yumuko si Akito bilang pagbati. May lahing Japanese kasi ang asawa ni Marga kaya yumuko si Akito nang bumati. "So, you are Aeon? I'm sure magkakasundo kayo ni Akino. You'll definitely going to like each other." He winked at her. 

"Ah hehe." Akward na tawa niya. 

Pumunta sila sa dinning area. Hindi mapigilan ni Aeon mamangha sa ganda ng bahay ng mga Matsuno. 

"Akino, greet our guests." Sabi ni Hino, Marga's husband. 

"Good evening." Yumuko ito. 

Napalingon naman si Aeon sa lalaking nagsalita. Pag-angat ng ulo nito ay natulala si Aeon sa kagwapuhan ng binata. 

"This is my son Akino. That's your Tita Clara, Tito George and their daughter Aeon." 

"Nice meeting you all." Sabi nito. 

Bagsak ang itim na itim na buhok nito at may pagka-tsinito ito kagaya ng kuya nya. Matangkad rin ito at maputi. 

"Have a seat." Sabi ni Marga. 

"Aeon? Aeon? What's wrong?" Tanong ng daddy nya. 

"P-Po?" She turned to her father. "Nothing." At iyon ang simula ng pagkakaroon ng paghanga ni Aeon kay Akino.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beyond The ReachWhere stories live. Discover now