5

4.7K 163 25
                                    

[A/N : HAPPY FATHER'S DAY SA LAHAT NG TATAY SA MUNDO! LALONG LALO NA SA PAPA. I LOVE YOU PA! HAPPY FATHERS DAY!…]

-----
Chapter 5

"Nakapagpaalam kanaba sa pamilya mo?" tanong ni sir Vhan sakin. Isang linggo na ang nakakaraan buhat nung pumayag ako sa gusto nya. Nakalabas narin ng ospital ang aking ama. Sya na rin ang gumastos sa lahat ng naging bayarin nito sa ospital.


"Opo." tipid na sagot ko habang inilalapag ang kapeng ipinatimpla nya sakin.

Ayon kasi sa kasunduan namin dalawa. Sakanya na ako titira, bukod sa pagiging sekretarya ko ay magiging katulong nya rin ako sa bahay nya.

"Good." sagot nito habang sinisimsim ang kanyang kape. "Huwag ka ng magdala ng maraming gamit. Bumili nalang tayo."

Ilang ulit kong ikinurap ang aking mata dahil sa nakita kong pag guhit ng ngiti sakanyang labi. Ngunit nawala rin kaagad at nagbalik ang blangko nyang ekspresyon.

"Ah. Sir. May ipag uutos pa po ba kayo?" tanong ko. Tumingin sya sakin at ngumisi.


"Oo." sagot nya.

"Ah. Eh. Ano po yun?" naiilang na sagot ko dahil di ki gusto ang paraan ng pagtitig nya sakin.

"Halikan mo ako." laglag ang panga ko dahil sa sinabi nya.

Ano daw yun? Halikan ko daw sya?

Lumunok ako at tiningnan sya kung nagbibiro ba sya. Nang makita ko ang kasersyosohan sa kanyang mukha ay lumapit ako upang sundin ang kanyang iniuutos.

Ngunit nang akmang hahalikan ko na sya ay napahalakhak sya kaya natigil ako sa dapat kong gawin.

"Seriously Samanthan.. Hahalikan mo talaga ako?" manghang sabi nya. Kagat labi akong tumango. Syet naman! Kiss na. Nawala pa. "Bakit?" tanong nya.


"Kasi po. Iniutos nyo." nahihiyang sagot ko.

"So lahat ng iuutos ko sayo? Susundin mo?" tila parin sya hindi makapaniwala sa aking naging sagot.

"Opo." sagot ko sabay tingin sa kanyang mga mata. "Pag aari nyo po ako sir Vhan kaya lahat ng iutos ninyo sakin buong puso ko iyong susundin." nakita ko ang paglamlam ng kanyang mga mata at ang pag iwas ng kanyang tingin sa akin.

Tumikhim sya at nagsalita na hindi tumitingin sakin.

"Sige na Sam. You may go now." tumango lang ako kahit alam kong hindi nya iyon makikita. Naglakad ako palayo sakanya at dahan dahan isinara ang pintuan. Ngunit bago pa ito tuluyang lumapat ay nagkasalubong ang aming mga titig hanggang sa naputol na ito dahil sa pagsara ng pintuan.

Pagkarating ko sa aking pwesto ay napahawak nalang ako sa dibdib ko. Sobrang lakas ng tibok nito. Pakiramdam ko ay may dewendeng nagtatambol sa loob nito.


Inlove na talaga ako sakanya.....



IVAN TROY (VHAN) POV

Napasandal nalang ako sa swivel chair nang tuluyan ng mawala sa paningin ko si Samantha. Hindi ko alam kung ano ba ang meron sakanya at gustong gusto ko syang nakikita. Kahit minsan ay naiinis ako sa ugali nya.

Kung itatanong nyo kung bakit ko sya binibinili. Ay dahil nais kong tulungan sya. Alam ko napakalaking pera ang aking inalok sakanya. Pero yun lang ang tanging paraan na naisip ko para mapa sa akin sya.

Kung ano ang dahilan? Ay hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay gusto ko syang protektahan at alagaan.

Binuksan ko ang drawer ng aking table at kinuha ang litratong itinago ko doon.

Napahaplos nalang ako sa mukha nya. Kahit kailan ay ganito parin ang epekto nya sa akin. Sobrang miss na miss ko na sya ngunit tinitiis ko ang wag nang magpakita pa sakanya. Ayoko ng ipagpilitan ang sarili ko sa kanya. Lalo na at ikinasal na silang muli ng aking kapatid.


"Steph. Masaya kanaba sa piling ng kapatid ko? Sana ay oo. Dahil ayokong masayang ang pagpaparaya ko para sayo." iniangat ko ang larawan nya at hinagkan ito. "Mahal parin kita Steph. Mahal na mahal. Hindi ko alam kung magagawa ko pabang makalimutan ka."

Napadukmo nalang ako sa aking lamesa. Akala ko ay ganun kadali ang kalimutan sya, akala ko ay mawawala rin ang sakit kapag iniwasan ko sya. Pero nagkamali ako. Habang tinitikis ko sya ay mas lalo ko lamang syang minamahal..


"Sir hinahanap po— Sir! Ano pong nangyari sa inyo." narinig ko ang mga yabag nyang papalapit sakin. "Aray!" rinig kong daing nya.

Kaagad kong ipinahid ang luha sa aking mga mata at tumayo upang lapitan sya.


"Tss. May patakbo takbo kapa kasing nalalaman e nakaheels ka naman. Ayan tuloy nahulog ka." inalalayan ko syang makatayo at idinala sya sa may sofang naroon.


"Kahit naman po maglakad ako. Kung nakatakdang madulas ako. Mahuhulog at mahuhulog talaga ako kahit anong pagdahan dahan pa ang gawin ko." nakita ko ang pag ngiwi nya ng tanggalin ko ang sapatos nyang may matulis na takong.

"Tss. Kahit mag ingat ka man lang." hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng pagkairita dahil sa nangyari sakanya. Sadya kasing may katangahan ang babae na to. Kaya minsan inis na inis ako sakanya.

"Sir. Okay lang po ako. Hindi naman po masakit e." kita ko ang pagsisinungaling nya. Napakadaling basahin ng babae na to.


"Lahat ng iuutos ko,susundin mo. Right?" tumango naman sya. "So simula ngayon. Inuutusan kitang mag ingat. Kapag nakita kong nadulas ka ulit. Hahalikan na kita."

Nagulat ako ng bigla syang tumayo at nagpasadyang magpadulas.

"Paano ba yan Sir? Nadulas ako ulit? Nasaan na ang kiss ko?" nakangising sagot nya.

Napailing nalang ako.

Naughty Girl...

TAMING MY BOSS (HEARTLESS SERIES # 3 IVAN TROY & SAMANTHA STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon