PROLOGUE

1.3K 13 0
                                    

"Pare, iwanan niyo na riyan baka may nakakita sa atin rito!" Sabi nang nakabonet na lalaki at nakasuot na itim na damit.

"Sandali, itatapon ko lang sa ilog!" Sabi naman ng isa na naka suot na maong pants at itim na jacket at agad itinapon ang sakong dala na bakas ang maraming dugo ang laman niyon.

"Siguraduhin niyong malinis ang lahat bago tayo umalis!" Na pinakalider sa tatlo na nakapang shades na itim at may nunal sa gilid ng labi nito.

"Opo bossing!" Panabay ng dalawa.

Nang masiguradong malinis na ang lahat ay dali dali na silang sumakay sa isang pick- up na nakahimpil sa ilalim ng malaking puno.

Siniguradong hating gabi gawin ang karumal dumal na krimen nang sa ganoon ay walang nakakita sa kanila.

"Mas makabubuting umalis na muna tayo rito sa Lugar na ito magtago sa lugar na hindi tayo makikilala." Sabi nang pinakalider.

"Mabuti nga siguro bossing, doon muna ako sa Davao may mga partidos ako roon." Ang nakabonet na lalaki.

"Ako naman ay doon sa Samar may kapatid ako roon na lalaki doon muna ako sa kanya." Sabi ng isa.

"Makabubuting rin na wala tayong komunikasyon nang sa ganoon walang sabit."

Makahulugang sabi nito at matiim na tiningnan ang dalawa.

"Bossing naman siyempre wala alangan namang ipapahamak namin ang sarili at kayo at alam rin natin na may mas mataas na Tao ang nasa likod nito." Mahabang salaysay nang nakabonet.

"Mabuti at nagkakaintindihan tayo. Iyong mga pera niyo naideposit na sa mga accounts niyo!" At pinatakbo ng nakashades ang sasakyan nitong kulay itim na Land Cruiser.

🎩🎩🎩🎩🎩🎩🎩🎩🎩🎩🎩🎩🎩🎩

Matapos maligo at malinis ang mga dugo sa kanyang damit ay mayroong tumawag sa kanyang J5 na cellphone.

"Hello Boss?"

"DONE?" Sabi nang misteryosong tao sa kabilang linya.

"Yes Boss, neat and clean."

"GOOD, you know what to do now."

"I know that already Boss." At nawala na ito sa kabilang linya.

Nakahanda na ang mga gamit nila ng kanyang kapatid sa pag alis nila papuntang Bacolod.

"Kuya, hindi mo pa sinasabi kung saan talaga tayo pupunta, pagdating mo bigla mo nalang akong sinabihan na mag empaki nang walang dahilan at saka matagal na tayo rito sa Manila at wala naman akong nakitang dahilan para umalis tayo rito sa mayn-."

"Doon ako nilipat na area, bilang sales agent ng mga jewelries ay wala akong magawa kasi utos iyon ng president Luisa." mahaba niyang salaysay.

Alam nitong sales agent ng mga jewelry ang trabaho ko ngunit hindi nito alam na I have another 'monkey business'.

Soon or better not ay hindi sana niya malaman ang aking mga pinag gagawa dahil ang huling bagay na nagawa ko ay para rin sa kanyang kapakanan kung bakit ko nagawa ang bagay na iyon na ngayon ko lang nagawa sa tanang buhay ko.

"Eh, kuya paano na itong bahay natin? Marami pa naman sana akong alaala dito." Nalulungkot nitong sabi.

Maski ako rin ay nanghihinayang dahil dito na kami lumaki at siyempre dahil rin sa alaala ng mga magulang namin na namatay dahil sa plane crash ng pumunta ang mga ito sa libing ng aming Lolo Emanuel.

Nagkataong may roon kaming final exams noon ni Luisa kaya hindi kami nakasama sampong taon na ang nakalipas.

Ngayon na nasa 2nd year college na ito sa kursong Education ay malungkot ito ngayon dahil iiwan na namin ang mga alaala sa bahay na ito.

"May nakuha na akong buyer ng bahay na ito at baka mamaya ay idedeposit na nito ang bayad sa account ko."

"What kuya? paano mo nagawang ibenta ang bahay na ito na pinagpawisan at pagod pa na pinag ipunan ng mga magulang natin!" Umiiyak nitong sabi.

"Luisa kahit ako ay masama rin ang loob sa sarili ko pero kailangan dahil hindi na tayo babalik dito."

"No kuya! Hindi ako aalis dito kung gusto mo ikaw lang mag Isa ang umalis at iwanan mo na ako rito!"

Nagsisigaw nitong sabi habang umiiyak at padabog na pumunta sa kanyang kwarto.

Napabuntong hininga nalang ako dahil ayokong nakikita na nasasaktan ang kapatid ko pero para rin naman ito sa kanya.

Pawis at dugo ang ginawa ng mga magulang namin noon na araw at gabi kung magtrabaho bilang mga negosyante.

At maipagawa lang itong bahay namin na gawa sa marble at sariling design pa ng mga magulang namin.

Pinuntahan ko ang kapatid ko sa kanyang kwarto na umiiyak parin.

"Luisa, para rin sayo ang ginagawa kong ito kahit mahirap rin sa akin na ibenta itong bahay ay mahalaga rin ang trabaho ko para na rin naman sa pag aaral mo, sana maintindihan mo ako."

Tumingin ito sa akin ng matagal bago ngumiti at mahigpit na niyakap ako.

"Sorry kuya dahil naging selfish ako na sarili ko lang ang iniisip ko, alam kong ginagawa mo lahat ng ito para sa akin. Thank you."

"Basta para sa iyo lahat gagawin ko, magbihis kana at aalis na tayo nandoon na sa Taxi ang mga gamit."

"Kasama ang sasakyan sa na ibenta mo kuya?"

"Oo bibili nalang ako ng bago pag nandoon na tayo ng Bacolod."

"Oh sige kuya magbibihis lang ako."

Mga dalawang oras rin ang flight namin ng unti unti nang lumalanding ang sinasakyan naming Philippine Airlines dito sa Airport Terminal ng Bacolod.

'Welcome to the City of Smiles.'

✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍

Please votes, comments and share this chapter.

Thank you.

mayril@6-19-17

Billionaire's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon