Prologue

2.1K 56 3
                                    

Prologue

Tahimik ang kalyeng dinaraanan ko. Mayroong ilaw ngunit hindi iyon sapat upang masakop ang buong sidewalk. Bihira lang din ang dumadaan na mga sasakyan. Hindi naman ako kinakabahan sa mga ganito. Sa teleserye ko lamang nakikita ang mga masasamang pangyayari.

Napatigil ako sa tapat ng isang convenience store. Pumasok ako upang bilhin ang mga dapat kong bilhin.

Kukuha na sana ako ng fresh milk nang biglang tumunog ang cellphone ko. It's Ate Coleen.

"Hi, Ate."

[Hi, Nicomaine. Saan ka?]

"Convenience store. Why?"

[Nothing. Just checking up on you.]

"Do you need something? Are you okay?"

[Yes, I'm fine. Don't worry.]

"Okay..."

[I'll hang up na. I still have a lot to do. Bye! Love you!]

"Love you too..."

Nang mamatay ang tawag ay kumuha na ako ng fresh milk at dinala na iyon sa counter upang mabayaran.

Matapos kong mabayaran iyon ay lumabas na ako ng convenience store dala ang isang supot. Nagpatuloy ako sa paglalakad pabalik sa condo ko, sarado na kasi ang convenience store sa ibaba ng condo.

Nasa madilim na parte na ako ng sidewalk nang maramdaman na parang may sumusunod sa akin. Nagkibit-balikat na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Ngunit parang may mali...

Lumingon ako sa likod at isang lalaki ang nakita ko. Nakatakip siya ng kaniyang mukha at tila ba sumusunod siya sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko, bumilis din ang paglalakad. Naramdaman kong bumilis din ang lakad niya kung kaya't tumakbo na ako.

Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa bumangga ako sa isang bulto. Nakatakip din ang mukha. Agad niyang tinakpan ng panyo ang bibig at ilong ko. Nakahabol ang lalaki kanina sa likod kung kaya't siya ang humawak sa mga kamay ko at iginapos iyon.

Pinilit kong magpumiglas at labanan sila ngunit masyado silang malakas. Hindi ko rin alam ngunit unti-unti na akong nanghihina, may nilagay siguro sila sa panyo na nakatakip sa ilong at bibig ko.

Bago ako mawalan ng malay, naramdaman kong isinakay nila ako sa isang van. Naririnig ko rin ang mga boses nila.

"Tanga mo naman, tol. Ang bigat nito tulungan mo 'ko!" ani ng isang lalaki.

"Selfie muna ako bago makulong..." At isang click sa camera ang narinig ko.

Then everything went black.

-

Isang matinding sikat ng araw at tunog ng baso at kutsara ang nagpagising sa akin. Mukhang may nagkakanaw pa ng kape.

Iminulat ko ang mata ko at isang puting kisame ang bumungad sa akin. Tatayo na sana ako nang hindi ako makagalaw dahil pagkakagapos ko sa kama.

"Hmp!" Impit na sigaw ko dahil sa panyo na nasa bibig ko.

Sinilip ko ang paligid. May itim na bedside table sa gilid at meron doong alarm clock. Sa gilid ay ang glass door patungo sa balcony. Ang dingding ay pininturahan ng kulay grey at sa harap ay ang malaking tv. Sa bandang kanan niyon ay isang bulto ng lalaki na walang saplot pang-itaas. Nagkakanaw siya ng kape.

"Gising ka na pala..." Tumingin siya sa akin gamit ang seryosong mukha.

"Hmp!" Hindi ko makapagsalita ng ayos!

Sino ba siya? Anong ginagawa ko rito? Anong balak nila sa akin?!

"Hush, baby..." Lumapit siya sa akin at ibinaba ang panyo sa aking bibig.

"Sino ka?! Palayain mo ako rito!" Nanggagalaiting sigaw ko.

Tumawa lamang siya. At ngayong malapitan ko na siyang nakikita, napansin ko na rin ang itsura niya.

Mayroon siyang makapal na kilay, kumikinang ang mga mata, matangos ang ilong, mayroon siyang dimple sa kaliwang pisngi, katamtaman ang kapal ng mapula niyang labi at maputi siya.

"You're in my house," aniya.

Napataas ang kilay ko. "And so? Alisin mo itong gapos sa akin at pauwiin niyo na ako!"

"No, baby... No way," sagot niya habang may sinusupil na ngiti sa labi niya.

"Kung ayaw mo, ako ang gagawa ng paraan para makaalis dito!" Matapang na sigaw ko.

"Try it." Umalis siya sa tabi ko at umupo sa sofa na nasa harap ng kama.

"You jerk! Tulong! Tulong! May tao ba riyan?! Help!" Sumigaw ako nang sumigaw hanggang sa napaos na ako at wala pa ring nangyayari.

Halos isang oras ang nakalipas ay gano'n pa rin ang ayos namin. Nagbabasa siya ng dyaryo habang ako naman ay nakagapos sa kama.

"Hey, you! Come on! Paalisin mo na ako..." Pagmamakaawa ko.

"No."

"Gagawin ko lahat ng gusto mo paalisin mo lang ako!"

"Really?" Napatingin siya sa akin, umangat ang sulok ng labi.

"O-Oo..."

"Okay," sagot niya. Tumayo siya at may tinawagan sa cellphone niya. Lumabas siya upang hindi ko marinig ang kung ano man ang pag-uusapan nila.

Ilang oras ang lumipas ay 'di pa siya bumabalik. Kahit na subukan kong makawala ay hindi pa rin ako makawala. Nasakit na rin ang pala-pulsuhan ko kakapumiglas.

"God, please..." Napadasal ako.

May pumasok na isang lalaki sa kwarto. Hindi siya iyong lalaki kanina. Masyadong malamig ang aura ng isang 'to. Tila ba hindi siya masaya sa buhay niya at sobrang hirap patawanin.

"Eat up. Baka malipasan ka, mapagalitan pa ako..." malamig niyang sabi at nilapag ang tray ng pagkain sa bedside table.

"Sino ka? Pwede mo ba akong pakawalan? Hinihintay na ako ng magulang ko," sinubukan ko pang magpaawa.

"Hindi ako ang magpapalaya sa'yo. Wala sa akin ang desisyon." Akmang lalabas na siya ng kwarto nang may naisip ako.

"Hey! Paano ako kakain kung nakagapos ako?" Tanong ko.

Tumaas ang kilay niya. "Tatawag ako ng maid para subuan ka."

At lumabas na siya, iniwan akong mag-isa roon.

May pumasok na maid doon at tinulungan akong kumain. Kahit anong pilit ko sa kaniya na pakawalan ako ay mukhang loyal sila roon sa lalaking may dimple.

Nang matapos akong kumain ay saktong pumasok si Richard sa kwarto, may dalang envelope.

"Kailan mo ako balak palayain?" Tanong ko. Nakakangawit na.

"Sabi mo, you'll do everything, right?" Tumabi siya sa akin.

"Oo..."

"Then sign this," Inilapag niya ang isang papel. May taklob doon at halos linya lamang na pipirmahan ang kita roon.

"Ano ito?" Tanong ko.

"Just sign it. Then I'll think about your freedom..." Aniya.

Kinalas niya ang posas sa kanang kamay ko at hinayaan iyong humawak ng ballpen. Pinirmahan ko iyon.

"Great!" Nakangising sabi niya.

"Now, palayain mo na ako..." Utos ko.

"Nah-ah. No way... Hinding-hindi na kita palalayain lalo na ngayong asawa na kita." Nanlaki ang mata ko sa huling mga salita na sinabi niya.

"A-Asawa?"

"Yeah, you're my wife now..."
.
.
.
To be continue...

I'm Torn - (Under Revision)Where stories live. Discover now