11

3.5K 122 10
                                    

Chapter 11

"Sam.." Napatingin ako kay Jade habang may dala dalang pagkain.

"Di pa ako nagugutom Jade." Sabi ko sakanya habang tinitingnan ang supot na pinaglalagyan ng pagkain.

"Sam hah!? Naiinis na ko sayo! May problema ka pero ayaw mong sabihin sakin!" Nakangusong sabi ni Jade. Sigurado akong nagtatampo nanaman sya sakin.


"Wala lang talaga akong ganang kumain." Pagsasabi ko ng totoo sakanya.

Akala ko matapos ang second kiss namin ay magiging mas malapit na kami sa isa't isa. Ngunit nagkamali ako. Mas lalo pang lumayo ang loob nya sakin. Yun ang dahilan kung bakit sobrang sama ng pakiramdam ko.

Ilang araw ko ng  napapansin na tila iniiwasan  nya ko kahit na magkasama lang kaming dalawa. Sinasabay nya ako sa sasakyan nya ngunit di nya ko kinikibo, ni ang tapunan ng tingin. Kinakausap lang nya ako kapag may kailangan syang itanong tungkol sa schedule nya o sa tuwing uutusan nya akong ipagtimpla sya ng kape.


Pumangalumbaba ako matapos maisip ang mga nangyayari nitong nagdaang araw. Mas na istress pa ako dahil dito kesa sa trabaho ko.


"Uy! Ano ba? Kanina pa kita tinatanong kung sasama ka samin sa pagse celebrate ng birthday ni Delyn." Si Delyn ay isa sa mga kasamahan namin na masasabi kong naging malapit samin ni Jade.


Gustuhin ko man pumayag ngunit iniisip ko na baka magalit si Sir Vhan. Lalo na at sa condo nya ako nakatira.

"Susubukan ko Jade." Sagot ko. Nakita ko ang inis na bumalatay sa mukha nya.


"Wag mong subukan. Gawin mo Sam." Tumalikod na ito sakin at nagsimulang humakbang. Ngunit tumigil rin at muli akong nilingon. "Kumain ka Sam. Wag mong pabayaan ang sarili mo. Hindi dahil sa ayaw sayo ng taong mahal mo ay magkakaganyan kana. Isipin mo nalang yung mga taong umaasa sayo. Yung mga taong nagmamahal sayo. Ang pamilya mo at ako. Nandito pa kami Sam.."


Tila ako natauhan dahil sa sinabi nya. Tama sya. Hindi ko dapat gawing miserable ang buhay ko. Hindi man ako mahal ni Sir Vhan. May mga tao padin na nagmamahal at nagpapahalaga sakin.


Dumating na ang oras ng uwian namin. Nagtipa ako ng mensahe para kay Jade at kay Sir Vhan.

Inuna ko munang tinext si Jade.

Ako :

Jade, hintayin mo ako. Sasama ako.

Ako :

Sir, di po ako makakasabay sa inyo. Sasama po ako kila Jade.

Kaagad kong inayos ang gamit ko at nagpunta sa floor kung saan naroon si Jade at ang ibang kasamahan namin na sasama sa birthday party ni Delyn.

"Whoah! Sam! Mabuti naman at makakasama ka." Masayang sabi ni Delyn.

"Happy birthday Delyn. Sorry wala akong nahandang regalo para sayo." Nahihiyang turan ko.


"Ano kaba! Ayos lang yun. Hindi na ako bata para sa mga regalo na yan." Tumatawang sabi nya.

"Kumpleto naba tayo?" Tanong ni Shiano.

Lumapit ako kay Jade. Alam kong nagtatampo sya sakin dahil buhat nang magpunta ako sa departamento nila ay dipa nya ko tinitingnan.

"Jade. Nagtatampo kapa din ba?" Mahinang tanong ko. Kasalukuyan kasi kaming naglalakad papalabas sa building.


"Tss. Kung kaibigan mo ako Samantha. Hindi mo sosolohin ang problema mo. Tsaka ano yung natanggap kong text mula sa kapatid mo? Kinukumusta ka nila? Bakit? Di ka naba umuuwi sa inyo?" Sunod sunod na tanong nya.


Halos takasan ako ng dugo dahil sa mga tanong na iyon. Paano ko ba sasagutin yun ng hindi nagbabago ang tingin nya sakin? Maiintindihan nya ba ako? O iisipin nyang isa akong bayarang babae?


"Sam.. Alam kong hindi na saklaw ng pagkakaibigan natin ang mga pribadong bagay sa buhay mo. Pero kung sobrang nabibigatan kana sa pagdadala ng mga ito. Wag mong kakalimutan na narito lang ako.. Handang makinig sayo ano mang oras.."


Niyakap ko si Jade ng mahigpit. Nagpapasalamat ako dahil mayroon akong kaibigan na kagaya nya.

"Wag kang mag alala. Sasabihan kita kapag hindi ko na talaga kaya." Sabay kaming napangiti.


Patay sindi ang ilaw, mahaharot na saliw ng musika, amoy ng pinaghalong alak at sigarilyo. Yan ang bumungad samin pagkapasok pa lamang namin sa Patio. Hindi na bago sakin ang ganitong amoy dahil minsan narin akong nakapasok sa ganitong lugar nung minsan na mag apply ako bilang waitress.


"Dito tayo guys!" Pasigaw na sabi ni Delyn habang tinuturo ang pahugis C na upuan.


"Hi Sam." Bati sakin ni Hanson. Hindi kami ganoon ka close dahil medyo na yayabangan ako sa ugali nya.


"Hello Hanson." Tipid ngiti na bati ko. Napapagitnaan nila akong dalawa ni Jade.

"Kamusta? Single ka parin ba?" Tumatawang saad nito. Nakalapit ang labi nya sa tenga ko upang marinig ko siguro ng mabuti ang sinasabi nya.


"Oo. Wala kasi akong time makipaglokohan." Seryosong sabi ko. Naiinis kasi ako sa ere nya. Feeling gwapo. Though, gwapo naman talaga sya. Halatado rin na playboy. Kaya di malabong fuckboy din sya.


Biglang sumeryoso ang mukha nya at mariin na tumitig sakin.


"Bakit? Kung magseseryoso ba ako? Papayag kana bang ligawan kita?" Tila nananantyang tanong nya.

Napairap nalang ako dahil napakalaking kaimposiblehan ang sinasabi nya.


"That's impossible Hanson. Malabo ng magbago ang mga katulad mo." Sarkastikong sabi ko.


"Why dont you try me Sam? Alam mo naman na matagal na akong nagpaparamdam sayo. Pero napaka ilap mo sakin. Palagi ka nalang galit sakin kahit na wala naman akong ginagawang masama sayo." Tila nagdaramdam na sabi nya.

Napataas naman ang kilay ko dahil halatadong binobola lang ako nito.

"Pwede ba Hanson? Wala ako sa mood makipag bolahan sayo." Asar na sabi ko sabay kuha ng tequilla na naroon. Ramdam ko ang init nito pagdating sa lalamunan ko. Kumuha ako ng asin at lemon upang maibsan ito.

"Sam. Tara sayaw tayo sa dance floor!" Yaya sakin nila Delyn. Umiling ako habang tumatawa. Nakaka apat na shot na ako ng tequilla. Hindi ganon kataas ang alcohol tolerance ko kung kaya medyo umaalon na ang tingin ko.

"Lika na! Wag kang KJ!" Hinila ni Jade ang kamay ko kung kaya wala na akong nagawa kundi ang magpatianod nalang.

Pagdating namin sa dance floor ay halos magwala na ang mga kasama ko. Natatawa lang ako habang sinasabayan sila.

"Ano kaba Sam! Para kang tuod dyan!" Sigaw ni Jade. Natawa ako sa sinabi nya. Wala akong hilig sa pagsasayaw kahit na malambot naman ang bewang ko.

Nagulat ako ng biglang may braso na pumulupot sa bewang ko at hinapit ako papalapit sa katawan nya. Dahil nakatalikod ako mula rito kung kaya diko makita kung sino ba ang nakayakap sakin.


"S-Sino ka.." Nalilitong tanong ko. Nakita kong natigilan ang ilan sa mga kasamahan ko at nakatingin na lamang sakin at sa taong nasa likod ko.


Ramdam na ramdam ko ang hininga nyang tumatama sa tenga ko. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa bewang ko..



"I called you one million times. But you did'nt answer my call! Dammit! And you're here grinding and swaying while those assholes fantasizing about your body! How was that? Hmm. Sam?"


Nanigas ang katawan ko. Hindi dahil sa yakap nya. Kundi dahil sa galit na naramdaman ko sa bawat katagang binibitawan nya.


"Let's go home." Kinalas nito ang pagkakayakap sakin at hinawakan ang kamay ko. Nilingon ko ang mga kasamahan ko na ngayon ay pare parehong nakanganga habang pinagmamasdan kaming lumalayo mula sakanila.


TAMING MY BOSS (HEARTLESS SERIES # 3 IVAN TROY & SAMANTHA STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon