Chapter Ten. Selos?
Ethan's Pov
Nandito ako ngayon sa side ng bahay nila Mika para sunduin sya, ng makita kong may nagparadang isang Ferrari na kulay black sa harap ng bahay nila Mika. Pamilyar yung kotse na yon.. Binuksan ko yung bintana ng kotse ko.
Nakita kong lumabas si Mika sa gate ng bahay nila. Napangiti naman ako ng makita nya rin ako, tatawagan ko na sana sya ng...
"Hi Mika!" Sabi sakanya ni...
"Ace!?" Gulat na tanong ni Mika kay Ace. Sabi na nga ba! Pumunta na naman to'ng lalaki'ng to dito! Psh!
"Sabay kana sakin" sabi ni Ace kay Mika at sabay ngiti. Tss! Eto talagang Ace nato
"Ha? A-ahh.. Pe-pero.." Nauutal na sabi ni Mika. Bumaba ako ng kotse ko para puntahan sila, hinawakan ko yung kamay ni Mika para lumapit sya sakin
"Sakin sya sasabay!" Inis na sabi ko kay Ace. Tumingin naman na parang nangaakit si Ace kay Mika, napatingin naman ako kay Mika at.. Eto pang isang to! Namumula sa kilig! Psh! Mas gwapo naman ako kay Ace
"A-ahh.. E-ethan.. Sa-sabay na ako ka-kay Ace" sabi ni Mika at nag puppy eyes pa. Aish!
Tinignan ko ng masama si Ace, at eto namang loko ngumisi lang
"Let's go?" Sabi ni Ace kay Mika at nagpapacute pa ang loko
Tumango lang si Mika kay Ace. Akma na sanang pupunta sa pwesto ni Ace si Mika ng hilain ko sya
"Sakin sya sasabay!" Madiin na sabi ko
"Mika.." Sabi naman ni Ace at parang nagtatanong kung kanino sasama sa aming dalawa si Mika
"E-ethan.. Sa-sakanya nalang a-ako sasabay" sabi naman ni Mika
Langya!
Inirapan ko nalang silang dalawa at pumasok na sa kotse ko sabay harurot. Nakakabadtrip! Malalagot tong Ace na to pagdating sa School
---
Ace's Pov
Habang nasa kotse kami.. Walang nagsasalita saming dalawa ni Mika.. Hindi ko alam pero bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko ng nagtama ang mga mata namin
"Amm.." Sabay na sabi namin ni Mika.
"May sasabihin ka?" Tanong ko sakanya
"A-ahh.. Bu-buti naisipan mong su-sunduin ako?" Nahihiyang tanong nya sakin
"Balak naman talaga kitang sunduin, hindi lang ako nakapagtext sayo kagabi kasi may inasikaso lang ako" sabi ko sakanya at ngumiti
"Ahh ok" sabi nya at tumingin sa daan
"Mika, buti nalang at saakin ka sumabay?" Tanong ko at tumingin saglit sakanya, sa daan pa rin sya nakatingin
"Ha? Ahh.. Ka-kasi.." Nahihiyang sabi nya. Hahaha ang cute nya talaga! ^_^
"It's ok! Mamaya mo nalang sagutin, nandito na tayo" sabi ko at bumaba ng kotse at pinagbuksan sya ng pintuan
....
Pagpasok namin sa Academy, ang dami nanamang nakatingin sakin..
Pagpasok sa room.. As usuall masama ang tingin sakin ni Ethan
Psh! Napaghahalata kana brad!
----
Mika's Pov
Nandito ako ngayon sa room at nagpapasahan ng masasamang tingin sila Ace at Ethan
Hindi ko pa pala nasabi sainyo.. Nalipat na yung schedule ko simula ng makasam ko yung lima pati na rin si Cloe
BINABASA MO ANG
That NERD is the long lost PRINCESS
Ficção AdolescenteIsang nerd na babae ang laging binubully ng mga istudyante sa Standford Academy. Isang babae'ng mabait, matalino at talented. Hindi hamak na mas maganda pa sya sayo! Haha.. Isang babae na hindi inaakala na sya pala ay ang THE LONG LOST PRINCESS