26

2.7K 73 28
                                    

Kabanata 26

Nagtatawanan kaming dalawa ni Dave habang naglalakad papunta sa Burnham park. Sasakay daw kami sa bangka.

"Alam mo sa sobrang payat mo. Pwede ka ng gawing sagwan." Tudyo nya sakin. Siniko ko sya at sinimangutan.

"Grabe kang makalait sakin ha." Ang tawa ko ay nauwi na sa inis. Ang galing kasi nyang mangbuska.

"Joke lang." Pinindot nya ang tungki ng ilong ko kaya tinampal ko ang kamay nya.

"Sumosobra kana ha! Kanina nilalait mo ko, ngayon naman sinasaktan mo na ko." Sabi ko sabay irap. Tinawanan nya lang ako kaya mas lalo akong nainis.

"You know. I can't do that. Hurting you was'nt on my list." Kung kanina ay naiinis ako sakanya ngayon ay nagkaroon ako bigla ng hiya. Umiwas ako ng tingin sakanya at nagpatiuna ng maglakad. Bakit ba bigla bigla nalang nyang sinisingit ang mga ganoong bagay?

"Dalian mo Dave. Baka wala tayong masakyan na bangka." Halos magkanda dapa dapa pa ako para lang makalayo sakanya.

"Hey! Wait!" Natigil ako sa paglakad ko ng hilahin ni Dave ang braso ko. Muntik na akong matumba kundi lamang ako bumagsak sa dibdib nya. Shit!

Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko upang magpantay ang mga mata namin.. Na sa huli ay pinagsisihan ko.

Para akong tinamaan ng malakas na mahika habang nakatitig sakanya. Hindi ko alam kung anong meron sa mga mata nya at diko kayang alisin ang tingin ko sakanya.

"Ano? Narealize mo naba na mas gwapo ako sa lalaking kinababaliwan mo?" Tsaka lamang ako natauhan ng marinig ko syang magsalita. Tumikhim ako upang pawiin ang pagkapahiya. Inayos ko rin ang aking sarili.

What the hell was that? Bakit ganon ang mga mata nya? Parang.... Inaakit ako?

Umiling ako upang alisin ang imahe ng mga mata nya sa isip ko.

Alam kong nahihirapan ako kay Vhan. Pero wala akong balak na gumamit ng tao para lang makalimutan ko sya.

Kung wala talagang pag asa na maging kaming dalawa, hihintayin ko nalang na mapagod ang puso kong magmahal sakanya. That what love is. Right? You're willing to get hurt in the process of loving someone. And If you would never have him in the end. You must learn to let go.

Tsaka lamang ako nagbalik sa totoong mundo ng makita ko ang dalawang palad ni Dave na kumakaway sakin.

"Mukhang malayo na ang nalakbay ng isip mo ah." He smiled. But I sensed no humor in his eyes.

"Wala. Naisip ko lang. Alimango si Mr. Crab pero yung anak nya balyena." Pagbibiro ko. Nais kong pagaanin ang mabigat na presensyang nakapalibot sa aming dalawa ng mga oras na yun.

"Sira." Sabi nya sabay hila sa kamay ko. "Halika na."

Dahil hindi ako handa sa ginawa nyang paghila ay nawalan ako ng balanse.

Mabuti nalang at mabilis ang naging pag agap nya sakin.

Dumapo ang mukha ko sa dibdib nya.

"Sorry." Tila ako napaso sa pagkakadikit sakanya kung kaya agad akong dumistansya at sumakay na sa bangka.

Tumikhim sya at nanatiling nakahawak saking kamay.

"You know what, even though you're gonna fall a thousand times if you are with me, I will make sure to catch you no matter what it takes."

"Pwede ba tayong magpunta sa strawberry farm?" Pag iwas ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sakanya. Dapat ba kong magpasalamat o dapat akong mahiya.

"A'right." Rinig ko ang marahas nyang pagbuntong hininga. Walang nagbalak bumasag sa katahimikan kung kaya tila napakatagal ng mga sandaling iyon sa pagitan namin dalawa.

Hindi ko namalayan na oras na pala para kami bumaba.

"Ahm.. Dave.." Agap ko sakanya. Nauuna syang naglalakad habang nakasunod lamang ako sakanya.

"Are you mad?" Tanong ko. Hindi nga rin ako sigurado kung dapat ko bang itanong iyon. Wala naman dahilan para maramdaman nya iyon. Diba?

"Why would I?" Malamig na tugon nya.

"Wala lang. Natanong ko lang." Napatawa ako ng pagak. Sabi ko nga diba?

"You can't force someone to love us back. Like you to Ivan and me to you. I understand that you.." Sabi nyang walang lingod likod.

Napipilan ako ng bibig. Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ko.

Nawala rin ang bigat ng pakiramdam ko ng matanaw ko ang taniman ng strawberry.

Napaawang na lamang ang aking mga labi sa pagkamangha.

"Dalian natin!" Patakbo kong hinila ang kamay ni Dave. "Ang sarap nilang tingnan!" Pagpapatuloy ko.

"Don't rush. Hindi ka naman mauubusan nyan." Nilingon ko si Dave na nakasimangot. Napatawa nalang ako dahil tila sya isang bata na nagmamaktol.

"Bilis mo! Magselfie tayo!" Inilabas ko ang cellphone ko para kumuha ng litrato namin dalawa. Iba't ibang anggulo ang kinuha ko. Halos lahat ng kuha ni dave at nakasimangot.

"Ang pangit naman ng kuha mo! Nakakainis." Tatalikod na sana ako ng bigla nya akong ipihit pabalik sakanya.  Kinuha nya ang cellphone mo at kumuha ng litrato.

Litrato na nakaakbay sya sakin...

Litrato na nakadikit ang pisngi nya sa mukha ko...

At litrato na...

Nakadikit ang labi nya sa pisngi ko..

"There." Tila ako nabato balani at nawala sa katinuan. Ramdam ko ang pagbalik nya sa cellphone ko sa aking mga palad ngunit ako ay nananatiling naka estatwa.

"Galaw galaw baka ka ma stroke."

Argh!!!

TAMING MY BOSS (HEARTLESS SERIES # 3 IVAN TROY & SAMANTHA STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon