Chapter Four

457 7 0
                                    

Chapter Four. First kiss

Mika's Pov


Nabigla ako ng biglang sabunutan nung Luya si Cloe. At bigla nalang lumapit sakin yung dalawang alipores nya...

...The next thing i know sinampal ako nung isa sabay hila ng buhok ko T_T

"Aray! Ano ba!? Nasasaktan ako!" Ouch! Gusto ko ng maiyak sa sobrang sakit ng paghila nya sa buhok ko

Tama na please...

"Ano ba!? Wala naman akong gin- aray!" Bigla nalang ako tinadyakan sa sikmura nung kaninang medyo makapal yung mukh- i mean makapal yung make up.

Ano to? Wresling?

Namalipit ako sa sobrang sakit.. Hindi ako makahinga ng maayos.. Ayoko na! Ayoko na! Masakit! Sobrang sakit!

"Tama na! Wag nyong sasaktan si Mika!" Dinig kong sigaw ni Cloe dun sa dalawang alipores ni Ginger

"Paano kung ayoko?" Sabi nung makapal yung make up.. Sunny yata?

"Pwedi ba? Itigil nyo na yan! Wala namang ginagawang masama yung tao eh!" Galit na sigaw ni Cloe sakanila

Shit! Bakit kasi hindi ako marunong lumaban? Lagi nalang akong naaapi..

"Wala nga syang ginawa. Pero mainit yung dugo ko sakanya eh.. Alam mo yun? Sa tuwing nakikita ko yung mukha nya nasisira yung araw ko!" Naiinis na sabi ni Ginger kay Cloe at nag nod naman yung dalawang alipores nya

"Y-yun lang ba? Tss! M-masyado ka naman palang se-sensitive. E-edi wag mo nalang akong tignan para ma-masaya" nauutal kong sagot sakany

"Hahahahaha...." Tawa nung tatlo

Baliw na yata sila..

"Tumigil na kayo!" Sigaw ni Cloe at lumapit sya sakin para alalayan akong tumayo

Habang nagtatawanan yung tatlo. Bigla nalang may dumating na limang lalaki.. Hindi ko sila kilala pero sure akong sila yung kanina

"What's going on here?" Takang tanong nung nakasalamin na bilog. Basta yun! May kasama syang apat na lalaki sa likod nya gwapo naman silang lahat pero yung kanina talaga yung nakakuha ng atensyon ko hihihi..

Yung isa may lollipop yung isa naman kulay brown na gold yung buhok yung isa yung parang pinaka leader parang ganun tas yung nag sabi ng 'what's going on here?' Tas yung isa naman hihihi... Yung kulay blue yung mata gosh ang gwapo nya ^_^

Bigla naman napatingin sa direksyon ko yung blue yung mata? Ghad! Nakakatunaw yung tingin nya hehe..

Balik na tayo dun sa kanina...

At Pagkasabi nya nun biglang tumigil yung mga tatlong babae at parang nabigla.. Dahil sa hindi na sila gumalaw hahaha...

"Tara na" sabi sakin ni Cloe. Nakakuha naman kami ng tyempo kaya nakaalis kami. Pero bago pa kami makaalis dun, bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko ng napatingin sakin yung medyo parang matanda sakanilang apat.. Parang matanda ng Dalawang taon ganon? Basta yun imaginine nyo nalang :-)

"Teka.. Mauna kana Cloe may kukunin lang ako saglit sa locker ko" sabi ko kay Cloe at ngumiti

"Sasamahan na kita. Baka kung mapano kapa nyan eh" nag aalalang sagot nya sakin

"Hindi sige na mauna kana" sabi ko at ngumiti uli

Huminga muna sya ng malalim at nag nod nalang.. Habang naglalakad ako parang nararamdaman ko na may sumusunod sakin. Pinabayaan ko nalang..

