Chapter One

438 9 0
                                    

🎩🎩🎩Three years after 🎩🎩🎩

LUISA POV'S:

"Kuya, natanggap ako sa Carlos Torres High School. At bukas magsisimula na ako." Excited kong sabi kay Kuya na kadarating lang galing trabaho.

"Wow Luisa, congratulations." Sabay yakap nito sa akin.

"Thank you rin Kuya dahil rin sayo kung kaya ay nakapagtapos ako." Maluha luha kong pahayag.

" So let's celebrate?" Sabi nito na kumawala sa yakap ko.

"No need na Kuya dahil nakapagluto na ako ng favorite mong menu." Sabi ko ulit.

Nakapagluto na ako ng favorite nitong chicken adobo.

"Wait me, magbibihis lang ako." Sabay pasok nito sa kanyang kwarto.

Paglabas nito ay nakahain na ang aming hapunan. Chicken adobo ang ulam at baked lasagna for dessert.

"Masarap ka talagang magluto Luisa." Habang kumakain kami ay ito ang sinabi nito.

" I know that Kuya." Biro ko sa kanya. Mahilig kasi akong magluto at magbake.

"Mabuti naman at makapagtrabaho ka na para hindi ka mabored dito habang nasa trabaho ako." Mahaba nitong pahayag.

"Oo nga at nang makatulong rin ako sa financial natin."

Matapos kumain ay nagtungo na ito sa kanyang kwarto at ako naman ay hinugasan ang kinainan namin.

Pumunta na ako sa aking kwarto at sobrang excited na akong Pumasok bukas. Nakahiga na ako sa kama ng maalala ko ang mga pangyayari bago kami dumating dito ni Kuya.

🎩🎩🎩🎩🎩🎩🎩🎩🎩🎩🎩🎩🎩🎩

'WELCOME TO THE CITY OF SMILE'

Basa ko sa malaking sign board malapit sa departure area. Ang ibig sabihin ay nasa Bacolod City kami at ang bago naming tahanan ni Kuya.

"Oo nasa Bacolod City tayo Luisa." Sabi nito na nahalata ang mga titig ko.

"Oo nga Kuya, palangiti nga ang mga tao dito na halata mong masasaya palagi." Puna ko sa mga taong nakakasalubong ko kahit hindi mo alam ang mga ito ay ningitian ka parin.

Sumakay kami ng Taxi at bumibiyahe pa south area. Maganda ang mga tanawin ng karagatan, mga malalaking puno, may mga tanim na palay sa kabila at tanim na tubo (sugar cane) sa kabila naman nito. Ang ibang bahay ay gawa sa kawayan na maganda ang pagkadesign. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako.

"Luisa, nandito na tayo." Naalimpungatan ako ng may humawak sa pisngi ko. Si Kuya.

"Ha... Ah nandito na pala tayo Kuya." Sabi ko sabay labas ng taxi.
Matapos mabayaran ni Kuya ang bill namin ay kinuha nito ang mga gamit namin.

Nakita ko ang isang simpleng bahay na gawa sa cemento na kulay peach ang pintura ng pader at blue ang sa bubong nito. Ang nakakuha ng atensyon ko ay ang mga magagandang bulaklak sa gilid ng bakuran. Mga Orchids na kulay pink, violet, white at blue, Dahlia, Daisy, Bonguainvillea at mga Rosas. may Napapalibot rin sa bahay ang kawayang bakod. May mga hanging plants sa puno at balkonahe.

"Wow Kuya, ang ganda naman dito." Namamangha kong sabi kay Kuya.

"Alam kong magugustuhan mo dito kaya pinasadya kong ipagawa ang bahay na ito at ang hilig mo sa mga bulaklak." Nakangiti nitong sabi.

"Thank you Kuya." Yakap ko sa kanya.

"Your welcome, tara pasok tayo sa loob." Pumasok kami sa loob ng bahay. Kulay puti ang pintura sa dingding. Mga iba't ibang historical paintings ang nakasabit sa pader at may mga halaman sa gilid ng pintuan. Ang kusina naman ay kumpleto sa gamit, may baking tools na alam rin nito na mahilig akong magbake.

"Luisa, ito iyong kwarto mo at ito naman sa akin." Turo nito sa kaliwang direction sa akin ay kanan.

Pumasok ako sa aking kwarto na maganda ang designs. May drawer, bookshelf para sa mga pocketbooks ko at bathroom na kumpleto ang gamit; toothbrush and paste, shampoo, conditioner, soap at dalawang kulay peach na tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto.

"Pina enrolled kita pala Luisa sa St. La Salle dito sa Bacolod at next week ay makakahabol ka ng second semester." Bungad ni Kuya sa pinto.

"Thank you again Kuya." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Ok magpahinga ka na alam kong pagod ka sa biyahe natin." Sabay halik nito sa noo ko.

" Ok Kuya, Ikaw rin." At umalis na ito.
Inayos ko ang mga damit ko sa cabinet at mga pocketbooks ko sa shelf. Naligo at natulog na dahil nga sa pagod sa biyahe namin.

Pumasok na nga ako sa bago kong eskwelahan at mababait naman ang mga students dito at may mga kaibigan naman ako at isa sa matalik kong kaibigan ay si Mica na mahilig rin palang mag basa ng pocketbooks at addicted na talaga.

" Girl, anong gusto mong parts ng story ang excited mong basahin ha?" Tanong nito sa akin ng kumakain kami sa canteen.

"Siyempre iyong parte na happy ending iyong dalawang taong nagmamahalan." Sagot ko sa kanya.

"Asus! Hindi ka excited basahin iyong climax ng dalawang bida having many sex?" Tili nito sa sagot ko.

"Ikaw Mica ha, kong ano anong nasa isip mo, kumain nalang nga tayo." Iwas ko sa kanya.

"How many boyfriend's you have?" Tanong pa nito.

"Of course I have no boyfriend before and now." Inis kong sagot.

"WHAT? You have no boyfriend as in NBSB?" Diniinan pa nito ang huling salita.

"So what?" Sabi ko nalang.

"Fine! Hindi mo matikman iyong halik ng taong nagmamahal sayo." Parinig pa nito sa akin.

"Bahala ka diyan." At kumain na lang kami.

Nag aral akong mabuti at hindi nasayang iyon dahil nakuha ko ang pinakamataas na karangalan. Nagtapos ako sa kursong Bachelors​ of Secondary Education major in History.

With the title of MAGNA CUM LAUDE.

✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍

Please votes, comments and share this chapter.

Thank you.

mayril@6-20-17

Billionaire's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon