30

1.5K 47 2
                                    

Chapter 30

Hindi ko alam kung ano ba ang dahilan ng pagbabago ni Sir Vhan. Parang ibang tao ang nakakaharap nitong mga nagdaang araw.

Gusto kong magtanong sakanya ngunit wala akong lakas ng loob. Ayokong paasahin ang sarili ko na baka mahal na nya ko.

Napatawa ako dahil sa naisip ko. Natigil lamang ako ng magkasalubong ang mga mata naming dalawa.

Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipag sabayan sa titig nya.

"What is it?" Natigil ako sa gagawin kong pagsubo dahil sa biglaang tanong nya.

Sabay kaming kumakain ng tanghalian sa kwarto nya. Palaging ganito ang eksena namin dalawa. Minsan ay sa may garden naman nila kami nakatambay. Pero syempre dahil nga sa sitwasyon nya ay kailangan ko syang alalayan na makapaglakad.

Umiling ako at itinuloy ko ang pagsubo na natigil kanina dahil sa biglaang tanong nya.

"Nababaliw kanaba?" Panibagong tanong nya. Nag angat ako ng tingin sakanya at naroon parin ang pagkakakunot ng noo nya.

"Matagal na kong baliw, Sir." Uminom ako ng tubig at tumayo upang itabi ang pinagkainan ko.

Inayos ko ang plato na may prutas at inilapit sakanya.

"Bakit nga pala ang bait mo na sakin? Mahal mo naba ko, Sir?" Nasamid sya sa biglaang tanong ko. Timing na umiinom pala sya ng tubig. Gusto kong matawa ngunit mas nangibabaw ang pag aalala ko sakanya dahil sa sobrang pamumula na ng mukha nya dahil sa pag ubo.

"Sorry, sir. Okay kalang ba?" Dahan dahan kong hinimas ang likod nya habang iniaabot sakanya ang tissue.

"Oo." Tipid na sagot nya. Habang pinupunasan ang bibig nya.

"I'm done eating, Sam." Kinuha ko ang mga pinagkainan at lumabas. Iniwanan ko ang tubig at prutas na nasa plato para makain nya.

Hindi muna ako bumalik sa kwarto nya. Pumunta ako sa kwartong tinutuluyan ko at kinuha ang laptop ko.

Medyo matagal tagal na rin ng huli kaming nagkausap ni Jade. Gusto ko rin kamustahin ang sitwasyon nya ngayon habang wala ako.

"Ano? Babalik kanaba dito?" Yamot na mukha ni Jade ang bumungad sakin ng tawagan ko sya sa facetime.

"Grabe naman. Wala bang hello man lang?" Dumapa ako habang nakaharap sa laptop.

"Ano bang balita sa pagpapakatanga mo dyan sa Vhan na yan? Hanggang ngayon ba baliw kapa rin sakanya? Akala ko ay nagkaroon ng improvement sa relasyon nyo ni Dave." Tumayo saglit si Jade na tila may kinuha sa may drawer nya.

Napakunot ako ng noo dahil sa hawak nyang sigarilyo at lighter. Kailan pa natutong manigarilyo si Jade?

"Jade..."

"Oh. Sorry." Pinatay nya ang sigarilyo bago muling nagsalita. "I'm so disappointed, Sam. Bakit mo naman binasted si Dave. Hindi mo man lang sya binigyan ng pagkakataon na maiparamdam sayo na mahal ka nya. Bakit mas pinili mo parin ang taong patuloy na nananakit sayo? Is he worth it? Lahat ng mga sakripisyo na ginawa mo? You gave up everything, Sam. May napala kaba?"

Napipilan ako dahil sa mahabang litanya nya. Napaupo ako mula sa pagkakadapa ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago sumagot sakanya.

"Love takes time. Sabi nga sa kanta. Hindi ko kayang sukuan sya, Jade. Hindi ko alam kung bakit pagkatapos ng lahat ay nandito parin ako para sakanya. Siguro titigil nalang ako kapag napagod na ko talaga at kung wala ng pag asa."

Napatawa si Jade dahil sa sagot ko.

"Bakit? May pag asa kaba talaga? Baka naman ikaw lang ang nag iisip na may pag asa na maging kayo. Wake up, Sam. Please.  Wake up. Save yourself. Masyado ka ng nahihibang sakanya. Marami pang iba, Sam. Andyan si Dave. Mahal na mahal ka. Lahat ginagawa para sayo. Give him a chance.."

Tumango tango nalang ako dahil hindi ko gusto na makipagtalo sakanya. Base rin kase sa nakikita ko ay wala rin sa mood si Jade para makipag usap sakin. Nawalan tuloy ako ng ganang ikwento sakanya ang pag babago ng pagtrato sakin ni Sir Vhan.

"Take care, Jade. Kung may problema ka, nandito lang ako handang makinig sayo." Nakita ko ang bahagyang paglamlam ng mga mata nya kung kaya sigurado akong may mabigat syang dinadala.

But Jade is'nt the type of person na ioopen nya sayo kung ano man ang nagpapagulo sa isip nya o nagpapabigat sa pakiramdam nya.

Sobrang bilib ako kung paano nya ihandle ang emotion nya. She's really a fighter, a strong woman.

Pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila ni Nico. Pinakita nya sakin kung gaano sya katatag na maging ang kahit ano pang sitwasyon ay hindi sya matitinag.

"I'm okay. Don't worry. Ikaw ang mag ingat dyan palagi. Sorry sa inasta ko. Napagod lang ako."

Ilang minuto ng blangko ang screen ng laptop ko ay nanatili parin akong nakatitig doon.

Napahilot ako sa sintido ko ng maalala kung ano ang nangyari sa pag uusap namin ni Dave.

"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito? Magdedate ba tayo?" Tumatawang saad nya habang papalapit sakin.

Niyaya ko syang magkita kami sa isang mall na malapit sa lugar nila Sir Vhan. Tutal ay Linggo kung kaya libre ako sa araw na iyon. Dumating din sila Ma'am Steph kasama ang mga anak nila ni Sir Ivan. Kaya may family gathering sila. At ako? Outsider. Kaya mas mabuti narin na makipagkita ako sakanya.

"Gusto mo bang kumain muna?" Hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan ang sasabihin ko sakanya. Siguro ay mas mabuting kumain muna kami habang kumukuha ng bwelo.

"May gusto kabang sabihin, Sam?" Bakas ang pagkakaseryoso sa mukha ni Dave na mas lalong nagpakaba sakin. Kilala na nya talaga ako. Kahit sa simpleng pagsasalita ko lang ay alam na nya kung ano ba ang dahilan ng mga kinikilos ko.

"Spill it, Sam." Muling saad nya ng mapansin na wala akong balak magsalita.

"D-Dave.." Iniiwas ko ang tingin ko sakanya at yumuko.

Tumawa sya ngunit hindi mo mababakasan ng katuwaan mula roon.

"Parang alam ko na kung ano ang sasabihin mo, Sam."

"I'm so—" Hindi na nya pinatapos ang sasabihin ko. Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang labi nya na lumapat sa aking labi. Bumitaw ako mula sa halik nya at sinampal sya.

Naramdaman ko ang paghapdi ng palad ko dahil sa pagkakalapat nito sa pisngi nya.

"You will regret this, Samantha." Walang lingod likod syang umalis at iniwanan akong tulala parin dahil sa ginawa nya.

Hindi ko inakala na ang mahinahon na Dave na kakilala ko ay magiging marahas.

Napapikit akong muli at ipinilig ang aking ulo bago tumayo para bumalik sa kwarto ni Sir Vhan.

Naabutan ko syang nakahiga. Dahan dahan akong lumapit sakanya habang minamasdan syang payapang nakapikit. Hinaplos ko ang buhok nya pababa sa kanyang pisngi.

Nakaramdam ako ng lungkot habang nakatitig sakanya. Nakaramdam ako ng awa para sa sarili ko.

"Hanggang kailan ba ako manlilimos sa atensyon at pagmamahal mo?" Dahan dahan kong ibinaba ang mukha ko at hinagkan sya sa kanyang noo. Pumatak ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan ng lumapat ang labi ko sa kanyang noo.

Dali dali akong tumalikod at pinunasan ang aking luha. Ngunit natigilan ako ng maramdaman ang pagkakahawak sa aking kamay. Napasubsob ako sa dibdib nya dahil sa pagkakahila nya sakin.

"Hindi mo na kailangan manlimos, Sam. Para sayo handa akong sumugal ulit."

Dahan dahan akong napapikit ng iangat nya ang aking mukha palapit sa kanyang mukha.

Ito na ba ang pinakahihintay kong sandali? Nagbunga na nga ba lahat ng sakripisyo ko?

Ito na ba yon?



TAMING MY BOSS (HEARTLESS SERIES # 3 IVAN TROY & SAMANTHA STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon