Chapter 11. Care
Mika's Pov
Naglalakad ako ngayon papunta sa room namin, ng may biglang nagbato ng kung ano sa likod ko..
Pagkatingin ko.. Yung mga G.S.M girls pala.. Marami silang kasamang mga istudyante sa likod nila at may dala dala silang basket na hindi ko alam yung laman
"Ang landi mo talaga no!? Pagkatapos kay papa Ace kay Ethan!?" Pasigaw na sabi ni Ginger
"Tama! Kasama nya rin kahapon si Zyrelle my loves!" Sabi ni Miranda at kinuha nya yung cellphone nya at kinalikot.. Pagkatapos iniharap nya kay Ginger yung cellphone nya at bigla nalang namula yung tenga ni Ginger ng makita nya kung ano yung nasa cellphone
"Walanghiya kang malandi ka!!" Sabi nya at sinampal ako.. Masakit! Sobra!
"Look!" Sabi nya at pinakita yung cellphone sa mga istudyante sa likod. At dun, nagsimula na silang mag ingay.."Malandi!"
"Ang landi mo talaga Mika!"
"Ang pangit na nga! Ang landi pa!"
"Slut!"
-
Hindi ko na narinig yung mga sinabi nila ng hilain ni Ginger yung buhok ko at kinaladkad ako kung saan
"Ano ba!? Nasasaktan ako Ginger!" Yung anit ko!
Binitawan nya yung buhok ko kaya nakita ko kung saan nya ako dinala.. Sa likod ng Academy, walang masyadong istudyanteng dumadaan dito.. Kaya malabong may makakita samin
"Do it!!" Sigaw nya at umalis kasama yung alipores nya
Wag!
Pinagbabato ako ng mga istudyante na hindi ko alam kung ano.. Napayuko nalang at napatalikod nalang ako sa sakit.. Mga itlog at kamatis yung ibinabato nila sakin. May tumatama din sa ulo ko kaya napaluhod nalang ako sa sakit, nahihilo na ako!
"Tama na.." Halos pabulong nalang na sabi ko kaya imposibleng may makarinig sakin
"Tama lang sayo yan! Malandi ka kasi!"
"Yan ang napapala ng mga malalanding katulad mo!"
"Mangaagaw!" Mangaagaw!?
Tama na please.. Masakit na yung katawan ko.. T_T
Please...
"Sige! Batuhin nyo lang ako hanggang sa magsawa kayo!!" Dahilan para mas lalo pa nilang lakasan ang pagbato nila sakin at mas lalo pang dumami..
Ayoko na!...
----
Ethan's Pov
Nandito ako ngayon sa room at hinihintay na pumasok si Mika. Pero hanggang ngayon hindi wala parin sya
Lumapit ako sa kaibigan nya na si Cloe at nagtanong
"Cloe hindi mo ba kasama si Mika?" May halong pag-aalala na tanong ko, kasi hindi pa yon nag-absent pero minsan nalelate lang sya. Pero pumapasok yun
"Hindi eh, kanina ko parin sya hinahanap, tinawagan ko narin sya pero nakapatay yung phone nya" sabi nya
Fvck! Nasaan naba yung babaeng yon!?
"Ethan! Tignan mo to!" Pasigaw na sabi ni Ace sakin
"Ace, pwede mamaya nalang yan?" Inis na tanong ko, mas uunahin ko muna si Mika kaysa dyan
BINABASA MO ANG
That NERD is the long lost PRINCESS
Teen FictionIsang nerd na babae ang laging binubully ng mga istudyante sa Standford Academy. Isang babae'ng mabait, matalino at talented. Hindi hamak na mas maganda pa sya sayo! Haha.. Isang babae na hindi inaakala na sya pala ay ang THE LONG LOST PRINCESS