Buti nalang wala na yung tatlong babae haha naistack ball yata dun

Pagdating ko sa locker area pumasok ako dun at bubuksan na sana yung locker ko ng bigla bumukas yung pinto at sumara sabay tunog nung lock

Kinabahan ako dun baka magnanakaw or something. Madilim pa naman dito huhu T_T

Bigla bigla nalang may nanghila sakin sabay sandal sa dun sa pinto.. Chakit! T_T

Shit! Nararamdaman ko yung hininga nya sa leeg ko..

Tas nararamdaman ko na parang lumalapit yung mukha nya sakin..

...Hangang sa dumikit yung malambot at mainit nyang labi sakin..O_o

Gosh! Yung first kiss ko huhu T_T

Hoy! Kahit na mala nerd ako may feelings pa rin ako no! Tska big deal sa mga babae yung first kiss nila..

Tulad ko..

Kahit na! Babae pa rin naman ako no? Respeto naman uyy! Bigla bigla ka nalang nanghahalik ng walang paalam

Hindi na ako makagalaw simula ng idikit nya yung labi nya sa labi ko..

Bigla nalang syang humiwalay at lumabas... Huh!? Ano!? Paano!? Sino!?

Shete! Naistack ball ako sa kinatatayuan ko...

No! Dapat ipaglaban ko yung first kiss ko! OA na kung OA pero yun yung totoo..

Waaah!! My first kiss T_T

Tumakbo ako palabas ng locker area at hinanap yung nanghalik sakin at nahagip ng mata ko yung lalaking may lollipop

So ikaw pala yung nanghalik sakin? Humanda ka..

Hinila ko yung braso nya ng buong lakas ko para maiharap ko sya sakin.. Poker face lang sya. Duh!? Ano yun? Wala lang sakanya? Tss

"Hoy! Ikaw lalaki ka!" Dinuroduro ko pa sya habang sinasabi yon

"Oo ikaw! Anong karapatan mong halikan ako ha!? Ni hindi ka man nagpaalam bago mo gawin yon!? Ano ka sinuswerte!?" Galit na sigaw ko sakanya.. Buti nalang wala na yung mga istudyante kundi patay ako.. Bagong salubong nanaman bukas

"Halikan!? Yuck!? Mandiri ka nga! Kahit kailan hindi kita hahalikan eh!" Naiinis na parang nandidiring sabi nya sakin

"Wow ha? Wow lang! Ikaw nga yung naghahalik tas may pa yuck yuck ka pang nalalaman!" Naiinis na talaga ako dito nagde deny pa eh huling huli naman╰_╯

Bigla nalang syang nag smirk at..

"May gusto ka sakin no?" Sabi nya habang naka smirk

Hanuh daw?

"Yuck! For your information pwet mong may lotion pag nagka impection congratulation! Hinding hindi ako magkakagusto sayong panget ka!" Naiinis na talaga ako dito!

"So ako pa yung panget? Palitan mo na nga yang salamin mong makapal baka malabo na!" Ohh no!

"Ha.Ha.Ha." yun lang yung nasabi ko pero hindi pa ako tapos

"Tulong!! Rape! Rape! Tulong! Waaaah!!" Nagsisisigaw ako ng rape hahaha bahala sya sa buhay nya kuhanin ba naman first kiss ko? Ok na sana kung dun sa blue eyes eh pero hindi dito pa sa ugok na mayabang na to

Parang nalilito sya sa mga pinagsasabi ko hangang sa bigla nya nalang ako binuhat na parang sako at dinala sa parking lot pasakay sa kotse nya!

Waaah! Rape! Rape!

"Pagbabayaran mo to!!" Galit at parang nanggigigil na sabi nya sakin

Waaah! Saan nya ako dadalhin huhuh! Hindi to pwede...


Itutuloy...

---

A/N: So yan guys! Sorry sa mga typos at wrong grammar. Paki intindi nalang ng mabuti :)

Don't forget to vote and comment :)





That NERD is the long lost PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon