Chapter nine. Standford Family
Mika's Pov
One month! One month na kaming 'NAGPAPANGGAP' na mag on ni Ethan, One month na rin kaming laging nagsasama, minsan may tampuhan, minsan naman nagbabangayan. One month na rin akong naiisyu sa Standford Academy hahaha..
Araw araw, pag pumapasok na ko lagi nalang masama ang tingin sakin ng mga istudyante, minsan din nakakasama ko yung apat na barkada ni Ethan.
Masaya sila'ng kasama. Lalu na sila Adrian at Lourenz, pero yung Zyrelle? Wierd! Si Ace naman... Hihihi^_^ Wag kayong maingay no? Aaminin ko na 'Crush' ko sya
Shhh.. Nalang kayo! >_<
Si Cloe, minsan hindi ko sya nakakasama busy daw kasi sya dun sa parlor nila.. Wala daw kasi yung Mama nya kaya sya na muna yung nagbabantay, nasa ibang lugar daw kasi yung mga magulang nya, may business trip daw.
So yun nga! Minsan naman pupunta sya samin, sinusundo nya ako tapos dinadala nya ako sa mall, para daw makabawi sya. Pinamimili nya ako ng mga dresses sa boutique nila, kaso hindi ko naman sinusuot. Eh sa maiikli eh! Tsaka nakakahiya kaya'ng isuot, sure akong hindi naman bagay sakin-_-!By the way, nandito kami sa Mall ni Cloe ngayon hindi na kami bibili ng damit kakain muna kami sa... Jollibee! Tutal sunday naman
"Hanap muna tayo ng pwesto" sabi ni Cloe. Marami-rami ding tao ngayon dito kahit na hapon na
"Ako ng magoorder" alok ko kay Cloe, kahit na hibdi ko naman alam kung paano. Pero natandaan ko pa naman nung dinala ako nila mama at papa sa Jollibee. Nakahanap pala kami ng pwesto sa may bandang likuran
"Hindi! Samahan nalang kita" sabi nya at may tinawagan sa isa sa mga staff at pinareserve nya yung pwesto namin
"Hi Ma'am good afternoon, ano pong order nyo?" Tanong nung nasa counter pagkapunta namin dun at nag smile pa
"Dalawang Coke float, dalawang sundae, dalawang rice, and one bouqet of chicken" sabi ko at bahagyang natawa si Cloe sakin
"Ok na ba?" Tanong ko at nag nod lang si Cloe sakin habang natatawa parin. Teka may nakalimutan pa pala ako
"Ayy! Tsaka narin pala dalawang 'HAPPY MEAL' " Pagkasabi ko nun bigla nalang natawa si Cloe tsaka yung nasa counter. Luh!?(A/N: Hoy Mika walang 'Happy Meal' dyan tangek!)
Ayy! Wala ba?
"Hahaha.. Ma'am sorry po pero wala pong 'Happy Meal' dito hahaha" tawang tawang sabi sakin nung babae sa counter
"Ayy! Hehe wala ba?" Sabi ko at pilit na ngumiti
Nagnod lang sya, napatingin naman ako kay Cloe na halatang kanina pa pinipigilan ang pagtawa nya
"Tawa kana!" Sarkastiko kong sabi sakanya
"HAHAHAHAH!!" Lakas ah! Napatingin na nga yung ibang tao kay Cloe sa kakatawa nya ng malakas
"Lika na nga!" Sabi ko at akma na syang kakaladkarin ng bigla syang nagsalita
"Eto po yung bayad" sabi nya at ngumiti dun sa babae sa counter
"Ok Ma'am, Dalawang Coke float, dalawang sundae, dalawang rice, and one bouqet of chicken!" Sabi nya at parang may sinulat dun sa parang computer
"Lika na!" Sabi sakin ni Cloe pagkabigay sakanya dun sa sukli
Pagkaupo namin bigla nalang tumawa ng tumawa si Cloe
"Luh!? Anyare sayo?" Takang tanong ko sakanya
"Hahaha.. Wa-wala.. Ka-kasi ikaw.. Hahaha..." Sinabi nya sakin yon habang dinuro nya pa ako
"Ma'am this is your order" sabi nung staff samin at nilagay yung pagkain sa mesa.. Haha ang cute nung boy
BINABASA MO ANG
That NERD is the long lost PRINCESS
Genç KurguIsang nerd na babae ang laging binubully ng mga istudyante sa Standford Academy. Isang babae'ng mabait, matalino at talented. Hindi hamak na mas maganda pa sya sayo! Haha.. Isang babae na hindi inaakala na sya pala ay ang THE LONG LOST PRINCESS